Columnist-manager Alfie Lorenzo loses belongings worth P10 million to burglars

Laptops, jewels, and foreign currencies,which amounted to about P10 million were reportedly stolen from talent managerAlfie Lorenzo while he was away last September 28.


Tinatayang sampung milyong piso ang halaga ng mga nanakawmula sa talent manager-entertainment columnist na si Alfie Lorenzo nang pasukinng mga hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang bahay noong September 28.

Ayon sa ulat ni Vinia Vivar sa People's Tonight ngayon, Oktubre 6, nasa SOP si Alfie para samahan ang alaga niyang si JudyAnn Santos, na nag-promote ng pelikula niyang Mag-ingat Ka sa...Kulam,nang mangyari ang insidente.

Base sa ulat, pinuntirya ng mga magnanakaw ang kuwarto ngtalent manager, kung saan nalimas ang halos lahat ng mamahaling gamit, alahas,at pera niya.

Ilan sa mga nakuha umano ay ang 15 gold wrist watches, 12diamond rings na iba-iba ang hugis at sukat, anim na gold diamond necklaces, attatlong pure-gold diamond bracelets. Kasama rin sa nakuha ang isang Fujitsu laptop na nagkakahalaga ng P85,000, Apple laptop na may halagang P150,000, at bagong wi-fi cellphone worthP50,000.

Sa cash naman, iba't ibang uri ng currency angnakuha ng mga magnanakaw. Kabilang ditoang 3,000 US dollars; 2,500 Euros; 1,100 British pounds; 5,000 Thai Baht; at10,000 Hong Kong dollars.

Sa piso naman, nakuha rin ang halagang P500,000 at ang lamanng isang donation box na may halagang P100,000. Natangay rin ng mga nanloob ang halagang P5,000 na dapat sana aysuweldo ng driver ni Alfie at ang P900 na pambayad sa mga diyaryo.

Hindi rin nakalampas sa mga mata ng magnanakaw ang ilanggadgets ng kanyang apo na si John-John, tulad ng laptop, camera, at Xbox.

Pinaghihinalaan na eksperto ang gumawa ng naturang krimendahil madali nitong nabuksan ang safety vaults at tanging screw driver namandaw ang ginamit na pambukas ng pinto sa kuwarto.

Naisipan din umano ng mga nanloob na tanggalin ang koneksyonng apat CCTV (closed-circuit television) recorder, sinira ang hard disc, atsaka binasa ng isang inumin para hindi na magamit pa na pang-record.

Bagama't nanlumo sa mga pangyayari, nagpapasalamat pa rin si Alfie na naging maayos ang kalagayan nila ng kanyang apo. Gayundin, pinagpapasa-Diyos na lamang niyaang mga gumawa nito. Dagdag pa ngtalent manager, kahit papaano daw ay nakatulong pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN