German Moreno appeals to celebrities to show debt of gratitude during birthday celebration in "S.O.P."

A grand birthday celebrationwas held for German "Kuya Germs" Moreno at S.O.P. this afternoon. Celebritieswhom Kuya Germs helped when they were just starting in showbiz greetedhim.



Bonggang-bongga anginihandog na birthday celebration ng GMA-7 para kay German "Kuya Germs" Moreno kanina sa Sunday noontime show na S.O.P.

Sari-saring productionnumbers ang inialay para kay Kuya Germs ng mga hosts at talents ng S.O.P.,gaya na lamang ng pag-awit ng ilan sa paboritong kanta ng Master Showman, like "Sendin the Clowns" sa Three of a Kind segment at "Broken Vow" nina Kyla atJay-R sa Souled Out segment.

Present din ang ilan sa mgaanak-anakan ni Kuya Germs sa kanyang show na Walang Tulugan with MasterShowman, sina John Nite, Hero Angeles at PJ Valerio. Gayundin ang iba pa niyang anak-anakan saiba pang shows in the past, like sina Lani Mercado, Isko Moreno, Ian de Leon at marami pang iba.

Marami rin sa mga artistangnatulungan ni Kuya Germs ang bumati sa kanya saVTR: Lea Salonga, Robert Ortega, ang mag-asawang Ronnie Ricketts atMariz, Gary Estrada at Bernadette Allyson, at ibapa.

Pero marahil, ang higit napumukaw ng pansin ng karamihan sa mga manonood sa loob ng studio, maging iyongmga nanonood sa kani-kanilang bahay, ay ang madamdamin at makahulugangbirthday message ni Kuya Germs. Biniro pa nga siya ni JannoGibbs kung may pinatutungkulan siya sa kanyang mensahe.

Parte kasi ng mensahe niKuya Germs ay patungkol sa mga artista. Dapat daw na marunong tumanaw ng utangna loob. Hindi komo't maliit ang offer ay aalis na at lilipat sa may masmalaking alok. Hindi komo't verbal lang ang agreement at walang kontrata aybabalewalain na lang ang kanilang usapan at naging pangako sa isa't isa.

Ayon pa kay Kuya Germs, angkasikatan ay nasusukat hindi lang dahil sikat ka ngayon kundi kung gaano katatagal sa showbiz.

Kahit na sinabi pa ni KuyaGerms na para sa lahat ang mensaheng ito at hindi siya nagbanggit ng pangalan,hindi maiiwasan na mag-isip ang mga nakapanood na patungkol ang mensahe niyangito sa kanyang anak-anakan na si Billy Crawford na kanyang nakasamaan ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan kasi naikinasama ng loob ni Kuya Germs ang paglipat ni Billy sa ABS-CBN para magingisang Kapamilya. Naging isa nga sa mga hosts ng Pinoy Dream Academy Season 2 at ng ASAP08 si Billy.

Akala kasi ni Kuya Germs nasa muling pagbabalik ni Billy sa Pilipinas aymananatili ito bilang Kapuso sa GMA-7 kung saannauna na itong nagkaroon ng talent show noon na Move. Hindi raw kasinagpaalam nang maayos sa kanya si Billy, na ikinasama naman ng loob ni KuyaGerms.

At mula sa unang manager niBilly na si Raul Laurente ay si Arnold Vegafria na nga ang nagma-manage sacareer ni Billy dito sa Pilipinas. Meron kasing international manager si Billypara sa mga projects niya sa abroad.

Hanggangngayon nga ay hindi panagkakausap nang masinsinan sina Kuya Germs at Billy. Pero marami pa rin angumaasa na magkakaayos din ang mag-ama-amahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN