Gretchen Barretto refutes Ricky Lo's report that Tonyboy kicked her out

"Mali ang source ni Ricky Lo. Hindi kami nakatira sa ForbesPark. Matagal na kaming nakatira sa Dasmariñas Village at hindi ako pinalayasdahil hindi ko naman pahihintulutan na mangyari ‘yon. I still livethere together with my daughter and I am very happy right now. I was sick for10 days and it was Ruffa [Gutierrez] who told me na may isyung I was thrown outof the house. That's a big lie," says Gretchen Barretto.



Pinagkaguluhan agad si Gretchen Barretto ng iba't ibang mga TV crew pagdating niyasa birthday celebration ni Sen. Bong Revilla sa C3 Events Place, San Juan. Ito kasi ang first public appearance ni Gretchenpagkatapos lumabas ang balitang pinalayas siya ng live-in partner na si Tonyboy Cojuangco sa Forbes Park.

"Mali ang source ni Ricky Lo. Hindi kami nakatira sa ForbesPark. Matagal na kaming nakatira sa Dasmariñas Village at hindi ako pinalayasdahil hindi ko naman pahihintulutan na mangyari ‘yon. I still livethere together with my daughter and I am very happy right now. I was sick for10 days and it was Ruffa [Gutierrez] who told me na may isyung I was thrown outof the house. That's a big lie," paglalahad ni Gretchen, salungat sa sinulat ni Ricky Lo sa kanyang Funfarecolumn (Philippine Star, September 19).

Did she take it against Ricky Lo?

"Uh, alam mo, hindi naman maaalis na showbiz figure ako,pag-uusapan at pag-uusapan. So, ah...kaya lang marami kasing nagulantang, e. Yunglumabas yung isyu na ‘yon na naghiwalay kami... Ang daming nag-crash diet.Akala nila yung wedding next month na. So... ‘My God, hiwalay na siya. Ikakasalna siya!' Ang dami nang istoryang lumabas. Ang dami nang hindi kumain, ganun.Sabi ko, wait a minute. Don't get excited. I wanna decide in my time, in theright time, you know."

Kabilang kasi sa mga isyu't intriga na kunektado kayGretchen, ang pangakong kasal diumano sa kanya ng nali-link sa kanyang si DodyPuno sa sandaling makipaghiwalay si Gretchen kay Tonyboy. Kaya tuloy nabanggitni La Greta na tiyak na marami nang nag-aakalang ikakasal na nga siya kay Dodydahil sa isinulat ni Ricky Lo.

Hindi naman daw gagawin din yun ni Tonyboy sa kanya.

"Bakit niya gagawin yun? Kaya naman niyang magpatayo ngbahay, e. Hindi na niya ako kailangang i-kickout. Pang-ilang issue na baitong kick-out-kick-out? Ang dami na. Parang luma na nga, e. Sana bago naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TSISMIS MAGNET. Sabi nga ng manager niyang si Boy Abunda,talagang habulin si Gretchen ng mga kontrobersya at tinawag na ngasiyang "tsismis magnet."

"Oo nga, ina-accept ko na ‘yan."

Ano ang plano niya sa mga paulit-ulit na tsismis sa kanya?

"Wala lang. Only time can prove it, di ba? And the truth...so, wala lang."

Ano naman ang feeling niya na lagi siyang natsitsismis?

"Sabi ko na lang, ‘Ano ba ‘yan? Wala nang katapusan ‘yan?Iba naman.' That's how I feel."

Ano naman ang reaksyon "niya"?

"Sinong ‘niya'? Ha-ha-ha!"

Si Tonyboy, tukoy namin.

"Wala. Si Tony, medyo nainis kasi parang pinapamukha siyangmasama."


May tsismis din na kahit na raw magkasama sila sa bahay ni Tonyboy hindi naganun kaganda ang relasyon nila ngayon. Totoo kaya ito?


"Amin na lang yun. Ayaw na naming pag-usapan ‘yon. Ang buhay namin sa loobng bahay, amin na lang ‘yon, di ba? Kung anong gustong isipin ng ibang tao sakanila na lang rin lang ‘yon."

NADIA MONTENEGRO. Kumusta naman sila ni Nadia Montenegro?

"Asawa ko ba 'yun?"

Sa sagot na iyon ni Gretch, ibig sabihin ay hindi pa rinnagkakaayos ang dating magkaibigan.

Tiniyak din niGretchen sa PEP na hindi darating si Nadia sa party ni Sen. Bong.

Samantala, kunumpirma rin ni Gretchen ang sinabi ni Boy Abunda tungkol sa isang bonggang proyekto na gagawin niya.

"Oo, meron kaming dalawang announcements. Very soon! Careerito and the like. Good news ito," pagtatapos ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN