Bea Alonzo on Jake Cuenca: "Nakakita ako ng someone who really cares for me."

"It's a friendship namahirap matagpuan sa show business, something that I will be thankful all mylife because nakakita ako ng someone who really cares for me and there'snothing wrong with it," says Bea Alonzo about her friendship with Jake Cuenca.


Tanggap ni Bea Alonzo na maaring para sa iba ay cliché na ang palagi niyangsinasabi na magkaibigan lang sila ni Jake Cuenca.But in spite of people's speculation ay firm pa rin ang aktres sapagsasabing friends lang talaga ang samahan nila ni Jake.

PEP (PhilippineEntertainment Portal) interviewed Bea during the launching of Star MagicCatalogue for 2009 on Sunday, September 28, at Edsa Shangri-La. Sinagotniya ang isyung lumabas na madalas daw napagkikita sa set ng I Love Betty LaFea ang aktor at dinadalaw siya.

"ABS-CBN lang lagi anglocation ng Betty La Fea, and most of the time, dun lang talaga kami, sominsan accidentally napupunta siya dun or kaya when he's in the building. Perohindi intentional na pupunta siya sa set. Hindi ganun.

"It may sound cliché to ourpeople pero sasabihin ko pa rin that we're good friends pero ayokong magsalitanang tapos. Ayokong sabihin na kami na kasi hindi naman kami. We'reenjoying each other's company and right now pareho kaming busy. We're bothsingle, so we're both enjoying every minute na single kami. Pareho na nagagawanamin lahat ng gusto naming gawin."

Bea even expressed hergratitude and appreciation sa friendship nila ni Jake.

"It's a friendship namahirap matagpuan sa show business, something that I will be thankful all mylife because nakakita ako ng someone who really cares for me and there'snothing wrong with it."

BETTY AS BEA. Marami ang natutuwa sa karakter ni Bea as Betty sa ILove Betty la Fea. Known to be a passionate and dedicated actress,marami lang ang nagtatanong kung hindi raw kaya nadadala ni Bea ang kanyangcharacter as Betty sa ordinaryo niyang buhay, lalo't ito ang madalas nanangyayari sa mga artistang masyadong dinidibdib ang character na kanilangginagampanan?

"May ganun. Nakita ninyonaman sa fashion show ni Randy Ortiz, di ba? But kidding aside, may ganunpa rin, minsan ‘pag tatawa ako, nandun pa rin yung pagtawa ni Betty na yung mgataong kasama ko, yung mga kaibigan ko magtatanong, ‘Si Betty ba ang kasamanamin?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very happy kasinadadala ko yung character niya and Betty is very optimistic in life andsomehow natutuwa ako na nagiging ganun ang pananaw ko in life."

VERY LIGHT. Unang nakilala at hinangaan as a good dramaticactress, kakaibang karanasan para kay Bea ang role bilang Betty. At kahit ngaraw sa set ng nasabing teleserye ay laging in good mood ang lahat dahil na rinlight kasi ang istorya ng Betty La Fea.

"Bagong genre for me and I'mreally enjoying it, marami pa akong gustong gawin sa character ko kung paanomag-e-evolve yung character ko as the story goes.

"Every taping day namin, I'mlooking forward to it. Masaya ang pamilya namin dito and masaya siya in asense na lighter yung set kasi light yung story, light yung director, so walangnag-iinit ng ulo. Masaya ang lahat."

Isa sa mga artistang nasacover ng Star Magic Catalogue for 2009, Bea feels this is a greatachievement on her part. Dati kasi ay isa lang siya sa mga artistang nasa loobnito, ngayon ay isa na siya sa nasa cover kasama ang mga sikat atpinakaimportanteng artista ng Star Magic.

"Parang nakikita mo na yungevolution and yung development ng career mo. I'm very, very happy," saadpa ng dalaga.

VACATION FOR HERBIRTHDAY. Celebrating her birthdaythis coming October 17, isang short vacation ang hihilingin ni Bea na regalopara sa kanyang nalalapit na kaarawan.

"Wala pa nga akong plano sabirthday ko, but definitely magkakaroon ako ng very short vacation. I don'tknow kung ano ang gagawin ko, kung magpapa-party ba ako o magpapahinga orwhatever, I'm still thinking about it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN