Emotional birthday celebration for Vina Morales on "ASAP '08"

Singer-actress Vina Morales celebrated her 33rd birthday in advance on ASAP '08 this afternoon, October 5. Vina was surprised by her family and some of her close friends from the industry.


Naging madamdamin ang selebrasyon ni Vina Morales ng kanyangkaarawan sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, ang ASAP '08, kanina, October 5. Ito kasi ang unang birthday niyabilang soon-to-be mother pagkatapos niyang kumpirmahin na dalawang buwan na siyangbuntis, courtesy of her businessman boyfriend Cedric Lee.

Actually, advance birthday celebration ito ng ASAP for Vina, Sharon Magdayao in real life,kasi sa October 17 pa talaga ang birthday ng actress-singer. She will be 33years old.

Hindi nga napigilang maiyak ni Vina nang kantahan siya ng"I'll Be There" ng kanyang mga Kapamilya sa ASAP.

Binati rin si Vina through VTR ng kanyang mga kaibigan sashowbiz, kabilang na ang kanyang tatay-tatayan na si German "Kuya Germs" Morenoat kaibigang si Ruffa Gutierrez.

Mas naging emotional naman si Vina nang handugan siyang kantang "Count On Me" ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan na isa-isang lumabas.Naunang lumabas ang kapatid ni Vina na si Shaina Magdayao kasama ang kanilangmga pamangkin with John Prats, na nababalitang boyfriend na ni Shaina. Attalagang parang member na rin ng Magdayao family si John na niyakap nangmahigpit ni Vina.

Sumunod namang lumabas ang mga kaibigan ni Vina sa showbizna sina Donita Rose, Angelu de Leon, Ana Roces, Vhong Navarro, Pops Fernandez,at Zsa Zsa Padilla.

Madamdamin din ang mga mensahe at birthday wishes ng mgakaibigan ni Vina para sa kanya dahil karamihan ay patungkol sa kanyang pagdadalantao.

Sabi ni Donita, "Vina, ikaw talaga ang idolo ko. Para saakin, you are the most beautiful, most powerful woman in the whole wide world.And you're even more beautiful now because there's a baby on the way. I'm sothrilled and so happy for you. I just want you to know, any advise that you needon parenting, don't ask me."

Na sinagot naman ni Vina ng, "Definitely, I will ask you.You're such a good parent. Thank you so much for the friendship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Angelu de Leon, "From Kadenang Bulaklak,kulang na lang dito si Donna [Cruz] kasi nasa Cebu siya. Anyway, I wish you thebest, congratulations. May God bless you with your heart's desire and keep thefaith."

Sinagot naman ito ni Vina ng, "Angelu, humabol ako sa inyo,ha. Dahil sa Kadenang Bulaklak, ako na lang yata ang natitira na walang baby."

"Vina, I'm so happy for you," sabi naman ni Ana Roces. "Iwish you a happy and healthy pregnancy. And there's nothing as fulfilling asmotherhood."

Nagbalik-tanaw naman si Pops Fernandez, "Natatandaan ko kasinoong time na Vina and I have lunch after ASAP before. We talk about life andthe future, and you would always ask me, ‘Sa palagay mo, Ms. Pops, ano ba?'Well, this is definitely one big blessing that will happen in your life. I knowyou have a lot of blessings already, but this is one of the biggest. So you areblessed. I just want you to be happy and stay happy always."

Ang message naman ni Zsa Zsa for Vina ay, "Vina, we here inyour ASAP Kapamilya wish you and your baby well. And we love you very much andwe look forward to, you know, the true miracle in your life."

Sa huli naging madamdamin din ang mensahe at pasasalamat niVina.

"Thank you, this is really life changing for me. Sa ASAPfamily ko, maraming salamat for that wonderful number and surprises. Alam n'yoho, there's a baby inside of me, now there's a life in me, this is a welcomechange. And nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin attumatanggap po and for being there, for supporting me. Thank you for giving mestrength."

Inisa-isa rin ni Vina ang lahat ng mga pinasalamatan niya,mula sa Panginoong Diyos hanggang sa mga boss ng ABS-CN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Vina is due to give birth on April 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN