Marky Cielo reunites with Lovi Poe in "La Lola"

"Although hindi pa naman ako nakakapag-taping,I'm looking forward na makatrabaho ulit si Lovi. Nakaka-miss din kasi siyangmakasama sa trabaho, e," says Marky Cielo about working woth Lovi Poe (inset) again.



Muling magtatambalang StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo at ang youngactress-singer na si Lovi Poe sa bagong primetime show ng GMA-7, La Lola, napagbibidahan ni Rhian Ramos.

Nakapanayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Marky sa debut party ni Rhian last Friday,October 3, sa Manila Peninsula. Si Marky ang isa sa bumuo ng 18 Roses ngdebutante.

Sinabi ni Marky naexcited muli siyang makatrabaho si Lovi. Nagkasama na silang dalawa sa mgaGMA-7 shows na Bakekang, Zaido: Pulis Pangkalawakan, at ang huli ay Kaputol ng Isang Awit.

Dahil sa pagpasok niMarky sa La Lola, pinatay na ang character niya sa Codename: Asero.

"Naipalabas na yungpag-exit ng character ko sa Asero. Kailangan na raw kasing mawala ako doondahil magsisimula na ang La Lola. Although hindi pa naman ako nakakapag-taping,I'm looking forward na makatrabaho ulit si Lovi. Nakaka-miss din kasi siyangmakasama sa trabaho, e," nakangiting saad ni Marky.

Nabalita noon na sinisimulanna raw ligawan ni Marky si Lovi, pero hindi nito itinuloy ang balak niya dahilnaramdaman niya na hindi pa handa si Lovi na magpaligaw noon.

"Parang gano'n nanga ang nangyari," sabi ni Marky. "That time naman kasi, talagang gusto lang niLovi noon na friends lang kami. ‘Tsaka natorpe rin kasi ako. Parang nahiya rinakong manligaw kay Lovi noon. One year ago naman ‘yon, bago manligaw si Jolo[Revilla] sa kanya.

"Pero okey lang kasinaging good friends naman talaga kami ni Lovi. Up to now naman, okey pa rinkami. Kaya nga natuwa ako na pinagtambal ulit kami for La Lola. Matagal ko rinnaman kasing hindi nakakasama si Lovi."

Nakarating kay Markyang balitang hiwalay na sina Lovi at Jolo. Pero hindi naman daw niya ite-takeadvantage ang sitwasyon para subukang ligawan ulit si Lovi.

"May nagsabi nga saakin about kina Lovi at Jolo. Wala naman akong plano na manligaw agad kasihindi naman natin alam kung ano ang totoo, di ba? Ang sa akin lang, tama na muna yungmagkatrabaho ulit kami ni Lovi. Hanggang doon muna siguro. Trabaho muna kamingdalawa," diin ni Marky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO SCHOOL. Sinabi rin ni Marky sa PEP ang plano niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Bago siyasumali sa StarStruck, first year college na siya sa kursong Fine Arts sa St.Louis University, Baguio City. Naiinggitnga raw siya sa ibang mga kasamahan niya sa GMA Artist Center na nagpatuloy ngkanilang pag-aaral.

"Nasa plano ko namantalaga yung ituloy ang pag-aaral ko. Pero bigla kasing may pumapasok natrabaho, kaya naiisantabi ko ang mga plans ko for school. Nakakainggit nga yung iba kasi napagsasabaynila ang trabaho at pag-aaral.

"May nag-suggest saakin na subukan ko ang online courses or home study programs para kahit nasabahay ako or sa taping, nagagawa ko ang school work. Pero gusto ko kasi yungregular school talaga. Yung may classroom at may mga kaklase ka. Nami-miss kokasi yung gano'n, e. Masarap kasi yung may interaction ka sa mga classmates mokesa computer lang ang kaharap mo."

Late na raw kasikung susubok pa si Marky na kumuha ng college course. Next year na lang dawniya aasikasuhin ang pagpapatuloy ng pag-aaral niya.

"Yun ang goal ko for 2009. Mag-i-inquire naako sa mga universities kung ano ang mga requirements. Baka kasi may ma-creditsa mga nakuha ko nang subjects before. Kahit na hindi ako mag-full load parahindi rin ako mahirapan.

"Ngayon kasi, basalang ako nang basa ng mga libro para hindi nababakante ang utak ko. Minsannagse-surf ako sa Internet para alam ko kung ano ang bago sa buong mundo. Mgabasic information at current events para kapag tinanong ako, may alam ako atmasasagot ko, di ba?" pagtatapos ni Marky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN