GMA-7's Wilma Galvante says the network continues business deals with Annabelle Rama

"Hindi kami kailangang mag-usap. Iam not looking for that moment... Huwag na ‘yan yung gamitin n'yo, hindi na ngapinag-uusapan [yung isyu]. You know. Let's give her peace," says GMA-7 SVP for Entertainment TV Wilma Galvante about talent manager Annabelle Rama (inset).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ibapang piling entertainment editors ang lady executives ng GMA-7 saisang intimate lunch last Friday, September 26, sa 17th floor ng GMANetwork Center.

Ang mga nakausap namin ay sina Ms. WilmaGalvante, SVP for Entertainment TV; Ms. Marivin Arayata, VP for EntertainmentTV; Ms. Lilybeth Rasonable, AVP for Drama; Ms. Darling de Jesus, AVP forMusical & Variety, at Ms. Janine Piad-Nacar, AVP for Games & Talk.

Bukod sa paglalatag ng kanilang lineup of shows for the restof 2008 at sa unang bahagi ng 2009 (Click here to read related article), nagbigay rin ng pahayag ang naturang executivesng GMA-7, partikular si Ms. Wilma, tungkol sa mga Kapuso stars na umalis at patina ang pakikitungo ngayon ng network kay Annabelle Rama.

GOODBYE & HELLO. Noong nakaraang linggo ay nabalita na pormal nang nagpaalamsi Lorna Tolentino kay Ms. Wilma. Tinanggap na ng aktres ang offer ngABS-CBN. (Click here to read related article.)

Kuwento ni Ms. Wilma, "On LT, nagpaalam siya. Kasi angreason niya, gusto niyang gawin yung movie [sa Star Cinema]. Meron daw kinomit sa kanyang movie.‘Tapos sa series, baka may series siya. She didn't elaborate. But basically shecame to me to tell me that she wanted to do this and afterwards, if she couldcome back. I said to her to do what she feels what's best for her to do. Therewill always be a room for talents like her, so I kept it open. Hindi namansinabing, ‘Ay, umalis ka, e!' Movie kasi talaga yung habol niya."

Matatandaang tinanggihan ni Lorna ang offer ng GMA-7 para saisang role sa Sine Novela na Saan Darating ang Umaga. Si Lorna sana ang gaganapsa role na unang ginampanan ng yumaong aktres na si Ms. Nida Blanca sapelikula. Si Lani Mercado ang pumalit sa kanya samantalang si Yasmien Kurdinaman ang gaganap sa dating role ni Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mariing sinabi ni Ms. Wilma na hindi lahat ng mga artistangumalis sa poder ng Kapuso network ay malayang makakabalik. Dagdag ni Ms.Lilybeth, "Depende naman kung nagpaalam nang maayos. Kung minsan namannagpapaalam nang maayos ‘yan."

Kung si Lorna ay nagdesisyong umalis ng GMA-7, ang aktres nasi Sheryl Cruz ay nakatakda namang bumalik sa Kapuso network. Pagkatapos gawinni Sheryl sa GMA-7 ang Mga Mata ni Anghelita ay lumipat siya sa ABS-CBN, kungsaan gumawa siya ng ilang proyekto. Ngayon ay balik-GMA-7 siya sa pamamagitanng isang malaking role sa upcoming series na Luna Mystica, kasama sina MarkAnthony Fernandez at Heart Evangelista.

"Yung kay Sheryl... Okay, this is what I know," simula ni Ms.Wilma. "Nagpaalam din naman ‘yan, e. Si Ate Dolor [Guevarra, Sheryl's manager]naman, nag-usap kami. Ang sabi niya, in the case of Sheryl, parang si Susan[Roces, Sheryl's aunt] yung nag-decide because Susan wanted Sheryl to do theSusan Roces Collection. Kung ano man yung naging resulta nun, hindi na natinyun papakialaman, pero ito lang yung pinanggalingan. So, paano ka namanmakakahindi kung mismong ano ang magsasabi sa ‘yo na, ‘Do this first'? Sige, doit.

"Si Sheryl, with the projects that we did for her... Okay,ibalik pa natin further back. Nung bumabalik si Sheryl, I met Ate Dolor andSusan in a dinner. ‘Tapos, talagang lumapit siya at ibinilin niya si Sheryl.Sinabi niya that Sheryl has decided to stay...try her mag-TV ulit. Could I helpher, sana alagaan. So, sabi ko, yes, and then we did. ‘Tapos maganda yung mgashows [na ibinigay sa kanya], maganda yung rating, nabalik yung career, in short.

"And then afterwards, ‘eto na yung sinasabi nila na ‘she hadto do this kasi Susan Roces Collection. Gusto niya talaga ibigay kay Sheryl.'So, okay din, pero sinabi ko rin kay Ate Dolor... I never got to talk to Susananymore, only to her [Dolor] and na-text ko lang si Grace [Poe Llamanzares,Susan's daughter]. Sabi ko sa kanya [Dolor], ‘I just want you to relay to Susanjust to remind her that I did not fail her.' Pinasabi ko lang ‘yon, and it wasfine, sumagot naman si Grace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman yung resulta ng mga projects na ginawa niya [Sheryl sa ABS-CBN],history na ‘yon. Now, we know she doesn't have any projects... Meron talagangisang role na bagay talagang ibigay sa kanya [sa Luna Mystica]," lahad ng ladyexecutive.

Naitanong din ang kaso ni Ara Mina, na umalis din sa poderng GMA-7. Hindi direktang sinabi ngGMA-7 executives kung babalik na sa Kapuso network ang sexy actress, pero mamaya, September 28, sa SOP ay magge-guest si Ara para sa anniversary ng Regal Films. Ayon kayMs. Wilma, maaari nilang hanapan ulit ng bagay na role para kay Ara, pero hindipa raw ngayon.

Para naman sa mga nagtatanong na fans ni Jennylyn Marcado,tiniyak ng GMA-7 na may plano sila para sa pagbabalik ng kapapanganak na youngactress. Sa isang taon ay gagawa siya ng Sine Novela, katambal ang datingka-love team na si Mark Herras.

ON ANNABELLE RAMA. Hindi rin nakaiwas si Ms. Wilma nang tanungin siya kungkumusta na sila ng talent manager na si Annabelle Rama. Matatandaang nagkaroonsila ng alitan dahil sa pagsasabay ng first-day showing ng pelikula ng anak niAnnabelle na si Richard Gutierrez, katambal si KC Concepcion, ang For The FirstTime, at ang birthday concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

"We do not discuss her," sabi ni Ms. Wilma. Peronilinaw nito na hindi naapektuhan ang relasyon ng Kapuso network sa mga alagani Annabelle na nasa kanilang poder, partikular na si Richard.

Sa katunayan, may nakahanda nang next project ang youngactor pagkatapos ng Codename: Asero, ang Zorro. Nakatakda ring gawin ni Richardang Pinoy version ng Koreanovela na Full House. Hanggang 2010 pa ang kontratang young actor sa GMA-7.

Sinagot din ni Ms. Wilma ang intrigang nag-isnaban diumano sila niAnnabelle sa birthday party ni Senator Bong Revilla noong September 24 sa C3Events Place Greenhills, San Juan.

"Hindi kami nagkita Umalis na ako [nung dumating siya], Ileft early. I think she made sure I wasn't there anymore when she came there,"paglilinaw ng GMA-7 executive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ms.Wilma kung hindi pa ba sila nagkakausap ni Annabelle pagkatapos ng namagitang alitan sa kanila.

"Hindi kami kailangang mag-usap," diretso niyang sagot. "Iam not looking for that moment... Huwag na ‘yan yung gamitin n'yo, hindi na ngapinag-uusapan [yung isyu]. You know. Let's give her peace."

Sa kabila ng nangyari sa kanila ni Annabelle, nilinaw ni Ms.Wilma na inaasikaso pa rin siya ng Kapuso network pagdating sa mga proyekto ngkanyang mga alaga. Ang mga humaharap daw kay Annabelle ay ang program managersat si Ms. Marivin Arayata.

Paliwanag ni Ms. Wilma, "Alam mo, ganito ‘yan, when I wasstill Vice-President, I was handling this, e. Naka-hands on ka dapat sa mganegotiations, sa contracts, ganyan. Nung na-expand na yung department, ‘tapos Iwas made Senior Vice President, actually, it shouldn't have been part of mydetailed job anymore because I should be focusing on content, on the directionof the department... That should be the work of the Vice President already. Perobecause of the relationship, kinu-continue ko lang yung ginagawa ‘tsaka mgaimportante naman, di ba? Pero officially, VP dapat ang nagha-handle no'n. So,walang problema, may nag-aasikaso sa kanya."

Ayon naman kay Ms. Marivin, okay naman daw ang businessrelations nila kay Annabelle. Dagdag niya, "Medyo nag-mellow siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN