Talent manager Alfie Lorenzo lectures ABS-CBN TV crew, refuses interview

"Kaya hindi na ako pumayag sa kanila namagpa-interview pa. Baka ang haba na naman ng sabihin ko, ‘tapos konti lang angilalabas na edited pa at palabasing may nasabi na naman akong masama," explains Alfie Lorenzo about refusing to be interviewed by the TV crew of ABS-CBN.



Patapos na ang victory party ng Mag-Ingat Ka Sa...Kulam ngRegal Entertainment kaninang tanghali, October 8, sa Imperial Palace Suites nangnangyari ang isang insidente. Nagulat na lang ang natitirang entertainment pressat pati si Judy Ann Santos nang marinig nilang tumaas ang boses ni Alfie Lorenzo sa harap ng TV crew ng ABS-CBN. Iinterbyuhin sana nila si Alfie para sa The Buzz at TVPatrol World.

Walang makapagsalita kung paano nagsimula ang talakan atwala namang gustong magtanong kung ano ang nangyari.

Bumalik kami sa Imperial Palace Suites ng alas-tres ng hapondahil may naiwan kami. Tiyempong nakababa na si Tito Alfie, kasama ng kanyangentourage patungong Starbucks, nang mamataan namin siya, kung kaya't nakitanongna rin kami kung ano ang nangyari.

"Naku, wala yun. Nagpumilit kasi silang interbyuhin ako sanangyaring nakawan sa bahay namin," paliwanag ng manager ni Juday.

Noong September 28 ay nilooban ang apartment ni Alfie saPanay Avenue at natangayan ang manager ng mahigit sa sampung milyon piso worthof cash, ang collection niya ng diamond rings, at mga mamahaling relo, at patina rin ang ilang high-tech equipment. (Click here to read related article.)

Nagpaliwanag na si Alfie sa TV na nagpa-interview na rawsiya sa Showbiz Central ng GMA-7 tungkol sa nakawan kaya tama na raw yun. Ayonkay Alfie, naging mapilit ang TV crew kung kaya't sinimulan niya ang sermon.

"Ang sabi ko sa kanila, ‘Ano, ie-edit na naman nila ‘tuladng ginawa nila sa interview nila sa akin noon tungkol kay Claudine Barretto?'"

Inulit ni Alfie ang kuwento tungkol sa insidente. Para raw ito noon sa promotion ng Pantene shampoo, kung saannagkasama-sama sina Judy Ann, Claudine, Ruffa Gutierrez, at Gretchen Barretto.

"Ako, wala akong galit kay Claudine," diin ni Tito Alfie."Naiintindihan ko ang showbiz. Rivalry ‘yan, e. Vilma [Santos]-Nora [Aunor],Susan [Roces]-Amalia [Fuentes]. Mga fans ang nag-aaway, pero ako, wala akonggalit sa kanya. Naging alaga ko noon si Gretchen, 'no, kaya alam ko kung paanoito magtrabaho para magkaroon ng baon sina Marjorie at Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang 'yan yung kay Jolina [Magdangal]. Sabi nila magkaawaykami ni Jun [Magdangal, Jolina's father], e, bakit ko pinayagan na magsama sila ni Juday saOuija?

"Ganyan din ang nangyari sa Pantene. Isang taon na ang businessdeal na ‘yan with Juday. Hindi pa puwede si Juday noon kaya nakunan na ang kinaClaudine, Gretchen, at Ruffa. Nang puwede na si Juday, tinanong muna ako kungokay lang daw bang makasama ang tatlo. Ang sabi ko, ‘Why not? Mas maganda ngayun para ipakita ko na wala talaga akong galit kay Claudine, e.'

"Pero ang tinanong sa akin ng The Buzz, kung galit daw baako kay Claudine kaya ikinuwento kong lahat ito. Ang haba ng kuwento, di ba?Pero in-edit ang lahat at ang inilabas lang ang parte na sinabi kong 'lumanggimik na ‘yan,' at parang ang nangyari, si Claudine ang pinagsasabihan ko nito.

"Kaya hindi na ako pumayag sa kanila [ABS-CBN TV crew] namagpa-interview pa. Baka ang haba na naman ng sabihin ko, ‘tapos konti lang angilalabas na edited pa at palabasing may nasabi na naman akong masama,"paliwanag ni Tito Alfie.

Patuloy na kuwento ni Tito Alfie, hindi raw siya tinantananng crew at nagpatuloy na gumiling ang camera sa harap niya kung kaya'tsinermunan niya ito.

Maraming sinabi si Alfie patungkol sa ABS-CBN at sa ilangmatataas na tauhan ng Kapamilya network. Hindi alam ni Alfie kung ipalalabasito sa ABS-CBN, pero sa tingin niya ay ipapanood lang ito sa mga bosses doon.

Very vocal naman sa pagsasabi si Tito Alfie tungkol sa kanyang sama ng loob sa ilang mga empleyado ng ABS-CBN. Sa katunayan, madalas itong maging laman ng kanyang column sa Abante. Ang pakiramdam kasi ni Tito Alfie ay hindi nabibigyan ng gaanong importansiya ang kanyang alaga na si Juday sa bakuran ng ABS-CBN.

Pero nagkausap na si Judy at ang mismong may-ari ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez at naipaliwanag na ng aktres at ng kanyang manager ang kanilang mga hinaing. Nakatakdang mag-renew ng kontrata si Judy Ann sa Kapamilya network ngunit pinag-iisipan pa raw itong mabuti ng aktres. (Click here to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN