Dennis Trillo says Carlene Aguilar has the right to be happy

Young actor Dennis Trillo was asked about the rumored boyfriend of his ex-girlfriend Carlene Aguilar, the mother of his son. Dennis said that Carlene had already mentioned Yo Ocampo to him but he has yet to meet the guy in person.



Black and red ang motif ng mga nagsidatingang cast ngMag-Ingat Ka Sa...Kulam sa victory party na ibinigay ng Regal Entertainment para ipagdiwang ang magandang resulta nito sa box-office. Naka-black ang leading lady na siJudy Ann Santos at naka-red naman sina Dennis Trillo at Mart Escudero.

Ginanap ang victory party kaninang tanghali, October 8, saImperial Palace Suites, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Naunang dumating si Dennis kahit galing pa siya sa taping ngkanyang upcoming primetime series sa GMA-7, ang Gagambino. Bagamat halatang pagodat halos walang tulog, naging game si Dennis na magpa-interview ngunit hindiniya alam na ang tungkol sa bagong inspirasyon ng ina ngkanyang anak at dating girlfriend na si Carlene Aguilar ang itatanong sa kanya.

Unang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) angpangalan ng sinasabing masugid na manliligaw ngayon ni Carlene nang namataannamin itong katabi ng ina ni Carlene sa audience ng Celebrity Duets Season 2taping noong Sabado, October 4. Paglabas ng Studio 3 ng GMA Network Center,nakasabay namin ang binata kung kaya't tinanong namin ang kanyang pangalan atnagpakilala nga itong si Yo Ocampo. Siya ay isang dating model.

Ang unang tanong namin kay Dennis ay kung kilala niya ba si Yoat kung nagkita na sila. Ayon sa young actor, nabanggit na raw ito ni Carlene sa kanya ngunit hindipa sila nagkikita at wala pa silang formal introduction.

"Hindi ko naman siya tinatanong tungkol dito, basta maykarapatang lumigaya si Carlene," sabi ni Dennis.

Inamin naman ni Dennis na minsan ay nagkabiruan na sila niCarlene na ipakita sa kanya ang picture ni Yo. Pero out of curiosity lang dawito at hindi na nila napag-usapan pagkatapos.

Walang naging sagot si Dennis sa mga tanong kung magingmalapit ang kanyang anak na si Calix kay Yo, o kung madatnan niya ang binata saaraw ng bisita niya sa anak niya. Labas na raw kasi siya sa usapang lovelifeni Carlene at kahit siya ay nanahimik na rin at trabaho na lang ang inaatupag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN