Rose Flaminiano is ready if Nadia Montenegro files complaint against her

"Balahibo ng pusa, balahibong aso, pinagtahi-tahi niya dahil lamang sa walang kapararakan. Puwede ba, keepherself busy. Lumalaki ang mga anak niya. Ayusin niya ang anak niya at pamilya.Hindi ba iniisip ni Nadia, tuwing may gulo, lagi siyang kasama? Hindi ba niyatinatanong sa sarili niya bakit lagi siyang involved? Yun ba ang kaligayahanniya?" Rose Flaminiano criticizes Nadia Montenegro.



Walang problema kay Mrs.Rose Flaminiano kung hindi tinanggap ng korte ang TRO (Temporary RestrainingOrder) na isinampa niya laban kay Gabby Concepcion dahil 20 days lang angeffectivity nun. Pero tuloy pa rin ang kasong isinampa niya na P22 million for SpecificPerformance.

Nagulat ang lady-producerdahil nag-leak na ang balitang dinenay ng korte ang TRO kay Gabby samantalang wala pa siyang natatanggap na kopya ngdesisyon. Gayunpaman, hindi pa rin puwedeng tumanggap si Gabby ng anumangproyekto na walang permiso ang kanyang business manager dahil may kontrata parin sila. Basta't panahon na lang daw ang makakapagsabi kung kailan matataposang di nila pagkakaunawaan.

"Inuulit-ulit ko, yungpagtawag sa tatay [Daddy Rollie Concepcion] niya, hindi ko ginawa. Nagkausapkami after ng Music Museum at before ng hearing ni Gabby ng Bigamy atFalsification [of Public Documents cases] sa Manila.

"Ba't naman ako tatawag atitatanong ang ginagawa at tapings ni Gabby sa tatay niya? Alam ko ko naman angschedule niya," saad ng producer-manager nang makausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

"Basta ako, ang pakikiramayko ay buong puso. Hindi man ako nakarating, ipinapanalangin ko ang kaluluwa ngtatay niya. Wala naman kaming pinag-awayan ni Rollie, e!"

Ano ang comment niya sasinabi diumano ni Nadia na kung sakaling magpadala siya ng bulaklak sa burol niDaddy Rollie ay itatapon daw ito sa gitna ng kalsada?

"Kahit magpadala ako ngisang daang bulaklak, iba pa rin kung yung puso ko ang buksan nila. Nasa puso ko ang pakikiramay. Kung magpapadalaako ng bulaklak, itatapon naman daw sabi ni Nadia. Mas nauna pa yung salita niNadia kesa sa gagawin ko. Kung sabagay si Nadia ang nagsabi niyan, sino ba siNadia? E, yung mga kapatid, nagsasabi naman na welcome ako, ‘tapos siya angmagsasalita nang ganoon. Sino ngayon ang sumasawsaw?

"Balahibo ng pusa, balahibong aso, pinagtahi-tahi niya dahil lamang sa walang kapararakan. Puwede ba, keepherself busy. Lumalaki ang mga anak niya. Ayusin niya ang anak niya at pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ba iniisip ni Nadia,tuwing may gulo, lagi siyang kasama? Hindi ba niya tinatanong sa sarili niyabakit lagi siyang involved? Yun ba ang kaligayahan niya?" sabi pa ni MommyRose.

Ano ang masasabi niya sapahayag ni Nadia sa Startalk na makapal ang mukha niya?

"Mas lalong makapal angmukha niya. Ang lambi-lambi [parang bilbil sa tiyan] niya. Yung sa akin,mararamdaman pa yung kurot. Sa kanya, manhid na. Parang binabad sa yelo,"buwelta ni Mommy Rose.

May sagot din si Mommy Rosesa sinabi ni Nadia na kung si Mommy Rose ay naging ina niya, mas gusto paniyang maging ulila.

"Dapat talaga siyang magingulila. Kung naging anak ko siya, hindi siya makakatuntong sa bahay ko. Kung akoang nanay niya, hindi ganyan ang ugali niya, magiging disente siya at walaakong anak na suwail, kaya hindi siya puwedeng maging anak ko. Huwag akongsubukan sa pagiging ina. Bawal ang ganyang ugali sa mga anak ko," sambit pa niMommy Rose.

Magdedemanda raw si Nadia?

"Nakahanda ako sa demandaniya pero siguradong uunahan ko siya. Yung mga ebidensya, nasa akin. I'mwaiting," matapang na pagtatapos ni Mommy Rose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN