FIRST READ ON PEP: Ogie Alcasid thanks Michelle's "new man" at his concert

Scenes from Ogie Alcasid's concert, Twenty/Twenty, last night: (Top, left) Ogie sings "I Will Be Here" for daughter Leila; (top, right) Ogie and his "leading lady" Regine Velasquez sing a medley of duets; (below) Michelle Van Eimeren watches the concert with daughter Sarah and the Australian Mark, who is believed to be Michelle's boyfriend.



Naging extra special ang pagdiriwang ni Ogie Alcasid ng kanyang 20thanniversary concert na pinamagatang Twenty/Twenty kagabi, September 27, sa Araneta Coliseum. Ito ay dahil naroroon ng kanyang dalawang anak na sina Leila atSarah at ang ina nila na si Michelle Van Eimeren.

Isang gabi bago ang concert ni Ogie ay dumating mula saAustralia ang kanyang mag-iina pagkatapos ng mahabang panahon. Si Ogie mismo ang sumundo sa kanila.

Sa panayam kayMichelle ng iba't ibang TV crew sa airport ay sinabi nito ang totoong sitwasyon ngrelasyon nila ni Ogie. Ayon sa dating Miss Australia, matagal na silang divorced ni Ogie,kaya lamang ay hindi pa naa-annul ang kasal nila rito sa Pilipinas.

Kagabi, sa concert ni Ogie, ay nasa harapan ang mag-iina niyaat katabi nila ang isang lalakeng foreigner, na kasama ninaMichelle mula Australia.

During the concert, sinabi ni Ogie kung gaano siya kasaya sa pagdating ni Michelle at ng dalawa nilang ana.

"Tonight is one of the happiest nights I will ever, everhave because tonight, after quite a while, my children are here to watchme. I don't get to see you often, Leilaand Sarah, and I'm so happy you're here. Seeing you right now, I see howbeautiful you are... Buti na lang maganda ang nanay n'yo!" biro ni Ogie.

Patuloy niya, "Of course, I'm so happy that Michelle is heretonight. Palakpakan n'yo po ang taong ito. Thank you for bringing them [their daughters] here,for being there when I'm not."

Pagkatapos nito ay pinasalamatan din ni Ogie ang lalakingkasama ni Michelle, na ayon na rin mismo kay Ogie ay nagngangalang Mark. "And ofcourse, to you Mark... Mark, you are now tabloid material! Mark, thank you forbeing there," pahayag ni Ogie.

Hindi man direktang sinabi ni Ogie kung ano ang relasyon niMark kay Michelle, mahuhulaang ito ang sinasabing karelasyon ngayon ng datingbeauty queen. Kapansin-pansin din ang pagiging malapit ng mga anak ninaMichelle at Ogie kay Mark dahil karga-karga nito sa Sarah sa bahagi kung saannagtayuan ang lahat ng nasa audience para sa huling number ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay tinawag na ni Ogie ang dalawa niyang anaksa stage, pero si Leila lang ang umakyat dahil mahiyain si Sarah. Katabi niya siLeila sa stage at habang nanonood si Sarah sa ibaba ay inawitan ni Ogie angkanyang mga anak ng kantang "I Will Be Here."

Naging madamdamin ang naturang number dahil sa pamamagitan ngisang awitin ay naiparating ni Ogie ang kanyang nararamdaman para sa kanyangmga anak na madalang niyang makita nang personal. Hindi naiwasan ni Michelle namapaluha habang pinapanood ang naturang eksena, habang marami naman sa audienceang nagpapahid na rin ng kanilang luha.

Sa pagdating ni Michelle at ng kanilang mga anak dito saPilipinas, maraming katanungan ang nabigyan ng kasagutan.

Una na rito ang totoong estado ng kasal noon nina Ogie atMichelle. Napatunayang matagal na pala silang hiwalay bagamat hinihintay panila ang desisyon ng annulment case nila rito sa Pilipinas.

Pangalawa ay ang pagiging masaya nina Ogie at Michelle sapagkakaroon ng bagong pag-ibig ng isa't isa; si Michelle kay Mark at si Ogienaman kay Regine Velasquez.

Incidentally, isa si Regine sa espesyal na panauhin ni Ogie sa kanyang concert kagabi. Ipinakilala ni Ogie si Regine bilang kanyang "leading lady." Inawit nila ang medley ng ilan sa nilikha ni Ogie na si Regine ang kumanta.

Dahil sa pagdating ni Michelle, matitigil na marahil ang espekulasyon ngmga tao tungkol sa relasyon nina Ogie at Regine. Binatikos ng marami si Regine sapag-aakalang ang Asia's Songbird ang naging dahilan ng paghihiwalay ninaMichelle at Ogie. Pero mismong si Michelle na ang nagsabi na itinuturing niyaat ng kanyang mga anak si Regine bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Kamangha-mangha rin na napanatili nina Ogie at Michelle ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng divorce nila. Importante ring maayos nilang napalaki ang kanilang mga anak bilang mga magulang. At mukha namang tanggap na nina Leila at sarah ang sitwasyon ng kanilang mga magulang, pati na ang mga bagong pag-ibig nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Click here for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN