Aiko Melendez on real score between her and Vice Mayor Patrick Meneses: "What you see is what you get."

"I don't want naman namagpa-interview, broadcasting kung ano ba kami or ano ba ang relasyon namin.Siguro naman ang mga tao ngayon, matatalino na sila. Alam na nila kung ano kamini Patrick kaya we leave them sa gano'n na lang, di ba?" says Aiko Melendezregarding her relationship with Bulacan, Bulacan Vice MayorPatrick Meneses.



Kinilig nang husto si ArnellIgnacio dahil sa huling week nggameshow niya na Gobingo, ang nababalitang magkarelasyon na sina QuezonCity Councilor Aiko Melendez at Bulacan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses ang kanyang magiging contestants.

Inamin nga ni Arnell nakinilig-kilig siya noong nakita niya ang dalawa na magkatabi sa set. Mga youngpoliticians kasi ang tema ng game noong araw na iyon at ang isa pang nakasama nila aysi Manila Councilor Robert Ortega.

PATRICK'S FIRST. Tuwang-tuwa nga si Aiko dahil nakaabot sa jackpotround ang nababalitang boyfriend niya na si Patrick. Ani Aiko, hindi niyaakalain na mabilis sumagot sa mga mabibilis na tanong si Patrick. Kahit na rawyung mga intriga sa showbiz ay kaya raw nitong sagutin ng tama.

"Nagulat nga ako. Akala komga trivial things lang ang alam niya. Pero pati mga showbiz tsismis ay kayaniyang sagutin!" malakas na tawa ni Aiko.

"Nakakahiya nga, kasi kamini Robert, nag-iisip pa kami talaga noong sagot. E, si Patrick, talagang maysagot siya at tama!"

First time nga raw nanagpaunlak si Patrick na mag-guest sa isang game show na kasama si Aiko. Kayanaman kinabahan din si Aiko dahil alam niyang napag-uusapan sila parati.

"Nagtanong naman ang staffng Gobingo kung okey lang ba na maglaro kami ni Patrick sa show. Para saakin okey lang, ewan ko lang kay Patrick talaga kasi hindi talaga siya mahilighumarap sa TV.

"Pero noong sabihin ko nait's for a good cause naman, because kung sakaling umabot siya sa jackpot, yungmapapanalunan niya ay may makakakuha rin na home partner. So parang nakatulongka na rin, di ba? Um-oo naman siya kasi hindi naman daw showbiz talk show iyonkundi game show na makakatulong pa kami."

FROM GAME TO SHOWBIZTALK SHOW. Pero hindi naman daw silanakawala sa pang-iintriga ng Gobingo host na si Arnell Ignacio. Nagingshowbiz talk show daw bigla ang game show nito.

"Itong si Arnell, talagangintrigero! Imagine, tanung-tanungin ba naman kami ni Patrick, e, doonlang naman kami sa studionagkakilala! Sobrang pagpapa-girl ba?" tawa pa ni Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya na-tense din ako kasinga ang alam ni Patrick, maglalaro lang siya. Pero nag-enjoy naman siya atnag-enjoy din ako kasi nga umabot si Patrick sa jackpot round."

WHAT YOU SEE IS WHAT YOUGET. Sa tanong nga kung ano na baang sitwasyon nila ni Patrick Meneses, sagot ni Aiko:

"What you see is what youget," ngiti pa niya. "Kami naman ni Patrick, ayaw na naming lagyan pa ng kunganu-anong label ang samahan namin. I mean, kung ano ang nakikita ng mga tao, e,di yun na ang kahulugan ng samahan namin.

"I don't want naman namagpa-interview, broadcasting kung ano ba kami or ano ba ang relasyon namin.Siguro naman ang mga tao ngayon, matatalino na sila. Alam na nila kung ano kamini Patrick kaya we leave them sa gano'n na lang, di ba?

"Basta ako, I'm happy.Patrick is happy. Everyone na nasa paligid namin ay masaya. Kaya what you seeis what you get."

PATRICK AND JOM ARE OK. Binalita rin ni Aiko na maayos naman daw ang nagingpaghaharap ni Patrick at ng kanyang ex-husband na si JomariYllana. One Sunday daw aynagkasama sila with the kids.

"We had parang a gatheringone Sunday at kasama nga si Jom at ang mga bata. Masaya naman lahat at walangnaging problema between Patrick and Jom. Nagkaayos naman sila even before,‘tsaka hindi naman malaking issue iyon, e. Masyado lang naging formal si Jomkay Patrick.

"Kay Patrick, wala iyon.Naiintindihan niya yung nasabi ni Jom at wala naman ibig sabihin iyon. Sportnaman si Patrick and he respects Jom tulad ng pagbigay niya ng respeto saakin."

JOM AND POPS. Usap-usapan na nga na kumpirmadong hiwalay na raw siJomari at ang girlfriend nitong si Pops Fernandez. Ayaw na lang daw magbigay ng comment si Aikodahil hinihintay niyang si Jomari ang magbukas ng topic.

"Hindi naman maganda na akopa ang magbukas ng topic na iyon, di ba? Hinihintay ko na lang si Jom na siyamagsabi kung totoo ba o hindi ang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong isipin niya nagusto kong makiusyoso. If he wants to talk about it, nasa kanya iyon kung gustoniyang i-open up sa akin. Ready naman ako makinig sakanya kasi magkaibigan namankami.

"Alam naman ni Jom na handaakong makinig sa kanya anytime he feels like na may problema siya. He's notjust the father of my son Andrei but he's also a good friend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN