Piolo Pascual assures fans Angel Locsin is okay after minor injury

Piolo Pascual's leading lady Angel Locsin had a minor injury during the shooting of their yet-untitled movie produced by Star Cinema.



Sa shooting ng pelikulang pagtatambalan nina Piolo Pascualat Angel Locsin para sa Star Cinema, naaksidente ang young actressat dinala siya sa isang hospital upang ipagamot ang natamong sugat.

Labis na nag-alala ang mga tagahanga at taong malalapit kayAngel, lalo't hindi klaro kung ano bang aksidente ang nangyari sa kanya. Kayanang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa launchingng Star Magic Catalogue for 2009 kahapon, September 28, ay agad namin siyang tinanongtungkol sa nangyari at kinumusta ang kalagayan ng kapareha.

"Okey na naman si Angel, it was just an accident, hindinaman seryoso," paniniguro ni Piolo. "Actually, we're galloping, then when it'stime for her to catch up, paghagis niya ng trail niya, tumama sa left eye niya yunglubid. Sabi ni Angel, ‘Sandali, sandali!' Nakapikit yung eyes niya. In short, wehave to cut the scene.

"When I looked at her, namamaga na yung mata niya. We gotworried, so she was rushed to the hospital. They did go back to Cagayan de Orofor two hours and the doctor advised her to sleep. She spent a night in thehospital but the next day, she's back on the set, nagsu-shoot na uli siya. Sookey na si Angel," lahad ng aktor.

Since karamihan ng kuha ng pelikula ay outdoors sa isanghacienda, hindi raw talaga maiiwasan ang aksidente. Maging siRicky Davao pala, na kasama rin sa nasabing pelikula, ay naaksidente rin.

Kuwento pa ni Piolo, "It's during the karambola scene and it's one of thehighlights bago siya naaksidente sa pelikula. He was rideing the horse, ‘taposnagwala yung bull, nahulog siya sa kabayo. Nakuha naman yung baka and okey nanaman si Tito Ricky.

"This movie kasi is a very physical movie. Puro outdoor so hinditalaga maiiwasan yung ganitong mga pangayayari, that's all part of it. Peromasaya siya, it's a fun movie, definitely something that will not bore you. Thismovie is not a straight-out drama. Maraming scenes siya na nagho-horsebackriding kami ni Angel, mga eksena na puro takbuhan, this is very active."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Bukidnon, kung saan kinunan ang karamihan ng mgaeksena ay pupunta rin sa Australia sina Piolo at Angel para sa ilan pangeksena.

"In Australia, I think mid-October. Dito, you'll see thebeauty of Bukidnon, ang ganda ng backdrop. We will also do some shoot inAustralia so you will see the difference of the outback here and the outback ofAustralia," pagtatapos ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN