Rayver Cruz flattered to be Sarah Geronimo's crush

"Kung sakali mang totoo yun, siyempre sobrang flattered ako. Sino ba naman ang hindi matutuwa, Sarah Geronimo yun!Perowala naman kasi siyang sinabing pangalan, so mahirap magsalita," says Rayver Cruz about the possibility that he is the crush of Pop Princess Sarah Geronimo.


Naging tampulan ng tukso few Sundays ago sa programang TheBuzz si Sarah Geronimo nang diretsahan siyang paaminin kung sino ba talaga angtinutukoy niyang crush niya na kasamahan sa ASAP '08 na magaling sumayaw at pag nakikita niya ay nakakaramdam siya ng saya.

Walang masabi si Sarah nang banggitin sa kanya ang mgapangalan ng leading man niya sa A Very Special Love na si John Lloyd Cruz at iba pang kasamahan sa ASAP '08. Pero nangmasabi ang pangalan ni Rayver Cruz ay nag-blush si Sarah sabay tawag sapangalan ng inang si Mommy Divine.

Wala mang diretsahang pag-amin na si Rayver nga angtinutukoy ni Sarah, nabuo sa isip ng marami na mukhang ang young actor ngaang pinapatungkulan ng Pop Princess base na rin sa reaksiyon niya.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) na makausap si Rayver sa launching ng Star Magic 2009 Cataloguekahapon, September 28, sa EDSA Shangri-La. Hiningi namin ang reaksiyon niyabaka siya nga ang pinatutungkulan ni Sarah na crush nito.

"Kung sakali mang totoo yun, siyempre sobrang flattered ako,"simula ni Rayver. "Sino ba naman ang hindi matutuwa, Sarah Geronimo yun! Perowala naman kasi siyang sinabing pangalan, so mahirap magsalita.

"Aaminin ko crush ko talaga si Sarah. Kasi sino ba naman anghindi magkaka-crush sa kanya? Nasa kanya na ang lahat ng katangian namagugustuhan ng isang lalake. She'spretty, magaling siyang kumanta, magaling sumayaw, at mahusay umarte, ‘taposmabait pa."

A SEXIER RAYVER? Sa cover ng isang showbiz glossy magazine ay nagpakita ng katawan siRayver. Marami tuloy ang nanghula na maaaring simula na raw ito ng pagtanggapni Rayver ng mga daring and mature roles.

"Ang nangyari kasi diyan, dumating ako na naka-magandangpolo, ‘tapos nakita ko yung mga pictures na nakahubad sila [fellow young actors]. So no choice na ko.Sabi ko nga, sige magkakatropa naman kami, gagawin ko rin yung ginawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Darating naman na gagawa talaga ako ng mga medyodaring and mature roles, kailangan yun, dapat habang tumatagal, medyo matureroles na ang gagampanan mo. Gaya ng sinabi ko, that time will come. Pero siyempredapat paghandaan muna," saad ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN