Dennis Trillo teams up for the first time with Heart Evangelista in "Dear Friend" episode

Dennis Trillo will tape an episode for GMA-7's Sunday drama anthology Dear Friend, where he will be paired with Heart Evangelista.


Kinumpirma ni Dennis Trillo sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na bukas, October 2, ang taping nila ni Heart Evangelista ng "Chinoy"episode ng DearFriend ng GMA-7. Mapapanood ang naturang episode sa Sunday, October 5.

Sa Binondo ang taping ni Direk Jay Altarejos. Gagampanan niDennis ang role ni Edison, isang binatang Tsinoy na hindi tanggap ng ina angnobyang Pinay.

"Excited na ako, kasi bagong tambalan ito at ngayon ko langmakakatrabaho si Heart. I'm looking forward to working with her. Magkasama kami saSOP, pero magkaiba kami ng segments. Nagkakasama lang kami sapagde-deliver ng spiels at pagbabasa ng sponsors. Dito lang sa Dear Friend talagakami magkakatrabaho nang husto," kuwento ni Dennis pagkatapos ng premiere nightng Matakot Ka Sa...Kulam sa SM Megamall last Tuesday, September 30.

Ipinaalala ng PEP kay Dennis na makakatapat nila ni Heartang love team nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa My Only Hope ng ABS-CBN. Pero naniniwalaang young actor na parehong tatangkilikin ng viewers ang dalawang shows.Magkaiba raw ang viewers ng ABS-CBN at GMA-7 at tinitiyak niyang hindimadi-disappoint ang mga manonood sa kanila ni Heart.

Tinanong din ng PEP si Dennis kung ano ang naramdaman niyanang marinig ang walang tigil na sigawan ng tao sa mga nakakatakot na eksena ngMag-Ingat Ka Sa...Kulam, angpelikula nila Judy Ann Santos, noong premiere night.

"Natuwa ako dahil hindi na kailangang iutos sa tao angsumigaw. Instinct ang reaction nila at sobrang rewarding each time may reactionang moviegoers. Nakakatuwa, very positive at sana marami ang manood," wish niDennis.

Sa premiere night lang napanood nang buo ni Dennis ang GradedA horror movie na idinirehe ni Jun Lana. Hindi raw niya ini-expect na sobraitong nakakatakot. Sa shooting, para wala lang ang kanilang ginagawa. Iba rawpala pag buo na ang pelikula na may special effects at complete ang musicalscoring. Hindi raw niya naiwasan na pati siya ay magulat.

Gagawa pa ba siya ng horror movie after this?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo na oo!" mabilis niyang tugon. "Gagawa pa rin ako nghorror movie. Ang Pinoy, mahilig talaga sa horror at enjoy na enjoy matakot atsumigaw. Sa hirap ng buhay ngayon, gusto nilang ma-entertain at isa ang horrormovie sa nakaka-entertain sa kanila. Sulit ang moviegoers dito sa Mag-IngatKa Sa...Kulam, mabilis ang pacing, no dull moment, at ang husay ni Judy Ann. Kaya lang, hindi horror ang next movie ko sa Regal."

Ang next movie ni Dennis sa Regal ay ang The Other Man, na counterpart ng The OtherWoman (1991) nina Christopher de Leon,Alice Dixson, at Lani Mercado. Si Maryo J. delos Reyes ang directornito. Confidential pa raw ang role ni Dennis at kung sino ang makakasama niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN