Ogie Alcasid endured cramps from exhaustion to finish his concert

"Alam mo in the middle ofthe show nagka-cramps na ako pero sabi ko, ‘Sige, itatawid ko ‘to, itatawid ko‘to," narrated Ogie Alcasid after his concert.

More photos



Maagang nagsimula ang konsiyerto ni Ogie Alcasid na Twenty/Twenty saAraneta Coliseum kesa sa inaasahan na bandang alas-nuwebe ng gabi, kahitalas-otso ang nakalagay sa tiket. Napuno raw kasi agad ang Big Dome ng mgataong dumating nang maaga sa venue. Halatang excited ang lahat sa concert niOgie.

Salamat na lang sanapakabuting manager ni Ogie na si Leo Dominguez, who accommodated PEP(Philippine Entertainment Portal) with a production pass na mas na-enjoynamin, kesa ang maupo at manood ng concert. Sabi nga nila, sa backstage talaganagaganap ang aksyon.

Bihira ang tulad ni Ogie namay matagumpay na career sa showbiz hindi lang bilang singer kundi bilangkompositor din. Twenty years ago nung una naming mapanood si Ogie sa kanyangfirst major concert sa Folk Arts Theater, billed as Radioactive.

At sa kanyang concert bilangselebrasyon ng kanyang 20th anniversary, very emotional and personal ito parakay Ogie. Gaya ng inaasahan, dumating ang kanyang ex-wife at dating MissAustralia na si Michelle Van Eimeren, kasamaang dalawa nilang anak na sina Leila at Sarah, plus ang bagong lalaki sa buhayniya na nagngangalang Mark.

Binati pa ni Ogie si Mark during his concert at pinasalamatan for being therepara sa kanyang mag-iina. Napag-alaman naman namin na ang complete name ngAustralian partner ni Michelle na in-acknowledge ni Ogie sa concert niya aywalang iba kundi si Mark Murrow.

Pagkatapos ng huling kantani Ogie sa kanyang konsyerto, kasabay naming pumasok sa backstage si Markhabang karga-karga ang bunsong anak ng singer-composer kay Michelle na siSarah. Papasok na kami sa area ng mga dressing room sa Araneta Coliseum nangsalubungin at yakapin ni Ogie si Mark at Sarah paglabas niya sa gitna ng stage.Doon nagkasiksikan na ang mga TV crew ng GMA-7 at photographers.

Pinagkaguluhan na sinaOgie, Michelle, at Mark ng TV crew at cameramen habang nauna nangnaglakad papasok sa dressing room ni Ogie si Regine Velasquez.

EXHAUSTED YET HAPPY. Nagpaunlak naman ng interbyusi Ogie bago pumasok ng kanyang dressing room. Habang kausap namin si Ogie aykitang-kita ang halu-halong emosyon sa kanyang mga mata at panghihina ngkatawan dahil sa sobrang pagod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Ogie kungsulit ba lahat ng emosyon at pisikal na effort na ibinuhos niya sa katatapos naconcert niya.

"Sobra," sagot sa amin niOgie. "Alam mo in the middle of the show nagka-cramps na ako pero sabi ko,‘Sige, itatawid ko ‘to, itatawid ko ‘to."

Ano ang pinaka-touchingmoment para sa kanya during the concert?

"Siyempre yung sa mga anakko at saka sa mga magulang ko. Mabuti nga umakyat yung isa sa mga anak ko.Sobrang mahiyain ng mga anak ko.

"‘Tsaka kasi first timeakong napanood ng mga anak ko. Hindi pa nila ako nakikitang nagso-showkaya siguro medyo nagulat sila," ngiti ni Ogie.

Anong feeling na nasa harapniya ang kanyang mga anak at si Michelle kasama ang bago nitong partner in lifehabang kumakanta siya?

"Masaya naman. Natutuwa akodahil pinagbigyan niya ako na makarating talaga sa concert ko. Wala namangproblema sa amin. Okey kaming lahat."

CONGRATULATIONS BACKSTAGE. Naputol ang interbyu naminkay Ogie noong sunud-sunod na ang mga bumati sa kanya, tulad ni Richard Gomez nahinalikan pa si Ogie, kasama si Lucy Torres. Sumunod din si LeaSalonga at ang mister niyang si Robert Chien. Pagkatapos ay binati rin si Ogieni Gary Valenciano. At maya-maya pa'y ang amanaman ni Regine na si Mang Gerry ang lumapit para bumati kay Ogie. Niyakapnaman nang husto ni Ogie si Mang Gerry.

"Overwhelming and overjoyedako ngayon. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga nanood sa concert ko attalagang amazing na umabot ako ng ganito na patuloy pa rin nilangsinusuportahan. There was a time na akala ko hindi na ako makakabalik perohindi nila at ninyo ako pinabayaan. Kaya, thank you, thank you so much."

Bilang huling tanong namin sakanya, true ba na nagkasama-sama na sila sa isang dinner the other night,Saturday, nina Michelle, Mark at Regine?

"Yes," kumpirma ni Ogiesabay hila na sa kanya papasok sa kanyang dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Click here for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN