JC de Vera admits former screen partner Yasmien Kurdi doesn't talk to him anymore

"Siguro choice niya! Hindi niya akopinapansin, e. Ako, ever since naman, hindi ako plastic sa tao. ‘Pag ayokosiyang pansinin, hindi ko siya papansinin. E, since hindi nga kami nagkikita,so wala talaga..." says JC de Vera when asked if he has lost in touch with former screen partner Yasmien Kurdi.



Pagkatapos ng Babangon Ako't Dudurugin Kita ay mapapanoodmuli sa Telebabad block ng GMA-7 ang young actor na si JC de Vera sa La Lola. Base sa isang sikat at award-winning soap mula saArgentina, ang La Lola ay pinagtatambalan nina JC at Rhian Ramos.

Bagamat masaya siya na makasama ulit sa isang malakingproduksiyon, aminado si JC na kinakabahan pa rin siya. Pero nakahinga raw siyanang maluwag pagkatapos mapanood ang teaser ng La Lola sa presscon nito kagabi,October 6, sa Dolce Bar & Resto sa Tomas Morato, Quezon City. Base kasi samga napanood na eksena at reaksiyon ng entertainment press ay tila may aabanganna namang magandang palabas ang mga manonood.

Ayon kay JC, bagamat may pagka-comedy ang La Lola, seryosoang karakter na ginagampanan niya bilang si Facundo.

"Seryoso ako dito. Hindi ako sa side ng comedy, bale supportlang ako dun sa comedy. More on sa serious side ako ng story. Actually, hindinaman talaga siya comedy, e, situational comedy siya. Hindi talaga inaarte ritoyung comedy, yung istorya mismo ang nakakatawa," saad ni JC sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

FROM YASMIEN TO RHIAN. Sa mahabang panahon ay na-associate ang pangalan ni JC sadating ka-love team na si Yasmien Kurdi dahil na rin sa ilang proyektongpinagsamahan nila sa TV at pelikula: P.S. I Love You, Pasan Ko angDaigdig, Babangon Ako't Dudurugin Kita, at Loving You. Pero ngayon dito sa LaLola ay susubukan naman ang kumbinasyon nila ng kaparehang si Rhian Ramos.

Hindi ito ang unang pagsasama nina JC at Rhian sa pelikuladahil nagkasama na sila sa Captain Barbell, Ouija, My Monster Mom, at recentlysa isang episode ng Obra kung saan tampok si JC. Pero ang La Lola ang unanilang proyekto bilang magka-love team.

Siyempre pa, hindi maiiwasan na ma-link sila dahil sapagsasama nilang ito.

"Well, ako naman, wala naman akong masasabi kay Rhian. Bastaako, alam ng lahat na trabaho naman ‘tong ginagawa ko talaga. Siyempre,uunahin ko ‘tong trabaho ko ngayon. Serious ako ngayon sa craft ko kaya sigurokung meron mang ma-issue sa aming dalawa ni Rhian, bonus na lang ‘yon siguro.Pero ngayon, naka-focus talaga kami sa work. Kahit kay Rhian, alam ni Rhian‘yon. Sinabi ko na rin sa kanya ‘yon," paliwanag ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas kamakailan ang balitang very vocal diumano na crush ni JCsi Rhian. Pero ayon sa young actor, bagamat aminado siyang crush nga niya ang dalaga, hanggang ngayon ay hindi pa rin niyanasasabi sa dalaga ang paghanga niya rito.

"Hindi ko kailangang sabihin sa kanya," sabi ni JC. "Kasiayokong masira yung work, ayoko ring isipin nung tao na gumagawa na naman akong gimik, ganyan. Yung sa akin lang, gagawin ko lang yung trabaho ko.Magsu-support lang kami sa show, pagagandahin lang namin.

"Pero yung pagkakaroon ng crush kay Rhian, kumbaga, hindinaman siguro masama mag-admire sa isang magandang babae. Very vocal ako sa mgababaeng nagagandahan ako at alam ng lahat na hindi madali para sa akin namagsabi na magandang ang isang tao."

Pero idiniin ni JC na hindi ito aabot sa puntong liligawanniya si Rhian.

Paano naman maiku-compare ni JC ang tambalan nila ni Rhiansa tambalan nila noon ni Yasmien?

Aniya, "Iba yung working relationship namin ni Yasmien, ibadito. Hindi ko pa masasabi kung ano ang mangyayari sa amin dito ni Rhian habangginagawa yung show. Basta kung ano ang mangyari day by day, ‘yon na lang."

NO COMMUNICATION. Speaking of Yasmien, nagulat kami nang sabihin ni JC namatagal na silang walang communication ng young actress. Ano ang dahilan ng hindi nilapag-uusap?

"Ewan ko, hindi ko rin alam," sabi ng youngactor. "Siguro dahil busy ako sa work, may sarili akong ginagawa. ‘Tapos hindinagku-krus yung landas namin sa GMA kaya hindi kami nagkakaroon ng chance namakapag-usap.

"Siguro choice niya!" natatawang sabi ni JC. "Hindi niya akopinapansin, e. Ako, ever since naman, hindi ako plastic sa tao. ‘Pag ayokosiyang pansinin, hindi ko siya papansinin. E, since hindi nga kami nagkikita,so wala talaga..."

Meron ba silang pinag-awayan?

"Away, wala," sagot ni JC. "Never akong nakipag-away sakanya. Meron siguro mga petty fights, yung mga tampuhan na maliliit lang. Peroyung away talaga, to the point na hindi kami magpapansinan, wala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba ni JC ay nagseselos si Yasmien sapakikipagtambal niya kay Rhian?

"Sa tingin ko, hindi. Tingin ko meron lang siyangpinagkakaabalahan na iba," maikling tugon ng young actor.

May balita na tinanggihan ni Yasmien na mag-guest sa isangepisode ng Obra ni JC. Totoo ba ito?

"Ipinarating ko sa kanya, pero hindi ako yung personal nanag-alok sa kanya. Hindi niya siguro ni-reject. May sinabi siya, e, busy siyasa school niya. Naintindihan ko naman. Naiba tuloy yung gumanap. Siyempre,na-misinterpret na naman ng ibang tao na ni-reject niya yung offer. Pero saakin, okay lang naman. I have nothing against Yas," diin ni JC.

Iginiit din ni JC na wala siyang girlfriend ngayon.

Paliwanag niya, "Ngayon kasi, sa dami ng nakukuha kong work,sa dami ng naibibigay sa aking blessings, siguro mas maganda kung seryosohin kona yung ginagawa ko. I mean, habang nagma-mature ako, talagang lumalaki na yunginteres ko sa ginagawa ko. Habang tumatagal, gusto ko bago nang bago yungginagawa ko. Gusto ko nag-i-improve ako nang nag-i-improve. Mas nagigingseryoso ako sa trabaho ko."

Napaso na ba siya sa showbiz pagdating sa mga relationships?

"Medyo," pag-amin ni JC. "Kasi hindi naman ako yungtipo ng lalake na ligaw na lang nang ligaw, e. Ayoko nang maging vocal sapersonal life ko. Kumbaga, yun na lang ang privacy ko. Yun na lang ang matatagoko sa sarili ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN