Dennis Trillo rushed to hospital after freak accident

Dennis Trillo fell andlanded badly while practicing parkour for his scenes in Gagambino. Hewas rushed to a nearby hospital where he was immediately examined for brokenbones and other injuries. Luckily, Dennis only sustained a sprained muscle.



Nakarating sa PEP(Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon ng freak accident si DennisTrillo habang nagti-training ng parkourna gagamitin niya sa Gagambino. Na-sprain ang muscle nito sa binti,dahilan para hindi siya makatayo, kailangan pa naman nitong mag-rehearse parasa Twenty/Twenty concert ni Ogie Alcasid bukas sa Araneta Coliseum.

WHAT IS PARKOUR? Ayon sa Wikipedia (online free encyclopedia), parkour, founded in France by DavidBelle, "isthe art of movement and is an activity with the aim of moving from one point toanother as efficiently and quickly as possible, using principally the abilitiesof the human body. It is meant to help one overcome obstacles which can beanything in the surrounding environment and can be practiced in both rural andurban areas."

First time gagamitin ang parkoursa isang local TV series at masuwerte si Dennis na siya ang unang susubok nito.

Galing si Dennis sa tapingng Gagambino, 5 a.m. na sila na-pack-up and by 10 a.m., nagti-trainingna siya ng parkour. Nahulog ang actor, di maganda ang bagsak at hindimakatayo. Dinala siya sa ospital at ipina-X-ray agad. Malaki ang pasasalamatniya nang malamang na-sprain lang siya at walang buto na nabali.

Excited na nga si Dennis sa Gagambino at naging pilyo sa pagkukuwento tungkol sa gagamiting costume. Sabi nito:"Na-fit ko na ang costume, pero di ko pa ginagamit. Medyo hapit siya, perowalang nasakal at di puwedeng walang umumbok."

Inamin din nitong matindingpressure sa kanya angbago niyang project, lalo't papalit ito sa Dyesebel na mataas angratings mula noong pilot episode hanggang ngayon. Sa tulong nina Direk Toppel Lee atDon Michael Perez, sa ganda ng istorya at kooperasyon ng buong cast, naniniwalasi Dennis na papatok din ito sa viewers.

LEARNING FROM EXPERIENCE. Sa takbo ng interview ng PEP, naalaala na naman niDennis ang pinagdaanan niyang "delubyo" sa kanyang buhay. Inisip na lang niyanghindi lahat ng tao ay mapi-please niya at ang ipinagmamalaki lang niya, neverniyang ginamit ang kanyang personal life para sa publisidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutunan ko sa nangyari saakin na sagutin ang isyu as honest as I can. Ang lowest time sa buhay ko aynoong time na maraming tumitira sa akin. Ngayon, natutuwa ako na di namasyadong negative ang nasusulat sa akin at kailangan ko na ring mag-move on."

"It was a learningexperience na dumadaan sa buhay at stage ng bawat artista. Na-down ako, peroinisip ko na lang na mas maraming tao ang mas malaki ang problema sa akin.Nakagaan din ng loob ko ang malamang kahit dumaan ako sa maraming problema,marami pa rin ang naniniwala sa talent na puwede mong i-offer at marami pa rinang nagbibigay ng projects."

WORKING WITH JUDY ANNAGAIN. Nabanggit nitong may dalawasiyang bagong endorsements at maganda ang feedback ng Mag-Ingat Ka Sa...Kulam nilani Judy Ann Santos na showing sa October 1. Malakas ang fear factor ng movie sadireksyon ni Jun Lana.

How was it working againwith Judy Ann?

"Isang big opportunity forme na muli siyang makasama and this time, leading lady ko na siya. Mabait siyaat parang hindi superstar kung kumilos, totoong tao si Judy Ann at di mahirapabutin. Masaya nga dahil ‘pag break time sa shooting, anak niya at anak ko angpinag-uusapan namin."

DENNIS'S SONG. What is the song of your life?

"The song of my life is Couldn'tAsk For More by Edwin McCain (kinanta nito sa harap ng PEP at magandanga ang lyrics).

"The song speaks for itselfat sinasabing kahit ano ang nangyari sa buhay at career ko, masuwerte pa rinako sa dami ng blessings. One time, nagmumuni-muni ako at narinig ko siya atbumagay sa sitwasyon ko."

EXCITED FOR HEART. Isa pang nagpapa-excite kay Dennis ay matutupad naang dream niyang makatrabaho si Heart Evangelista. Silang dalawa ang tampok na pareha sa isa sa mgaepisodes, "Tsinoy,"ng Dear Friend.

Unang lipat pa lang ni Heartsa GMA-7, nagpahayag na si Dennis na crush niya ito at pinangarap makatrabaho.Kaya nga, kahit sa S.O.P. lang sila nagkakasama, masaya na siya attriple tiyak ang katuwaan niya na makakatambal niya sa isang episode ng Sundaydrama series ang actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Abangan n'yo na lang kungkailan ang airing ng "Tsinoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN