Urian Best Actor Jason Abalos thanks Judy Ann Santos for the "inspiration"

"'Eto na, ‘eto na ang panaginip ko, nagkatotoo na! Siyempre, natuwa ako noong pangalan ko ang natawag. Siyempre, kumbaga saschool, ito yung medal ng pagiging artista!" beams Jason Abalos after winning the Best Actor trophy in last night's Urian Awards for his performance in Endo.



Bago pa man magsimula ang 31st Gawad Uriankagabi, October 1, sa CCP Little Theater ay nakausap na ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang nanalong Best Actor na si Jason Abalos para sapagganap niya sa Endo. Naka-tie ni Jason sa naturang kategorya si Sid Luceropara naman sa Selda.

Bago pa kasi magsimula ang awards night ay matunog na angpangalan ni Jason bilang strongest contender for Best Actor. Ano ang masasabiniya rito?

"Ano lang, thankful lang ako na nakasama ako sa mga nominees.Urian ‘to, e, di ba? Isa sapinaka-credible na award-giving body. Parang ako, masaya na, na-appreciate nilaat nare-recognize ako ng mga critics," saad niya.

Kinakabahan ba siya?

"Hindi, parang noong nalaman ko, kinabahan ako. Perogabi-gabi kasi, pini-picture ko sa isip ko na ano kaya kung manalo ako? Perosabi ko nga, mapasama ka lang sa mga nominees, masaya na ako. Hindi naman lahat ngumaarte, nakakasama rito. So ako, parang masama lang, okey na. Yun pa lang,malaking bagay na sa akin sa pagiging actor ko," pahayag ng young actor nanadiskubre sa Star Circle Quest ng ABS-CBN.

Pero nakatakda nga siyang mag-uwi ng tropeyo nung gabing yundahil isa siya sa itinanghal Best Actor ng Gawad Urian. Muling tinanong ng PEPsi Jason pagkatapos ng pictorial ng mga nanalo kung ano angpakiramdam niya na hawak na niya ang trophy ngayon.

"'Eto na, ‘eto na ang panaginip ko, nagkatotoo na!" bulalasniya. "Siyempre, natuwa ako noong pangalan ko ang natawag. Siyempre, kumbaga saschool, ito yung medal ng pagiging artista."

During his acceptance speech, isa sa kapansin-pansingpinasalamatan niya at sinabi niyang naging inspirasyon niya ay si Judy AnnSantos.

"Kasi, kinausap niya ako na hindi bilang Judy Ann. Noongnag-i-Ysabella kami at nang magpunta kami ng Amerika ng sampung araw, nagkaroonkami ng pagkakataon na magkausap. Silang dalawa ni Ryan Agoncillo [Judy Ann'sfiancé], hindi sila nakipag-usap sa akin na sila si Ryan at Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sila pala yung mga totoong tao. Sobrang hindi ko kasimakalimutan yung sinabi niya sa akin na huwag lang daw akong magbabago, maymapupuntahan ako. I mean, para sabihin ng isang Judy Ann Santos, di ba?"nakangiting lahad ni Jason.

Bukod sa Ysabella ay nagkasama rin sina Judy Ann at Jason saisang episode ng Maalaala Mo Kaya.

PIETA & EVA FONDA. Bagamat matagal nang naumpisahang gawin ni Jason ang EvaFonda, kung saan siya ang leading man ni Cristine Reyes, mukhang mas una pasiyang mapapanood sa Sine Serye na Pieta. Ginagampanan niya rito ang papel ngkababata at matalik na kaibigan ni Ryan Agoncillo na eventually ay naging pulisat siyang tutugis kay Ryan.

Ang Pieta ay hango sa comics novel ni Carlo J. Caparas naisinapelikula noong 1983 starring Ace Vergel and Ms. Charito Solis, na parehonang namayapa. Si Cherie Gil ang gaganap sa role dati ni Ms. Charito.

"Hindi ko pa nga napapapanood yung original, yung movie.Parang gusto ko ngang panoorin, para kasing maganda," sabi ni Jason.

Ano na nga ba ang nangyari sa Eva Fonda?

"Mas nauna kasing ipalabas yung Kahit Isang Saglit, nandoonsi Cristine. So, inuna na nila yun para siguro mas maganda ang track nanapanood muna ro'n si Cristine. After that, siya naman ang lead sa Eva Fonda.Baka siguro next year na maipalabas ang Eva Fonda."

Halos isang taon na rin yata ang lumipas kung next year paito ipalalabas?

"Yeah, nag-start kasi kami, April pa. Baka nga kapag lumabasyun, may anak na kami!" biro ni Jason.

Okey lang naman daw siya dahil bago naman kasi ipalabas angEva Fonda, hindi naman masasabing nabakante siya dahil may Pieta nga siyangginagawa. Pero totoo nga bang disappointed siya dahil matagal bago maipalabasang Eva Fonda?

"Siguro oo, parang... Hindi naman sa na-disappoint, paranggusto mo rin silang intindihin dahil meron silang plano. Hindi mo lang alamkung ano ang plano nila na, at the end, alam mo rin naman na makakabuti pa rinpara sa ‘yo, so intindihin mo na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balitang daring daw ang Eva Fonda at may mga dapat putulin, kundi baka maharang ng MTRCB. Totoo ba ito?

"Actually, wala pa namang inuulit na eksena," sabi ni Jason."Hindi ko nga lang alam sa editing kung ano ang gagawin nila. Kung magugustuhanba ng mga MTRCB, ewan ko, sila na ang bahala ro'n. Kami naman, nagte-taping lang,wala kaming ideya. At saka alam naman siguro ng mga directors namin kung papasaba or hindi."

Gaano siya ka-daring sa Eva Fonda?

"Yung mga love scenes, hindi mo makikita sa typical na soap opera,"sagot niya.

Sa palagay ba niya ay kailangan sa career niya angmagpaka-daring?

"Hindi naman. Parang ako, nagkataon lang na yun ang sumunodkong proyekto at kailangan kong gawin, e."

Kumusta naman ang working relationship niya with CristineReyes, na sinasabing isa sa pinaka-controversial young actress ngayon?

"Nakakagulat nga. Kasi noong nagsimula kami, wala akongnakitang ganoon sa kanya. Sobrangwalang reklamo. Mabait nga siya. Lahat ng ipagawa sa kanya ng director,ginagawa niya. So, parang kabaligtaran ng mga nagiging isyu sa kanya."

Puwede kaya siyang ma-in-love sa tulad ni Cristine?

"Hindi mo naman masasabi kasi, halimbawa ngayon, palagikaming magkasama. Doon naman palaging may nabubuo, di ba? Siguro wala langakong...hindi ko iba-block kung anuman ang darating."

May dalawang indie films daw na ginagawa ngayon si Jason,ang Motorcycle ng Cinema One at ang matagal na rin nilang sinu-shoot, kasamanaman niya si Glaiza de Castro, na Rock & Roll.

Saan siya mas nag-e-enjoy, sa indie or sa mainstream movies?

"Parehas," sagot niya. "Wala namang kaibahan yun. Sigurokung iisipin mo, TF [talent fee], doon lang. Pero iba kasi ang satisfaction atfulfillment sa sarili mo kung paano mo ginagawa ang trabaho mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN