Joyce Jimenez hurt in car accident caused by reckless bus

Actress Joyce Jimenez got involved in a vehicular accident at dawn today, September 29. She was on her way home from a taping in Baguio City when the accident happened in Urdaneta, Pangasinan.



Alas-kuwatro ng umaga kanina, September 29, nakatanggap ngisang text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nanaaksidente ang sexy actress na si Joyce Jimenez coming from a taping of a TV5 show,kaya mabilis naming tinawagan ang nagpadala sa amin ng text message.

Hindi sumasagot ang nag-text sa amin kung kaya't pinadaan nalang muna namin sa text ang mga katanungan namin dahil baka aligaga pa ito sanangyari. Nagsunud-sunod na ang text messages ng aming source.

"All passengers hurt. Driver tried to avoid colliding withbus. Nagpaikut-ikot ang kotse. Bumangga sa puno. [Bukod sa driver] kasama niya [Joyce]ang road manager niya, and alalay."

"She came from the taping of (TV5) Philippines' ScariestChallenge on her way home."

"Total wreck ang kotse ni Joyce."

"Hindi raw makagalaw ang paa at may wounds on her face."

"We are now at Urdaneta, Pangasinan Sacred Heart Hospital."

Dahil hindi namin ma-contact ang nagpadala ng text message, minabuti namingmaghintay ng umaga para sa karagdagang report.

Sa report ni Lhar Santiago kanina sa Unang Hirit, tatlongbeses nagpaikut-ikot yung kotse ni Joyce. Unconscious daw ang sexy actress,pero naging stable din ang condition nito.

From Pangasinan Sacred Heart Hospital, inilipat si Joyce sa Medical City kunsaan nilalagyan na ng stitches ang kanyang mga sugat at sinuotan na rin siya ng neck brace bilang panigurado. Pero sa kabuuan naman daw ay okey na si Joyce.

Kababalik lang ni Joyce mula sa Amerika kung saanikinasal siya sa mister niyang si Paul Ely Egbalic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN