Judy Ann Santos misses former screen partner Wowie de Guzman

"Wowie knows how much Icared for him bilang kaibigan niya. Yun naman yata ang nagiging ending ng bawatrelasyon, di ba? Nagiging good friends kayo. Pinagdarasal ko ang mga kaibiganko parati. And I pray nga na sana ay nasa magandang kalagayan si Wowie," saysJudy Ann Santos about her former love team partner Wowie de Guzman.



Kung meron mang nami-miss siJudy Ann Santos ngayon, ito ay ang kauna-unahan niyang leading man na si Wowiede Guzman.

Bago nga maging hit angpakikipagtambal ni Judy Ann sa tulad nina Piolo Pascual, Dingdong Dantes, (the late) Rico Yan at Ryan Agoncillo, si Wowie de Guzman ang una niyang naging ka-loveteam at naging number one screen tandem sila noong mid- and late ‘90s.

Naging box-office hits angmga pinagsamahan nilang pelikula tulad ng Sana Naman, Kung Alam MoLang, Wow Multo, Mara Clara: The Movie,Esperanza: The Movie, Paano Ang Puso Ko, Muling Ibalik AngTamis Ng Pag-ibig, Kasal-Kasalan Sakal-Sakalan, Dito Sa Puso Ko,at marami pang iba. Pati na ang mga TV shows na pinagsamahan nila ay inaabanganng marami, tulad nga ng Mara Clara at Esperanza.

Noong mabuwag ang love teamnila (in reel and real life), naipareha si Juday sa iba't ibang leading men atnawalan naman ng direksyon ang career ni Wowie. Sinubukan nito na lumabas saiba't ibang TV shows at pati na sa teatro ay sinubukan nito. Pero hindi na ngaito nakabalik sa dating lugar nito sa showbiz.

"Siyempre naman, nami-missko rin si Wowie. Marami kaming napagsamahan na mga pelikula at TV shows. Nagingmalaking part ng showbiz career ko si Wowie. Hindi ko naman siya bastamakakalimutan, di ba? I think ang huling napagsamahan namin na movie was LuvText.

"Minsan namannagkakasalubong kami niyan sa kung saan-saan. Kinukumusta ko naman siya paratisa mga alam kong kaibigan niya. Ngayon kasi, hindi ko alam kung ano ba angginagawa niya. I don't know kung nasa theater pa siya. Wala akong balita talagasa kanya," kuwento ni Juday sa presscon ng Mag-ingat Ka Sa.. Kulam ngRegal Entertainment.

Nanghinayang ba si Judaynoong mabuwag ang love team nila ni Wowie? Kung sakaling hindi nawala angtandem nila, sila pa rin kaya ang magkatambal ngayon?

"Mga bata pa naman kasi kaminoon ni Wowie. May mga tampuhan kami noon. Mga bata nga kami kasi. Noongitambal na nga ako sa iba kasi nga hindi na nagwu-work ang samahan namin niWowie, nandoon yung nanghinayang din ako kasi masaya kami noon, e. Lahat nggawin naming movies kumikita. ‘Tsaka ang dami naming mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi lang naman akoang nagdesisyon doon. Maraming involved kaya gano'n ang nangyari. Kung sakalingwalang naging problema sa amin noon ni Wowie, siguro hanggang ngayon may mgaginagawa pa kaming mga pelikula. Baka buo pa ang love team namin.

"Hindi ko lang alam sapersonal side. Siyempre, habang nagma-mature tayo, naiiba ang gusto natin. Maymga nadi-discover tayo sa mga kasama natin. Hindi maiiwasan iyon, e.

"With Wowie, alam naman niyakung ano ang nangyari sa amin. Pero matagal na iyon, e. Pareho na kamingnag-move on. Siguro nga, hindi kami yung itinakda para sa isa't isa.

"Nanghihinayang lang ako kayWowie kasi alam ko kung gaano siya nag-improve na as an actor noon. Sananagtuluy-tuloy iyon para hanggang ngayon ay active pa siya."

Pero nanatiling kaibigan parin si Juday kay Wowie kahit na matagal na silang hindi nagkikita.

"Wowie knows how much Icared for him bilang kaibigan niya. Yun naman yata ang nagiging ending ng bawatrelasyon, di ba? Nagiging good friends kayo. Pinagdarasal ko ang mga kaibiganko parati. And I pray nga na sana ay nasa magandang kalagayan si Wowie,"pagtatapos ni Judy Ann Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN