Richard Poon not bothered by comments about his being "soft"

"Yung soft, hindi konaman tine-take negatively yun. Kasi, totoong may pagka-touchy ako, na yung ibakong friends, sinasabi nila na hindi ako dapat ganoon dahil pupuwedengma-misinterpret yun ng mga babae, na parang may gusto ako sa kanila. Ginagawarin naman ng ibang lalaki yun sa ibang babae. Pero, sabi ng friends ko, hindiraw softness yun. Gentle ang tawag doon," says Richard Poon about his being"soft."


Pinuntahan pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Richard Poon saregular set niya sa Fuente Circle ng Eastwood, Quezon City, para makapanayam,at nasaksihan na rin namin kung gaano katindi na ang popularidad na nae-enjoyng Filipino-Chinese who's taking the local music industry by storm.

WEIRD RICHARD. "When I was younger, tinatawag akong weird ngmga kaibigan ko. Noong mga bata pa kasi kami, new wave ang uso, puwede ringpop. Pero, ako, lahat ay pinapakinggan ko.

"Pop, R&B, salsa,new wave, jazz, rock... Pinapakinggan ko lahat 'yan. I love music in whateverform. Gusto ko yung mga kakaibang kanta na hindi naa-appreciate ng ibangfriends ko," sabi pa ni Richard, nang tanungin namin kung bakit style niFrank Sinatra ang gusto niya, na hinaluan na ng makabagong pop.

Doon na-realize ni Richardngayon na dahil sa ganoong kagustuhan niya sa musika, mas marami angnakaka-aapreciate sa kanya sa kasalukuyangpanahon.

"Sobrang exciting ngaraw akong panoorin," aniya pa. "Lagi raw may bago sa akin. Natu-twistko yung standards. At yung bago ngayon, nagagawa kong standard, gaya ng'Irreplaceable' [by Beyonce Knowles], and even yung 'Low' [by Florida featuringTpain], who would ever think na pupuwede sa style na standard ang mga kantang'yan?"

Ang nagbe-benefit ngayonnito ay ang creativity mismo ni Richard dahil sa pagkahilig niya sa iba't ibangklaseng musika.

"I can arrange. Alam koyung chord, kung paano ayusin ang kanta. Maski sa 'ASAP.' last week,ibinigay sa amin yung mga kanta ni GaryValenciano, ipina-arrange nila sa amin ni Homer Flores.

"After the Gary Vmedley, lumapit sa amin yung isa sa staff ng ASAP., gandang-gandasila sa areglo. Thank you lang ang nasabi ko, pero masayang-masaya ako.

"Yun ang turf ko. I'malso a musician, not just a singer. Nagbe-bass ako, naggigitara, nag-a-arrange,nagku-compose. I can say na malalim ako pagdating sa music," sabi ni Richard.

VALERIE LIKES HIS BEING "SOFT." Nilinaw niyang hindi pa siya married, very muchsingle, kaya naman nali-link na rin siya kung kani-kanino. Nariyan ang chikatungkol sa kanila ni Valerie Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Incidentally, magkakasamasina Valerie at Richard sa isang show sa Zirkoh this October 18 together with Jed Madela and Mariel Rodriguez.

"I think Valeriementioned me and Hansen of Pinoy Dream Academy as two singers na veryattractive sa kanya. Wow! Kasi raw, parang soft kaming dalawa.

"I'm flattered. Valerieis Valerie. Sino ba naman ako para pansinin? Kung makikita ko si Valerie,pasasalamatan ko siya. Ang ganda-ganda niya, and yet, napapansin niya ako.

"Yung soft, hindi konaman tine-take negatively yun. Kasi, totoong may pagka-touchy ako, na yung ibakong friends, sinasabi nila na hindi ako dapat ganoon dahil pupuwedengma-misinterpret yun ng mga babae, na parang may gusto ako sa kanila.

"Ginagawa rin naman ngibang lalaki yun sa ibang babae. Pero, sabi ng friends ko, hindi raw softnessyun. Gentle ang tawag doon. Kasi, lalaki pa rin daw ang dating ko kaya puwedengma-misinterpret ang mga paghawak-hawak ko," paliwanag ni Richard.

RESPECTED BY AI AI. Isa pang aliw na aliw sa kanya ay si Ai Ai delasAlas. Nang minsang magkasama sila sa show, na-appreciate niya yung jokes sakanya ni Ai Ai.

"Hindi naman bastos,e," sabi pa niya. "I'm very fond of Ai Ai kasi nararamdaman kongnirerespeto niya ako.

"Magkakasama nga kaminina Ai Ai at Sitti sa isang concert, yung Rhythmand Bossa. With Ai Ai, I'm just being myself, shy and conservative. Ai Airespects me, sa totoo lang. Feeling ko kahit baguhan ako mataas ang respetoniya sa akin, kaya naman nirerespeto ko rin siya as a comedienne," pahayag ni Richard.

Australia-bound si Richardthis October 5 for a show in Sydney, Australia, kasama sina Cesar Montano, Nikki Giland Pooh.

Ang Rhythm and Bossaay mapapanood sa SM Megamall this coming October 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN