Isabel Granada up and well after ovary operation

Isabel Granada plays a shaman or babaylan in thenew GMA-7 show La Lola. Isabel recently went through a very delicateoperation to extract ovarian myoma. She and her husband Geryk Genaski are planning to have their second baby.


Nagpapasalamat si Isabel Granada na naging maayos ang majorsurgery na pinagdaanan niya kamakailan.

May tinanggal na myoma (tumor) sa kanyang ovary kaya dumaandaw siya sa mala-caesarian surgery. Para nga raw siyang nanganak sa ginawang operasyon.

Sey ni Isabel, matagal na raw kasi na na-detect na meronsiyang myoma. Dinaan daw muna niya sa pag-inom ng gamot at baka gumaling siya.Pero hindi nga raw naging effective ang medication.

"At first, siyempre, natakot ako. Hindi ako sanay nanaooperahan. Pero kailangan na kasing gawin iyon or else things will get worse.Gusto pa naman ni Geryk [Genasky, her husband] na magkaroon pa ng isa pangbaby, kaya kailangang alisin na yung myoma.

"Sa tulong naman ng mga dasal mula sa pamilya at mgakaibigan, mabilis ang naging recovery ko. Sabi ng doctor ko na okey na anglahat and I can still get pregnant. Wala naman daw naging complications sa areana iyon.

"After the operation, nagpahinga ako ng almost two months.Hindi muna ako tumanggap ng trabaho. Mabuti na lang at maaga natapos yung lastshow ko na Kaputol ng Isang Awit before ako naoperahan. Kayanakapagpahinga ako nang husto."

Tamang-tama lang daw ang pagdating ng La Lola dahilhanda na nga raw magtrabaho si Isabel ulit. Nabu-bore na raw kasi sa bahay siIsabel at mas gusto niya yung may pinagkakaabalahan siyang trabaho.

"Hindi kasi ako sanay na nasa bahay lang. Kahit na nga noongbuntis ako kay Hubert noon, I was still working. Ewan ko, siguro nasa katawan mona rin iyon. Madali akong ma-bore kapag nasa bahay lang ako. Gusto ko paratingmay ginagawa.

"Kaya siguro rin hindi ako tumaba after I gave birth to myfirst baby. Mabilis ako naka-recover kasi nga sa sobrang active ko. I'm stillinto sports kasi, kaya hindi ako tabain. Kaya noong dumating ang role na Tala inLa Lola, natuwa ako kasi may trabaho na naman tayong pagkakaabalahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Isa nga si Isabel sa gaganap na mga babaylan na magpaparusa kay Lalo (played by Wendell Ramos) para maging si Lola (Rhian Ramos). Ang iba panggaganap na shaman ay sina Jewel Mische at Iza Calzado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN