John Prats gets his first title role after 17 years in showbiz

"I'm overwhelmed! Ngayon ko lang talaga naramdamangartista ako. It took almost 17 years bago ako nabigyan ng solo starrer kongmatatawag and it's worth the wait dahil nang mabasa ko ang kuwento, parangsinadya talaga para sa akin," exclaims John Prats about his first title role as Tiny Tony.



After 17 years, ngayon lang matatawag ni John Prats na titleroler na siya ng isang importanteng TV project. Ito ang masayang ibinalita niJohn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ilunsad sa media angupcoming fantaserye ng ABS-CBN, ang Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony.

Simula ngayong October 11, mapapabilang na si John sa mgaPinoy superheroes na masayang pinanonood ng mga kabataan at buong pamilya kapagSabado ng gabi.

"I'm overwhelmed! Ngayon ko lang talaga naramdamangartista ako. It took almost 17 years bago ako nabigyan ng solo starrer kongmatatawag and it's worth the wait dahil nang mabasa ko ang kuwento, parangsinadya talaga para sa akin," masayang lahad ng young actor.

Once and for all ay nilinaw ni John ang napabalitangnagbalak siyang lumipat sa GMA-7, matapos niyang maramdaman na masyado nangmabagal para sa kanya ang TV career niya sa ABS-CBN.

"Totoo po yun," pag-amin niya. "Nagpaalam dinakong pupunta muna sa States dahil ganun nga, parang wala nang nangyayarisa akin dito. Pero hindi nila ako pinayagan. They first gave me Your Song [withAiko Melendez] at ito na nga ngayon, ang Tiny Tony. This completed everything."

Sinusugan naman ito ni Mr. Biboy Arboleda, isa sa topexecutives ng Kapamilya network. Sabi nito, "Because John has been a long-time member of ABS-CBN, we owe it to give him projects na talagang babagay sakanya. Wala naman pong rigid rules kung alin o hindi ang para sa isang artistanamin, pero lahat po ay may kanya-kanyang timing lang. May nauuna lang talaga.But this time, perfect na perfect for John ang role ni Tiny Tony. Pati ageniya, perfect kaya't wala na talaga kaming ibang ikinunsider sa role kundisiya lang."

Aside from the actor's regular dancing stint over at ASAP '08every Sunday noon, he also manages his billboard printing business and hisyounger sister Camille's and his nursery school.

"Iyan ang ilan sa mga natutunan namin sa showbiz," sabini John. "Nothing is permanent kaya't mabuti na yung may fallback ka once natalagang umabot ka na dun sa point na wala na, wala nang showbiz career,"paliwanag nito sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilarawan din ng young actor na masaya ang kanyang lovelifengayon. Exclusively dating sila ni Shaina Magdayao at sinabi niyang malakingimpluwensiya sa kanya si Shaina.

"Siya rin ang nagbibigay ng energy sa akin kapag sobranglow na low na ako o wala nang baterya kapag pagod na sa taping o shoot. Masayakami at sana magtuloy-tuloy," pahayag ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN