Jake Cuenca maintains he's just friends with steady date Bea Alonzo

"Kaibigan ko si Bea and Ican say na suwerte ako na kaibigan ko siya. It's true na lumalabas kami, masayakami pag magkasama kami, pero magkaibigan lang talaga kami," says Jake Cuencaabout the real score between him and Bea Alonzo.



After his breakup with Roxanne Guinoo, naging balita na ang madalas napaglabas-labas nina Jake Cuenca at Bea Alonzo.Kasunod ng balitang ito ay ang usap-usapan namang tago lang daw angpagkakamabutihan na talaga ng dalawa.

Although parehong inaminnina Jake at Bea na they really go out, hindi pa naman daw sila umaabot sapuntong may relasyon na nga sila. Sa kabila nito, hindi pa rin mamatay-matayang espekulasyon tungkol sa umano'y relasyon nila at sinasabi pang maaaringnagde-deny lang talaga ang dalawa dahil inaalagaan lang nila ang kanilangrespective careers.

Bali-balita pa nga namadalas daw napagkikitang dumadalaw sa set ng I Love Betty La Fea angaktor, bagay na agad namang nilinaw ni Jake sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa interview sa kanya sa nakaraang Star Magic Catalogue 2009launching. Ani Jake, wala itong katotohanan.

"Ni hindi pa akonakakatuntong sa set ng Betty La Fea. Hindi pa ako nakakatapak samismong set ng Betty," sabi pa ng mestisong binata.

Sa kabila ng mga hinala, consistent pa rinsi Jake in saying na magkaibigan lang talaga sila ng aktres and right nowthey're just enjoying their friendship.

"Kaibigan ko si Bea and Ican say na suwerte ako na kaibigan ko siya. It's true na lumalabas kami, masayakami pag magkasama kami, pero magkaibigan lang talaga kami. Ako rin naman angnagpapayo sa kanya na she has to do well in everything she's doing now.

"Basta ako masaya ako.Masaya lang na...alam mo yung pagsasama mo sa mga tao, mas nagiging totoo, massincere and kahit naman siguro sinong tao, dapat maging masaya kapag nakahanapka ng totoong kaibigan."

ROXANNE. Bukod sa launching ng Star Magic Catalogue sa EdsaShangri-La, nagkaroon muna ito ribbon-cutting sa Cinema 4 ng SM Megamall.Habang nag-o-autograph signing ay magkatabi sa upuan sina Jake and Roxanne atnag-uusap.

"Kinumusta ko siya, kasi disiya nakapag-ASAP coz nagkasakit siya. Nag-alala ako talaga, sokinumusta ko siya dahil balita ko, lagi siyang nagkakasakit. Pinayuhan kona lang siya na magpahinga, maggamot. To be honest naaapektuhan pa rin namanako pag nakikita kong nahihirapan siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din sa amin ni Jakena nakaramdam siya ng kaba nang mag-guest siya kamakailan sa Banana Split. Magkakaeksena raw kasi uli sila niRoxanne, na matagal-tagal na rin niyang hindi nakatrabaho.

"Nung taping ng BananaSplit, hindi ako nagsisinungaling, pagdating ko sa set, medyo kabado akokasi siyempre matagal na rin kaming hindi nagkakatrabaho ni Rox, ‘taposkaramihan ng eksena ko sa Banana Split kami ang magkaeksena. Nungsinabak na kami sa eksena, back to normal na."

Sa itinatakbo ng mga salitani Jake, pag-amin na kinabahan siya sa page-guest sa Banana Split atdeep concern pa rin nito para sa ex-girlfriend ay di maiwasang isipin nabaka may pag-asa pang magkabalikan sila ng aktres. Dito ay siniguro saamin ni Jake na magkaibigan na lang talaga sila ni Roxanne.

"Yung friendship namin,laging nandiyan ‘yan, hindi mawawala ‘yan at saka sana hanggang sa matanda nakaming dalawa, sana di mawala yung friendship namin.

"Ako concerned ako sa kanya kasi may pinagsamahan kami. ‘Pag nakita kosiyang nahihirapan, gusto ko sanang makatulong sa kanya. I mean di na yung mag-o-overboardka pero nandun na lang ako as a friend."

SURPRISE FROM JAKE. After Palos ay marami ang nakapansin namukhang medyo lie-low ang career sa ngayon ni Jake. He promised us na sasusunod na project na gagawin niya, tiyak na magugulat ang lahat because thiswill surpass kung anuman ang mga nagawa na niyang proyekto.

"May ginagawa akong movie ‘taposkatatapos lang ng Maalaala Mo Kaya, ako with Ms. Dawn Zulueta. May gagawinakong panibago [show] at magiging surpresa yun sa mga tao. Ayoko munangsabihin kasi baka ma-preempt. Basta itong susunod na gagawin ko would exceedeverything I have done before."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN