Sunshine Dizon back to work mode

Actress Sunshine Dizon is going full blast with her acting career after taking a three-month break. She just finished shooting Sundo for GMA Films, she has started taping the first of her four episodes on Obra, and she is set to start taping for All About Eve in November.



Looking and feelinggood si Sunshine Dizon nang makita siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa contract signing niya bilang endorser ng Best Herbal Oil na ginawakagabi, September 30, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Masayang ibinalitani Sunshine na nakapag-taping na siya ng "Drama Queen" episode ng Obra sa direksyon ni MaryoJ. de los Reyes. Istorya ito ng sikat na artista na nalaos at patatandain siyahanggang 60 years old. Heavy drama ang naturang episode, kung saan kasama niyasina Yul Servo, Marky Cielo, at Liza Lorena.

"Period ang episode,kuntodo costume at todo prosthetics ako," kuwento ni Sunshine. "Ang gaganda ngepisodes na gagawin ko. Ang second episode is entitled ‘Butch'to be directed by Joel Lamangan. Lesbo ako na maygirlfriend na may anak. Hindi ko pa alam ang mga kasama ko, hindi pa kaminagte-taping.

"The third episode is ‘Roma Negra.'Negraako na may paupahang bahay at in love sa isang hunk na hindi ko pa rin alamkung sino ang gaganap. Si Direk Topel Lee ang director ng fourth episode na ‘Sapi,' horror naman siya.Excited na akong i-tape ang three remaining episodes."

Ilang months basiyang walang regular TV show?

"Mga three monthslang naman," sagot ni Sunshine. "After Kamandag, dapat ginawa ko ang GaanoKadalas ang Minsan, pero naospital ako. But now, I'm back!"

ON ROBIN & "SUNDO." Sa solo presscon niRobin Padilla for Sundo, pinuri nito ang co-star na si Sunshine. Ayonkay Binoe, isang magaling na aktres si Sunshine at fan daw niya ang actionstar at mga anak nito at pinanood daw nila ang Bakekang. Ano angmasasabi ni Sunshine dito?

"Talaga, sinabi niyayun? Okay naman!" bulalas niya. "The truth is, first movie ko yun na super-sayaako, walang stress at considering na horror, tawanan kami nang tawanan sashooting. I was always looking forward every shooting day. ‘Kuya' ang tawag kosa kanya [Robin] at naging best friend ko ang driver at bodyguard niya. Sa lastshooting day namin, ginu-good time pa ako nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Direk Topel[Lee, director of Sundo], sobrang bait din at hindi marunong magalit. Parasiyang si Direk Gil Tejada na tahimik lang at mabait. Magaling ang director ofphotography naming si J.A. Tadena na mas madalas gumawa ng TVC. The bestang staff and crew, and we have a nice story at magugustuhan ang movie‘pag napanood. We're showing on October 22.

"Pati si Mark[Bautista], masayang katrabaho. Si Katrina [Halili] naging best friend ko.Akala ko noong una, suplada dahil tahimik at ‘pag nakikita ko dati, quiet langsiya at wala rin kaming time to talk. Super-love ko na siya at kasabay kosiyang tumawa. Maingay na sa set na ako pa lang, at dobleng ingay ‘pag dalawakaming nag-iingay. Super love kami ng staff!" masayang kuwento ni Sunshine.

Pati si Sunshine aynakaranas din daw ng pagiging gentleman ni Robin, na pati upuan ay ikinukuhasiya. Naitanong kay Katrina kung bakit natapos ang Sundo na hindina-link si Robin sa kanila nina Katrina at Rhian Ramos, na mga kasama rin sapelikula.

"Dalawa lang ‘yan—either hindi niya ako type o feeling niya, lalake ako kaya hindi niya akoniligawan!" pagbibiro ni Sunshine. Pero ang importante raw, natapos nangmaganda ang pelikula at masaya silang nagtrabaho.

Ang Mulawin TheMovie pa ang last movie ni Sunshine, kaya blessing sa kanya na ang comebackmovie niya ay sa GMA Films at kasama pa niya si Robin.

"I can't ask formore at isa ang pelikulang ito sa magandang nangyari after kong maospital. I'mso much better now. Hindi na ako nagpapa-injection ‘pag inaatake ako ngmigraine. Carry ko na ang uminom ng gamot at Best Herbal Oil. I'm trying tostay away from medicines. Dati, lahat ng gamot sinubukan ko at ang best friendko, dinadala ako sa acupuncture, wala pa rin."

PREGNANCY RUMOR. Nang maospital siSunshine, sari-saring tsismis ang lumabas at may nagsulat pa ngang buntis siyaat iba pang paninira. Hindi ba siya nasaktan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sanay na ako sadami ng negative na nasulat sa akin. People will always say what they want, bador good. Kailangan kong maospital, wala akong magagawa. Dedma na lang ako.Gusto nilang manira, sige lang.

"Naniniwala namanakong the truth will come out. Ang maganda lang, napatunayan kong marami-raminaman ang nagmamahal sa akin kahit sa press, at tini-treasure ko ang mganagmamahal sa akin," saad niya.

Para hindi napagtsismisan, inamin ni Sunshine na nagpa-lipo siya ng braso at likod niya kayDr. Manny Calayan. Wala raw masama sa ginawa niya at ang hindi lang niya maintindihankung bakit napupunta sa likod at braso ang fats niya.

"ALL ABOUT EVE." Nakatakda ring gawinni Sunshine ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na All About Eve. Makakasama niya rito sina IzaCalzado, Eula Valdes, at Jean Garcia. Ang Impostora ang huling soap napinagsamahan nila ni Iza at nagkasama naman sila ni Jean sa La Vendetta. Firsttime niyang makakatrabaho si Eula na kilala ring magaling na aktres.

Hindi pa alam niSunshine kung anong role ang mapupunta sa kanya. Ang alam lang niya ay sometimein November sila magsisimulang mag-taping at eary next year naman ang airingnito.

Hindi rin nitomakumpirma kung totoong si Mac Alejandre ang magdidirek ng All About Eve, nangayon pa lang ay pinag-uusapan na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN