Nadia Montenegro fires back at Rose Flaminiano and Cristy Fermin

"Ang kapal motalaga para insultuhin ako ng ganoon. Sa tingin ko talaga, hindi mo nakikita,kailangan mo ng salamin... How dare you compare yourself to me? Tingnan nyo munasarili n'yo....," Nadia Montenegro fires back atRose Flaminiano for the movie producer-manager's mantika comments against her.She also gets back at Cristy Fermin. "Mommy Rose Flaminiano, Nanay CristyFermin, kung ganito ang mga ina sa mundo, mas gusto ko pang maging ulila.&q



Humarap na nga nang live angnapagbibintangang "sulsoltant" daw ni Gabby Concepcion na si Nadia Montenegrosa Startalk kahapon, September 27, sa isang mahabang interview.

FIRE AWAY. Unang tanong nga ni Butch Francisco kay Nadia aykung ano ba talaga ang role ni Nadia sa career ni Gabby Concepcion namabilis namang sinagot ni Nadia.

"Wala po...wala akong role sacareer ni Gabby. Ang role ko sa buhay ni Gabby is that, I'm his friend. Eversince na nasa Regal kami ay magkaibigan na kami ni Gabby and aside from that,kaibigan ko rin ang mga kapatid niya. So, hindi ko rin alam kung bakit naiisipni Rose Flaminiano na may kinalaman ako sa career ni Gabby."

Follow-up question ni Butch,bakit nga ba siya natatawag na "sulsoltant" or "badvicer" sa career niGabby, ayon kay Mommy Rose?

"Hindi ko alam...basta noongunang dumating si Gabby rito, talagang nag-effort kami ni Tanya [Montenegro] nahanapin siya since wala nga akong number niya. And it was a very, very nice reunion. At nandoon din si Rose Flaminiano.At natatandaan ko na puro papuri si Rose sa amin na ang suwerte ni Gabby nameron siyang mga kaibigang katulad namin.

"At yun din ang hulingpagkakataon na natatandaan ko na nagkita kami ni Rose Flaminiano sa MusicMuseum ay pinupuri pa rin niya ko. Kaya kahit ako nagugulat sa mga sinasabi...Paano ako magiging ‘sulsoltant,' e, hindi naman... Si Gabby, nawala ng ilangtaon. Nabuhay sa Amerika. May sariling utak. May sariling desisyon. Ang galingko naman! Napaka-inconsistent kasi ni Rose Flaminiano...napakagaling ko naman.Paano ako magiging ‘sulsoltant' ni Gabby?

"Si Gabby kasi, pagdating,parang naguguluhan pa siya. Bago ang takbo ng industriya natin. Little things natinatanong ng kaibigan ko, bakit ko siya ide-deprive? Dati may mga legman pa tayo, ngayon, magtatanong si Gabby, ‘Nads,hindi pa dumarating yung legman.' Sabi ko, ‘Gabs, wala nang legman, hindi nauso.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos, sasabihin niya,‘Wala pa ang script ko.' So, sabi ko, ‘Anong oras ang call slip mo?' ‘Sixo'clock.' So, sabi ko, ‘O, four o'clock darating ang script mo,'" natatawangkuwento pa ni Nadia.

"BINABOY N'YO NA ‘KO!" Pero bakit nga ba ibinibintang sa kanya ang lahat ngmga nangyayari kay Gabby?

"'Yun nga, e... Bakit sa akin?Bakit mo ako pinag-iinitan Mrs. Flaminiano? Siguro kung ako sa inyo, sa ramin'yong hinaharap na kaso, yun na lang ang intindihin n'yo kasi, wala namantayong problemang dalawa, e. Nililihis mo ang isyu. Pinapasa mo sa akin anglahat.

"'Yung pagkatao ko, binaboyn'yo na ‘ko, kayo ni Cristy Fermin. Hindi ko alam kung bakit ako. Harapin molahat ng kailangan mo harapin dahil mas importante yan. Kung sa ating tatlolang, kredibilidad? Ako matagal na ‘kong wala sa showbiz, pero, siguro, kayanandirito pa rin ako kasi, milyon ang kaibigan ko. Siguro itong dalawang ito, wala siguro kasing salamin sa bahay‘to..."

Dugtong pa niya, "Alam n'yo,ang pinakamahirap, kung akala n'yo palagi kayong tama. Hindi masamangmag-sorry. Hindi masamang magpakumbaba. Ako, nandidito...tumahimik ako ng pagkatagal-tagal.Alam n'yo ‘yan, Nay, maraming isyu na tumahimik lang ako ng pagkataga-tagal.Pero nang tinira ni Cristy Fermin ang asawa ko, hindi na ‘ko papayag," sabi pani Nadia sa harap nina Butch at Lolit Solis.

"Kaya ako nandirito ngayonpara linawin yun."

Lolit asked Nadia about thereport na sinugod daw ang nanay niya sa ospital noong Friday ng gabi.

"Opo, sinugod ang nanay kosa hospital dahil hindi na niya kaya itong mga nangyayari. Ako, sabi ko nga,Nay, kung lumaban, napakadali. Kung magpaka-bastos, napakadali rin. Pero bakitko ibibigay kay Rose Flaminiano at kay Cristy yun? Ang kailangan ng dalawangito, salamin. Ang kailangan nila, ma-realize na talagang meron pa ring Diyos athindi sila Diyos."

Joey asked Nadia kung anoang masasabi nito sa mga ipinahayag ni Mommy Rose na wala naman daw makukuha sakanya. At ang makukuha lang sa kanya ay mantika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung tungkol samantika? Sa totoo lang, noong narinigko ‘yan, natawa lang ako. Pero of course, kung papatulan naman natin, alam mo,Mommy Rose, este, Rose Flaminiano, ang kapal mo talaga para insultuhin ako ngganoon. Sa tingin ko talaga, hindi mo nakikita, kailangan mo ng salamin... Howdare you compare yourself to me?

"Tingnan n'yo muna sarili n'yoMommy Rose, e, Rose Flaminiano. Alam koang mantika ngayon, mahal na. Ikaw, kahit used oil, hindi ka mabibili."

AS ADVISER TO GABBY. Then, Butch asked Nadia kung ano naman daw ang mgaadvice niya na sinunod naman ng actor?

"Kay Gabby? Yun nga, yungmga bagay na hindi niya nakasanayan. Yung mga bago ngayon. Kunwari, may mgaR.M. [Road Manager] na ngayon... P.A.1, P.A. 2. Yung minsan hindi na niya alamkung sino ang kausap niya. Kung sino ang tatawagan kapag ganitong problema.Wala akong pinapakialaman na kapag tinawagan mo si Ganito, ganito sabihin mo,wala akong ganoon. Actually, masyado na nilang pinalaki.

"Actually, napakasimple langnaman ng mga advices ko kay Gab. Nasa kanya naman yun kung susundin niya. Youknow, I just keep him aware as a friend, that's my responsibility. And youknow, to tell him, people that he should trust. Yun lang..."

Tinanong naman ni Joey nakung noon daw bang nabubuhay pa si Daddy Rollie ay nagkaroon sila ngpagkakataon na magkausap regarding Gabby's problems?

"Hindi naman po yungtalagang kung mag-usap kami ni Tito Rillie ng ganoon... Pero you know, the pastfew months, palagi akong nasa San Juan at may isang instance nga na sinabi niTito Rollie na tumawag nga raw sa kanya [si Rose Flaminiano]... na parangpinapakiusapan si Tito Rollie kung puwedeng pakiusapan si Gab. Pero sinabi niTito Rollie na, ‘Matanda na ‘ko...' Siguro raw noong araw na bata pa si Gab atmanager pa siya. Pero ngayon, hindi na... yun nga ang sinasabi ko, kung si TitoRollie nga, hindi na nakikialam, lalo pa ako. Masyado nilang minamasama si Gab,e, kaya naman niyang magdesisyon ng sarili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano raw kaya sa tingin niyakung bakit lumaki ang mga isyu ng ganito? At sa mga negative write-ups nanaglalabasan against him, ano raw kaya sa tingin niya ang totoo at hindi?

"Hindi kasi, alam n'yo, angmerong 'sulsoltant', si Rose Flaminiano, hindi ako. Kasi sa rami ng lumapit saaking mga reporter na nagsasabing nagbabayad si Rose Flaminiano para sirainako. At ang una mong lalapitan para sirain ang isang tao, sa tingin ko, alamdin.

"Ang tagal-tagal ko ringnanahimik. Pero ang una ngang nalapitan ni Rose Flaminiano ay ang dati ko ringnanay na si Cristy Fermin. Tulad nga ng sinabi ko kahapon, Mommy RoseFlaminiano, Nanay Cristy Fermin, kung ganito ang mga ina sa mundo, mas gusto kopang maging ulila."

Ano naman daw ang mgasinasabi ni Boy Asistio laban sa pagpapa-file ng kaso sa mga tao?

"Wala pa naman sigurado.Noong Wednesday kasi dapat, pag-aaralan namin. Makikipag-usap ako sa mgakaibigan ko. Abogado, all those about mga write-ups na isinulat sa akin.Unfortunately, namatay naman si Tito Rollie.

"In the first place, sabi konga, ayoko naman talaga ng ganito. Dito kasi, kung gusto ko namang harapin angmga intriga, e, di sana, noon pa ‘ko lumabas. Kaso, dumating din sa point nanaiinsulto na pati mga anak ko."

Sabi pa niya, "RoseFlaminiano, Cristy Fermin, mga ina rin kayo. Sana bigyan n'yo naman ngpagkakataon ang mga anak ko na makapaglakad sa eskuwelahan nila na nakataas angnoo. Kasi, kung may isang bagay man akong ginawa sa mga anak ko, ito ay angmaging mabuting ina.

"Huwag n'yo namang ipagkaitsa mga anak ko yun. Kasi kung makapagsalita kayo, parang wala kayong ina.Parang wala kayong mga anak. Huwag naman hong ganoon. Kawawa ang mga bata.Hindi naman nila kasalanan na nasa showbiz ang nanay nila.

"Sabi ko nga, angtagal-tagal ko na wala akong show, wala akong pelikula at wala akong balak nabumalik. Wala naman akong mapapala rito. Mahal ko lang talaga ang mga kaibiganko. Nandito lang ako for them. Wala naman sigurong masama ro'n. At wala naman sigurong na-convict sapagiging isang kaibigan, e. Yun lang ang hindi ko maintindihan sa mundong ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIGHTING FOR BOY. Hindi na napigilan ni Nadia ang mag-break down atmapaiyak nang kamustahin nga ang asawa niyang si Boy Asistio sa lahat nangyayaringito.

"He's okay. Alam n'yo, kayanga ako nandito," at saka siya tuluyan nang umiyak. "Hindi nga, Nay...72 na siBoy... 72 na ang asawa ko. Ang liliit pang mga anak ko. Sana naman, maawa sila. Nanahimik naman kami. Hindi akonagsisisi na ipinaglalaban ko ang mga kaibigan ko. Pero siguro nga, kungminsan, nakakalimutan ko na nasasaktan din ang pamilya ko.

"Alam mo, ang sinabi ni Boy,lumaban ka. Doon lumakas ang loob ko. Alam n'yo si Boy, peacemaker ‘yan. Sadaming pinagdaanan namin ni Boy, sa buhay, sa pulitika, kahit kailan, neverakong humarap sa abogado. Never kaming... alam mo yun, hanggang ngayon, ganoon parin. Si Boy, ‘Tart, huminahon ka.'Tart, ganito...minsan nga, nagi-guilty na ‘kokasi alam ko, pinagbibigyan niya lang ako. Pinagbibigyan lang ako ni Boy. Pero,ito noong makita ko. Nang magka-trouble ako, seven months ago nga...sabi niya saakin, ‘Tart, ang tanda ko na.' Pero kailangan kong humarap kay Cristy Fermin.Kailangan kong ipagtanggol ka.

"Nag-umpisa lang din ‘yan satext message. Hanggang ‘tong araw na ‘to. Hanggang itong minutong ito, walangnaipakita sa akin si Cristy Fermin. Nawalan ako ng isang kaibigan, ng isangmatalik na kaibigan dahil kay Cristy Fermin. Ngayon, hindi ko hahayaang mawalanmuli ng isang kaibigan dahil sa sinasabi niyang...ginagawa nilang text message."

Lolit asked if the friendNadia is referring to is Gretchen Barretto?

"Opo..."

So, ibig daw bang sabihin,pinaniwalaan ni Gretchen ang isang text message na walang ebidensiya?

"Alam n'yo, Nay, nag-umpisalang ‘yan...'eto, ngayon ko lang sasabihin ‘to. Sinabi sa akin, ang unangnangyari d'yan, nagalit na lang sa akin si Gretch dahil tinanong daw nila siCristy kung bakit tinitira niya si Gretchen noong panahong yun. ‘Tapos,tinanong daw siya, sinong nagsabi sa ‘yo tungkol dito kay Gretchen. Ang sinabi ni Cristy Fermin, ‘Si NadiaMontenegro nag-text sa akin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya po ako pumayag namagharap-harap kami sa Rembrandt noong araw na yun dahil ang sinabi ni Boy,‘Ipakita mo sa akin ang text ni Nadia at hihingi kami ng tawad kung maykasalanan si Nadia.' Pero, Nay, wala silang ipinakita. Butch wala. Nay wala.Hanggang ngayon... Tumahimik ako ng pitong buwan. Pero hindi dahil tumatahimikako, ibig sabihin, pusong-bakal na ‘ko.

"Nilait-lait na ang pagkataoko. Lahat ng pangalang puwedeng itawag sa akin, tinawag na. Hindi ako lumaban.Pero nang sinulat na ni Cristy Fermin, nang ang asawa ko na ang tinira niya,kailangan na. Kailangan na kailangan na."

PEACE AGAIN WITHGRETCHEN? Nagkita raw sila niGretchen sa burol ni Daddy Rollie, anong nangyari?

"Alam n'yo Nay, doon akonaniniwala that time really heals all wound. Although, we we're very civilenough na hindi na muna... Siguro kilala niya ‘ko at kilala ko rin siya. Itwasn't the right place at the right time. Pero sabi ko nga, sino ba naman akopara magmatigas pa? Nagmatigas ako sa harap nila dahil isang oras nila ‘kongpinipilit na magbati. Na-appreciate ko yun dahil alam ko na mahal lang nilakami. But it wasn't the right time kaya hindi nangyari."

Sina Annabelle Rama at CeliaRodriguez daw ang nagpapabati sa kanila?

"Opo...si Tita Annabelle,nanay namin ‘yan. Nanay namin pareho yung dalawa."

Yung galit ba niya kayGretchen nandoon pa rin?

"Siguro kapag naaalala ko parin kapag nandoon sila sa radio ni Cristy Fermin na kung anu-ano angpinagsasasabi sa akin, naaalala ko pa rin. Pero, siguro, kaya ko rinmakalimutan yun, in due time."

Anong possibility namakakaya pa rin nilang maibalik ang dating pagkakaibigan?

"Hindi ko po maipapangakoyun."

Anong gusto niyangmaiparating kay Gretchen?

"Kay Gretchen, wala...so muchhas been said and done. Sana lang makita lang nila kung ano ang totoo talaga."

Pero gusto pa rin kayaniyang maging kaibigan si Grecthen?

"Sino naman ang ayaw namaging kaibigan? Ayoko naman ng may kagalit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, puwede pa rin silangmaging magkaibigan ni Cristy?

"Hindi po..."

Bakit si Gretchen puwede, siCristy hindi?

"Dahil baka kapag nalaman niGretchen kung ano ang totoo, baka pati si Cristy, hindi na rin niyakaibiganin."

E, si Mommy Rose?

"Wala naman po akongproblema kay Rose Flaminiano, hindi ko lang alam kung bakit ako angpinagdidiinan niya. Pero alam n'yo, hindi rin naman ako mamamatay kung walasiya sa buhay ko, walang problema do'n."

Pero dahil close daw siyakay Gabby, ano raw ba talaga ang alam niyang feelings nito kay Rose?

"Alam n'yo, sabi ko nga,kapag nagkamali ang isang anak, puwede namang sabihin ng isang magulang... Kapagnagkamali ang isang magulang, wala namang masama na humingi ka rin ng tawad saisang anak. At kung anak talaga ang turing nila sa amin tulad nga ng sinasabiko, like since 12 years old ako, Nanay Cristy. Magte-text sa ‘yo, Labyu ‘nak,Labyu...'tapos, ganoon din si Rose Flaminiano, ‘di ba? Kung anak ang turing mo saamin, bakit mo idedemanda ang anak mo? Bakit mo ipapakulong ang anak mo, ‘diba? Hindi ko maintindihan.

"Siguro hindi sa amin niGabby dapat manggaling. Siguro dapat sa kanila."

Ano raw ang masasabi niGabby sa desisyon ng korte na pagde-deny sa TRO na nai-file ni Mommy Rose?

"Siyempre, tuwang-tuwa kami,‘di ba? Kumbaga, for once, may goodnews. Akala namin, sa pagkamatay ni Tito Rollie, wala nang titira sa diyaryo.Pero hindi, si Cristy tuluy-tuloy pa rin ang tira niya.

"Mahirap sigurongmakipag-usap sa isang taong walang puso. Ang taong ito...kasi, walang compassionkahit kanino, e."

Sa palagay kaya niya, saannagsimula ang galit ni Cristy sa kanya?

"Hindi ko talaga alam. Sabiko nga sa inyo, bago nangyari yung isyu sa amin ng kaibigan ko, okey kami.Then, all of a sudden, isang araw na lang, napanood ko siya, ako na angmasamang tao. Naintindihan ko yun, siguro kasi, wala siyang nakukuha sa akin.Wala siyang napapala sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako yung paramagpilit or magbigay ng isang bagay para purihin ako."

PARTING SHOT. Lastly, her messages para kay Rose Flaminiano:

"Yun nga, ‘wag po akongpag-initan n'yo kasi alam na alam n'yo na wala akong ginawa. Naging kaibigan kolang si Gabby at siguro, ayaw mo lang... Ayaw mo lang na may kaibigan si Gabby.Hindi ko rin maintindihan. Kasi, napakarami na rin. Magtanong kayo sa lahat.Hindi ako ang may problema. Kayo ang may problema makisama sa mga tao.

"Umiiwas ako. Personal angrelasyon ko kay Gabby. Pinilit mo ‘ko na magsalita ngayon. At ang text na ‘yan,Rose Flaminiano, you better get your facts straight. Umiwas ako. ‘Yang text nana-text ko, it was a personal text to Jobert Sucaldito. At nang sinabi ko na,you know, Gabby is in a bad company, wala akong binanggit na Rose Flaminiano.Yun ang ikinagagalit mo? Paano kung malaman mo...you know, hindi ikaw ang sinabikong bad company."

So, sino nga yung badcompany?

"You know, puwedengmarami...dahil yung umpisa ni Gabby, magulo. Magulo! Nakita ko kung gaano kagulo.At saka,huwag po ako pag-initan n'yo. Harapin n'yo ang mga binabanggit ko dahilmas importante yun."

Joey asked, "E, dun sawriter?"

"Hindi ikaw ang Diyos,Cristy Fermin...hindi ikaw! May nanay ka rin. May mga anak ako. Inaanak ko siRebo. Inaanak ni Tanya si Remo. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit mosa akin. Isang araw, maliliwanagan rin ako kung bakit may galit ka sa akin.

"At sabi mo sa akin,hanapbuhay lang. Ginagawa mong hanapbuhay ang bagsak? Nananakit ka ng kapwa.Nanglalait ka ng kapwa. Cristy Fermin, Rose Flaminiano, ako papayat pa. Ewan kosa inyong dalawa... Ang konsuwelo na lang dito, hindi tayo magkikita sa kabilangbuhay dahil hindi kayo pagbubuksan ni San Pedro."

May message ba siya kayGretchen?

"Walang kinalaman siGretchen sa gulong ito..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Boy?

"Boy, thank you...and I'm sosorry for everything. Alam ko, matanda ka na. Patawarin mo ‘ko sa lahat ngpinagdadaanan natin. Mommy, I'm really really sorry. Pero hindi ko kayangnilalait ako ng hindi ako lumalaban. Tinuturuan ko ang mga anak kong lumabanpero, pasensiya na. Alam ko, alam ng Diyos ang totoo. I will stick to thetruth. Matatapos din ‘to.

"Alam ko matatapos din anglahat nang ito. Alam ko, may konsensiya pa rin ang mga taong ito. And to my kids, I love you so much.

"I also like to give messageto Gab and to his whole family. I'll always be here. I know this time, you'll justgo stronger. Gab, hang-in there. Nandito lang ako. Gab, ang dami mong kaibigan.You're a good man and nobody can put a good man and a good woman down. And ofcourse, to his wife."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN