Vina Morales knows risks of admitting her pregnancy

"Nasa edad na siVina para magdesisyon for herself. But I'm telling you, hindi siya kailanmannaging homewrecker o nanira ng pagsasama ng mag-asawa o papayag na tawagingkerida dahil lang sa hindi pa naga-grant ang annulment nung lalaki," says a close friend of Vina Morales (in photo) after the singer-actress admitted that she is two-months pregnant.



Inamin na ng singer-actress na si Vina Morales ang lumabasna balitang dalawang buwan na siyang buntis, sa taped interview sa kanya ng TheBuzz last Sunday, September 28

Ang negosyanteng si Cedric Lee, na on-and off niyangkarelasyon, ang sinasabing ama ng dinadala ngayon ni Vina. Hindi man gaanongnagbigay ng detalye ang singer-actress tungkol sa estado nila ng sinasabingnegosyante, matapang at buo naman ang loob nitong hinarap ang pagdadalantao.

Ayon sa isang taong nakausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) na malapit na kaibigan ng aktres, "Nasa edad na siVina para magdesisyon for herself. But I'm telling you, hindi siya kailanmannaging homewrecker o nanira ng pagsasama ng mag-asawa o papayag na tawagingkerida dahil lang sa hindi pa naga-grant ang annulment nung lalaki."

Marami rin ang nagtataka kung bakit sa kasalukuyangestado ng karelasyon ni Vina ay tinukoy ito bilang ama ng kanyangipinagbubuntis. May mga nagsasabi pang baka lalo lang malagay sa alanganin angkundisyon ng career at buhay ni Vina lalo pa't "legally married" paraw na matatawag ang sinasabing ama ng kanyang dinadala.

"That's one of the risks Vina has already thought of,"sabi ng malapit na kaibigan ni Vina. "Hindi naman niya papayagan ang sarilingmasira lang ng dahil sa ganyang sitwasyon. Bigyan naman sana natin ng kontingpang-unawa ang mga nagmamahalan. Yun man lang. As we said, mature people na silaand they are of age to decide."

Kapipirma lang ng kontrata ni Vina bilang Star Magic talent.Kahit nanghihinayang ang mga big bosses ng naturang kumpanya sa kalagayanngayon ni Vina, sinabi ng singer-actress na naunawaan naman siya ng mga ito.

"Kaya nga sinabi ko agad sa kanila ang sitwasyon ko atnag-sorry rin ako dahil kabagu-bago ko pa lang sa Star Magic, nagbuntis pa ako.Pero sabi ko nga, sobrang grateful pa rin ako dahil naintindihan nilaako," pahayag ni Vina sa The Buzz.

May mga nagsasabi ring dala ng depression at kalungkutankung bakit parang hindi na raw gaanong nag-isip ng kahihinatnan niya si Vina.Sinasabing naapektuhan silang magkakapatid sa naganap na hiwalayan ng kanilangmga magulang at iba pang kaugnay na isyu sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Subalit nginitian lang ito ni Vina nang tinanong siyatungkol dito. Sinabi niyang nakakalungkot man ang sinapit ng pagsasama ng mgamagulang nila, wala raw silang choice but to accept it dahil may mga indibiduwalna buhay pa rin naman silang tinitingnan at hinaharap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN