Jomari Yllana says raising kids is his and Pops Fernandez's priority, not marriage

"Dati, sabi ko ‘pag nag-18 si Andrei [his son with AikoMelendez], puwede na akong magpakasal. Ngayon, di ko na alam. Pareho kamingnagpapalaki ng mga anak at sila ang priority namin at hindi ang kasal. Ayusinna lang muna namin ang responsibilidad sa mga anak namin," says Jomari Yllanawhen asked if he and Pops Fernandez plan to getmarried.



Narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angdialogue ni Jomari Yllana na "Wala na akong naisip na makakasama nang matagalankundi siya lang," na ang tinutukoy ay ang girlfriend niyang si Pops Fernandez.

SOLID. Solid ang relasyon ng dalawa na kahit angisyung pagli-link kina Pops at Gabby Concepcion ay hindi naging isyu sa kanila. In fact,may pagka-boring daw ang relasyon nina Pops at Jomari dahil hindi silanag-aaway. Enjoy na enjoy nga ang singer-actress ‘pag nag-aaway sila, kaya sabini Jomari, aawayin niya ang girlfriend ‘pag nagkita sila after his interviewfor TV5's Philippines' Scariest Challenge na umeere, 6 pm., everyFriday.

"Siguro comfortable na kami kaya hindi na kami nag-aaway obaka nag-mature na ako, di kaya? Wala kaming pinag-awayan nung muntik kamingmag-break noong September 16. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding. Galingsiya sa Bacolod for three to four days at may inayos na negosyo. Nagpaalamnaman siya at alam kong aalis siya, nakapag-usap naman kami at na-settle naminang problema," pahayag ni Jomari.

Kung happy sila sa kanilang relasyon and they look so inlove, kailan sila pakakasal?

"Hindi ko rin alam. Dati, sabi ko ‘pag nag-18 si Andrei [hisson with Aiko Melendez], puwede na akong magpakasal. Ngayon, di ko na alam.Pareho kaming nagpapalaki ng mga anak at sila ang priority namin at hindi angkasal. Ayusin na lang muna namin ang responsibilidad sa mga anak namin."

FABULOUS POPS. Describe Pops in one word?

"Fabulous!"

What's your song for Pops?

"'Ang Ating Awitin' ng Side A."

Nang sabihin ng PEP na hindi yun love song, kinanta nito angfirst line ng song at gandang-ganda siya sa line na, "Bakit di ko maamin saiyo, ang tunay na nilalaman ng loob ko..."

Ano naman ang song ni Pops for him?

"Ewan ko doon, tanungin ninyo siya. Ang dami niyangkinakanta at ‘pag pumupunta ako sa house nila, umaakyat pa lang ako, nadidinigko na ang boses niya, laging kumakanta yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TALKING ABOUT CHRISTMAS. In one interview, inanyayahanmuli ni MartinNievera sila ni Pops to spend Christmas inLas Vegas with Martin's family, tatanggapin ba niya ang invitation?

"Lagi ko namang tinatanggap ang invitation niya, angproblema, di pa nare-renew ang visa ko. If maayos ang visa ko, no problem,puwede akong lumipad. Saka, aalis din kami ni Andrei after Christmas, bakapumunta kami sa Hong Kong Disneyland."

Speaking of Christmas, this early natanggap na ni Jomari angbest Christmas gift at ito'y ang pagbabalikan ng kapatid na si Anjo Yllana atJackie Manzano.

"Happy ako na nagbalikan sila, yun ang kino-consider naChristmas gift ng family. Masaya ang Pasko namin at kahit wala na akong gift saPasko, happy na ako at happy ako para sa four kids nila na lahat cute."

BUSY IN BUSINESS. Ang Philippines' ScariestChallenge lang ang TV show ni Jomari ngayon, kaya marami siyanglibreng oras for his business. May bubuksan siyang business sa Clark na tinawagniyang Clark International Speedway at involved pa rin siya sa Rapide.

"Iba na ang panahon ngayon, hindi na puwede na artista kalang. Kailangang may iba kang pagkakakitaan.

"Malapit nang matapos ang race track at may dini-developakong property, mahaba ang preparation at iba-ibang business ito. May autoservice, import-export, at cold storage. Step by step lang. I'll let you know‘pag ayos na," pangako ni Jomari.

Ibinalita na rin ni Jomari na sa October 17, 18, and 19,nasa Tarlac siya para sa third anniversary ng branch ng Rapide roon, at sa Oct.24, 25, and 26, opening naman ng Cebu branch ng Rapide. Sa November 8,magkasama sila ni Pops sa Clark sa launching ng flight ng Cebu Pacific fromClark to other parts of Asia.

"Busy ako sa business, pero gusto ko pa ring mag-showbiz.May movie kaming pinag-uusapan ni Dondon [Monteverde]. Maganda siya, cute, atmasaya. Wala pang script, storyline pa lang at sana matuloy."

BENCH BRATS. Nabanggit noon ni Jomari na ilo-launchna singer si Robin,ang eldest nina Pops at Martin. Sa interview ng PEP sa kanya, ang launching kayAndrei na bagong Bench Brats ang ibinalita nito. Makakasama ni Andrei sina Juliana (anaknina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez), Yuan (anak nina Janice de Belenat John Estrada), at apat pang mga anak ng artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanaig ang pagka-ama ni Jomari at excited na sa magigingendorsement ng anak at makikita na rin ang litrato nito sa print ad atbillboards. Pero, nilinaw ni Jom na gusto pa rin niyang makatapos ng pag-aaralsi Andrei.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN