Star Magic launches 2009 Catalogue with an all-white affair

On the cover of Star Magic 2009 Catalogue are (top, from left) Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Kristine Hermosa and Sam Milby; (bottom, from left) Bea Alonzo, Piolo Pascual, Claudine Barretto and John Lloyd Cruz.



It was an all-white affair for the launch of Star Magic Catalogue2009.

Buhay na buhay ang lobby ng EDSA Shangri-La Hotel kahapon,September 28, sa pagdagsa ng napakaraming artista na mga miyembro ng StarMagic. Ang Star Magic ay ang talent development center ng ABS-CBN na pinamumunuan ni Mr. JohnnyM. Manahan na kilala bilang si Mr. M at ang kanyang kanang-kamay na si Ms.Rikka Dylim.

Dahil sa dami ng nandoon, para magkakilalanan kung sino angartista, sino ang mga handlers/road managers at sino ang bisita, tilapinagkasunduan na ang mga artista ay darating in all white samantalang ang mgastaff naman ng Star Magic ay in "all the colors of the rainbow."

Sabayan ang launching ng Star Magic catalogue sa EDSAShangri-La para sa mga VIP, at sa SM Megamall naman para sa mga fans na gustongmakabili at makita ang mga paborito nilang artista, na dadaan muna doonbago tumuloy sa hotel.

Kung ang 2008 catalogue ay hinati-hati sa kategorya ("LeadingLadies," "Torchbearers," etc), iniba na ito para sa 2009 edition.

Mas marami ang artistang nasa 2009 catalogue kesa sa 2008edition. 191 lamang ang artista sa 2008 issue samantalang may 226 na headshotsnaman ang nasa 2009. Kasama na kasi sa bagong catalogue ang mga nanalo sa unangPinoy Dream Academy, Be Bench, Pinoy Big Brother Season 2, at PBB Teen Edition 2 at patina rin ang Star Magic Batch 16.

Walo na lang ang nasa cover ng 2009 kumpara sa labindalawanoong 2008. Sina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Kristine Hermosa, SamMilby, Bea Alonzo, Piolo Pascual, Claudine Barretto, at John Lloyd Cruz angnasa pabalat para sa 2009 catalogue na nasa 2008 din. Ang mga nawala ay sinaShaina Magdayao, Roxanne Guinoo, Rafael Rosell, at Zanjoe Marudo.

Head shots ang tipo ng litrato ng mga artista sa 2009catalogue ngunit ang Top 24 ay may one or two-page fashion shot.

Una pa rin sa listahan si Claudine Barretto ("The Ultimate Star") nabago ma-release ang catalogue ay balitang baka hindi na sumali para sa 2009edition. Sumunod sa kanya ang top actor ng Star Magic na si Piolo Pascual "TheClassic").

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang next 22 main stars ayon sa pagkakasunod ay sina Bea Alonzo ("StunningSwan"), John Lloyd Cruz ("The Actor's Actor"), Kristine Hermosa ("The Reluctant Star"),Diether Ocampo ("The Activist"), Rica Peralejo ("Educating Rica"), Sam Milby ("CertifiedA-Lister"), Kim Chiu ("Everybody's Princess"), Gerald Anderson ("Boy Wonder"),Roxanne Guinoo ("Child Woman"), Jake Cuenca ("The Good Bad Boy"), Angelica Panganiban("The Real Deal"), Zanjoe Marudo ("Man of the Moment"), Shaina Magdayao ("The Sweetheart"), JonAvila ("Heroic Hunk"), Rafael Rosell ("Independent Spirit"), Maja Salvador ("RisingThespian"), Jay-R Siaboc ("Wild Card"), Yeng Constantino ("Music Heartthrob"),Erich Gonzales ("The Good Girl"), Nikki Gil ("The Natural"), Pokwang ("FunnyLady"), at Vina Morales ("The Dynamo").

Sama-sama ang iba sa "The Next Wave," kung saan bawatpahina ay may tatlo hanggang apat na litrato, maliban kina Richard Poon, JedMadela, Sheryn Regis, Megan Young, Thou Reyes, Mariana del Rio, PriscillaMeirelles, John "Sweet" Lapus, at ang Fil-Brit na si Charlie Green na may solopage.

Katulad last year—kung saan pinapunta na sina Carlo Guevara,John Uy, at Ron Morales kahit wala pa sila sa 2008 catalogue—may ibang artistana ring dumating na wala pa sa 2009 catalogue.

Kung maraming nadagdag sa 2009 catalogue, kapansin-pansindin na may nawawala mula sa 2008 catalogue. Una na rito sina Denise Laurel (dating alaga ni Eric Raymundo na manager din ni Sam), Michelle Madrigal(na nasa pangagalaga na ni Annabelle Rama), Joross Gamboa (alagana ni Becky Aguila), Gabb Drilon (solo managed na ni Manny Valera), at angmga babae ng unang Pinoy Big Brother na sina Say Alonzo at Chx Alcala.

Nakakagulat namang wala sa listahan si Charice Pempengco nagaling sa Little Big Star, samantalang nandoon si Charlie Green from Britain'sGot Talent.

Ang isa pa sa mga sorpresang nagbabalik Star Magic, bukod kayVina, ay ang Korean young actress na si Sandara Park.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN