Dennis Trillo on Heart Evangelista: "Professional, maganda, mabait. Lahat na, e, nandoon!"

"Mas lalo ko siyang nakilala, so, mas lalo ko siyanghinangaan dahil masaya siyang katrabaho," Dennis Trillo raves over HeartEvangelista.



Hindi man ipakita ang pagkaumay o direktang sinasabi niDennis Trillo sa entertainment press na tigilan na ang paulit-ulit na lang namga tanong sa kanya tungkol kina Carlene Aguilar at Cristine Reyes, pabirongnakiusap na lang siya na kung puwede nga raw ay iba na lang ang pag-usapan.

Katuwiran niya, past issues na sina Carlene at Cristine, and everyone has moved on.

Kitang-kita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) naparang nag-iba ang mood niya when we shifted the line of questioning from thetwo C's (Carlene and Cristine) na naging bahagi ng buhay niya, to HeartEvangelista na recently ay nakapareha niya for the first time, sa isang DearFriend episode. Bigla siyang napa-"'Yan! ‘Yan na lang!" nang nakangiti.

LET'S TALK ABOUT HEART. Natuwa si Dennis dahil samga nakarating sa kanyang comments na may chemistry pala silang dalawa niHeart.

"Alam n'yo, looking forward ako na makagawa ng maramingprojects na kasama siya. Kasi, marami nga ang nagsasabi, sa mga kaibigan ko atmga nakapanood ng ginawa naming Dear Friend, na maganda raw ang story atmay chemistry raw kami sa screen.

"Sana nga, manganak pa ng maraming projects," sey pa niya.

Masasabi na ba niyanghindi na siya naiilang sa dalagang former Kapamilya?

"Oo. Kasi dati, although magkasama kami sa S.O.P.,naiilang talaga ‘ko sa kanya. Nahihiya akong lumapit. Nahihiya akong kausapinsiya. Pero after ng episode ng Dear Friend, mas okey na kami."

Dennis didn't disclose the fact na yung chemistry na nakitasa kanila ni Heart ay puwede rin daw hindi lang onscreen. Aniya, "We'll neverknow. We'll never know kung ano ang puwedengmangyari sa future. Although sa ngayon kasi, trabaho muna talaga ang focus ko."

So, posible na ligawan niya si Heart, if given the chance,especially now na sinasabi nga nilang pareho silang single?

"Puwede... Posible yun, pero, ayokong pilitin. Tingnan na langnatin kung ano ang mangyayari, di ba? Sigurado naman na marami pa kamingprojects na puwedeng gawing dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bumalik ba ang pagkakaroon niya ng crush kay Heart when hefinally worked with her?

"Mas lalo ko siyang nakilala, so, mas lalo ko siyanghinangaan dahil masaya siyang katrabaho. Professional, maganda, mabait. Lahatna, e, nandoon!"

Yun nga lang, kung sinasabi man ni Dennis na marami pasilang projects na puwedeng pagsamahan ni Heart dahil sa katotohanan na rinsiguro na pareho silang Kapuso, siguradong hindi pa ito mangyayari sa ngayon.Meron pa kasing Gagambino si Dennis, kunsaan kapareha niya sina Katrina Halili at Nadine Samonte, habang siHeart naman will start Luna Mystica opposite Mark Anthony Fernandez.

SILENT BUT "DEADLY." Sa huli, we asked Dennis kung sapalagay niya kaya, ang pagiging man of few words niya ang isa sa majorattraction niya sa girls?

"Well, hindi naman lahat ng babae gusto yung tahimik nalalaki. Siguro, nagkakataon lang na yung mga natitiyempo sa akin, gusto nila,ganoong tipo. Pero, hindi naman lahatgusto ganoon, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN