Separate accidents hit "Philippines' Scariest Challenge" players Joyce Jimenez and Gwen Garci

Joyce Jimenez (left) and Gwen Garci (right) are the celebrity contestants, along with Precious Lara Quigaman, in the Halloween episode of TV5's Philippines' Scariest Challenge. At dawn today, September 29, Joyce figured in a vehicular accident on her way home in Urdaneta, Pangasinan. After a few hours, Gwen's car accidentally hit a boy.


Binulabog ang PEP (Philippine Entertainment Portal)kaninang alas-kuwatro ng umaga, September 29, sa tawag ng isang mataas naexecutive sa TV5 dahil sa pagkakabangga ng sasakyan ni Joyce Jimenez saUrdaneta, Pangasinan, pagkatapos mag-taping para sa Friday night show ng TV5 naPhilippines' Scariest Challenge.

Ghost-huntingsa Teacher's Camp sa Baguio ang episode kung saan naglaban-laban sina Joyce,Gwen Garcia, at Precious Lara Quigaman. Sa taping pa lang, may nararamdaman naraw talaga ang tatlong challengers. Ngunit ayon sa report ng production crew nanaroon, nilalabanan daw nina Joyce at Gwen ang mga takot nila, samantalang dasalnaman nang dasal si Precious.

Alas-kuwatronga ng umaga, papauwi na ang lahat, naaksidente at nawasak ang kotse ni Joycesa Urdaneta. Apat ang nakasakay: si Joyce, ang driver, ang kanyangpersonal assistant, at ang kanyang road manager. May iniwasan daw na bus angdriver at nalaglag ang sasakyan sa palayan, nagpaikot-ikot ng kung ilang besesbago bumangga sa puno. (Click here to read related article.)

Ang driver ng kotse ang unang nakalabas dahil nawalan ng malay si Joyce, at bukod sa hindinaigalaw ang paa ay nagkasugat sa mukha. Dinala ang apat sa Urdaneta SacredHeart Hospital, kung saan binigyan muna sila ng karampatang lunas bago siladinala sa Medical City sa Pasig City.

Napauwi nang walasa oras ang manager ni Joyce na si Shirley Kuan, na sinamahan si KC Concepcionpara sa European premiere ng For The First Time ng Star Cinema, dahil "all theworld is calling and texting me if I know it already."

ANOTHER MISHAP. Kaninangalas-siete ng gabi, habang nagpapa-dinner ang PEP management sa contributorsnila sa Cibo restaurant sa Gateway Mall, nakatanggap kami ng dalawang tawag.

Una, nasarecovery room na raw si Joyce at naayos nang lahat ang dapat gamutin sa kanya. Angikalawang tawag, mula na naman sa original source ng pagkabangga ni Joyce.

"Si Gwen,pag-uwi sa Maynila, nakabangga ng bata ang sasakyan niya," sabi ngaming source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinilabutankami sa natanggap naming tawag kaya't sinabi naming i-text na lang ang detalye kesamarinig namin.

Sketchy pa angreport dahil ang dapat na matawagan, katulad ng executive producer at iba pangpersonnel sa show, at sa TV5 ay busy pang lahat kay Joyce.

Hindi pa alamkung si Gwen ang nagda-drive ng sasakyan ngunit may kasama raw itong driver.

Dagdag pa ngaming source, "Ang lahat ng napanalunan ni Gwen [sa show], nauwi sa pagpapa-ospitalnung batang nabangga."

Wala pangbumabalik sa mga tinawagan namin para makadagdag ng impormasyon.

Isang Halloweenspecial ang episode na ito ng Philippines' Scariest Challenge, ipalalabas sahuling Biyernes ng October.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN