Eugene Domingo turns down role in "La Lola" to focus on movies

"Isipin n'yo na lang angmagiging lagare ko sa tatlong set ng pelikula, di ba? ‘Tapos sasabayan ko pang taping, e, kawawa naman ako. Baka bigla na lang akong matumba sa set dahilsa sobrang pagod ko," reasons Eugene Domingo on why she turned down a role in LaLola.



Wala raw choice angaward-winning comedienne na si Eugene Domingo kundi ang i-turn down ang isangrole na para sa kanya sa bagong show ng GMA-7 na La Lola.

May tatlong pelikula kasi siEugene na tatapusin para sa Metro Manila Film Festival at ayaw daw niyang maging cause of delay ng shootingor tapings.

"Kailangan ko kasing mamilina, between paggawa ng movies or ang taping. Since kakatapos ko langmag-TV sa Ako Si Kim Samsoon, pahinga muna ako sa paggawa ng series at ang mgapelikula naman ang haharapin ko.

"Naka-commit na kasi ako satatlong movies sa festival in December. Kasama ako sa Desperadas 2, AngTanging Ina Ninyong Lahat at Shake, Rattle & Roll X.

"Isipin n'yo na lang angmagiging lagare ko sa tatlong set ng pelikula, di ba? ‘Tapos sasabayan ko pang taping, e, kawawa naman ako. Baka bigla na lang akong matumba sa set dahilsa sobrang pagod ko.

"Kaya sinabi ko sa managerko na movies muna tapusin namin. Nakakahiya naman na maging cause of delay akosa mga shootings. Next year na kami ulit tumanggap ng series para hindi magulosa schedules, di ba?"

Bukod nga sa tatlongpelikula ay may gagawin next year si Eugene na solo comedy movie sa ilalim ng VivaFilms na ididirek ni WennDeramas. Patunay na walang naging problema sa pagkakaibigan nila.

"Early 2009 na namin gagawinyung movie. Busy rin kasi si Wenn sa ABS-CBN 2. May mga TV shows siyangtinatapos. Kaya na-push back yung schedules niya para sa movie na gagawinnamin.

"Okey lang naman kasi nagingbusy rin naman ako. Tamang-tama lang na next year, medyo maluwag na ang lahatay masisimulan na namin ang project."

Natutuwa nga si Eugene dahildalawa sa ginawa niyang indie films this year ay pasok sa mga internationalcompetition. Una ay ang indie film na 100 kunsaan nagwagi siya ng Best Supporting Actress sa Cinemalaya Film Festival. Makikipag-compete din ito sa Pusan International FilmFestival in Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangalawa ay angindependently-produced film na Ploning na pinagbidahan ni Judy AnnSantos. Kalahok ito bilang Philippine representative sa Best Foreign Language category ng2009 Oscar Awards.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN