Former Senator Ramon Revilla suffers series of strokes

Former Senator Ramon Revilla (center) is now under observation after suffering from a series of strokes while having his executive check-up at St. Luke's Medical Center earlier today, September 30. Meanwhile, his son Senator Bong Revilla (left) was also confined for severe maigraine. With them in this photo are Bong's sons Bryan and Ram.


At press time ay kasalukuyan pa ring inoobserbahan angdating aktor at senador na si Ramon Revilla Sr. sa St. Luke's MedicalHospital.

Kanina bago magtanghali, September 30, ay naibalita sa mgaradyo ang pagkakaroon ng series of stroke attacks ni Revilla Sr.Nakatakda sanang magpa-executive check-up lang sa St Luke's ang ama ni BongRevilla. Regular itong ginagawa ng 81-anyos na patriarch ng pamosong Revillaclan sa pulitika at showbiz.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa samga anak ni Senator Revilla na si Marlon Bautista—nakatatandang kapatid ninaBong, Princess, Strike, at Andeng. Ayon kay Marlon, sinamahan daw ni Andeng angama nila sa ospital kaninang umaga, pero dun na raw ito inabutan ng atake.Bigla na lang daw itong "nanghina, pinagpawisan, nahilo, at tumawag ngpag-alalay" bago pa man isagawa ang naturang check-up.

"Stroke na pala yun," sambit ni Marlon sa PEP.

Napag-alaman din ng PEP na ang series of strokes ay nagdulotng pagbabara sa ilang ugat sa ulo ng dating senador kaya't agaran itongipinasok sa operating room, kung saan matagumpay namang nagawa ang angioplastyprocedure. Hindi pa matiyak kung brain o cerebral hemorrhage ang naging sanhing atake ni dating Senator Revilla.

Oobserbahan pa raw sa mga susunod na araw ang kalagayan ngdating action superstar at politician. Pero ayon sa huling impormasyon nanakalap ng PEP, "nasa stable condition na ito at nagpapahinga na."

Dagdag ni Marlon, "Medyo hindi nga lang muna puwede ang maramingtao."

Humihingi ng dasal at panalangin ang pamilya Revilla para saagarang paggaling ng ama.

Kasalukuyang nasa Asian Hospital naman si Bong at ang misis nitongsi Lani Mercado nang matanggap nila ang balita tungkol sa nangyari kay SenatorRevilla. Dinala ni Lani si Bong sa hospital kahapon, September 29, dahil sasobrang pananakit ng ulo o severe migraine.

Nagpadagdag pa ngkalituhan ni Lani ang natanggap na tawag mula sa anak na si Inah Revilla.Ibinalita nito na nasa birthing room na siya ng Makati Medical Center at tilamalapit nang isilang ang anak nila ng asawang si Vince del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kase-celebrate langng 42nd birthday ni Bong at isang malaking party ang inihanda niLani para sa kanya sa C3 Events Place noong September 24. Sanasabing okasyon, dumalo si Inah na malaking-malaki na ang tiyan.

"Sana hindi ngayonat tiyak na aalis ako rito't sasamahan ko siya sa ospital!" ang sagot ni Laninang biruin ng press na paano kung biglang manganak si Inah habang nasabirthday party.

Idinadalangin PEP na gumaling atmaka-recover si Mang Ramon sa stroke, na gumaling na si Bong sa kanyangmigraine at makapanganak nang maayos si Inah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN