Pauleen Luna dismisses rumor linking her to Gerald Anderson

"Single and not dating anyone and not seeing anyone," says Pauleen Luna, who broke up with her politician boyfriend several months ago.


Ilang buwan matapos ang breakup nila ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, single pa rin ang young actress na si Pauleen Luna.

Kaugnay nito, pinabulaanan niya sa live interview ng Startalksa kanya noong Sabado, Oktubre 11, na pinadadalhan siya ng text message ngisang pulitiko para imbitahang makipag-date.

"Ay, hindi po totoo na tine-text ako," ani Pauleen. "Siguro po pinasabi niya through anotherperson, but tine-text, hindi naman po."

Ayon kay Pauleen, nalaman lang niya ang intensiyong ito ngpulitiko, na hindi pa niya nakikita nang personal, sa pamamagitan ng isangkaibigan. "Sinabi lang po sa akin ng isakong friend na he wants to have dinner with me and he wants to meet me, yunlang po," paliwanag ng dalaga.

Gayundin, hindi rin daw totoo na ipinasa niya ang mga textmessage sa kanyang dating kasintahan na si Mayor Gatchalian.

Kuwento ng Eat Bulaga co-host, "Kasi I have a friend, siBerna Romulo-Puyat, she texted me thatit's all over the Internet na may nag-forward sa e-mail niya. Siya po ang nag-forward kay Sherwin aboutthat. So, doon ko po nalaman na it'sall over the Internet."

Sa puntong ito ng panayam, biglang sumingit ang host ng Startalkat talent manager ni Pauleen na si Lolit Solis. Binisto niya na hindi lamang isang pulitiko ang nagpaparamdam sakanyang alaga.

Ayon kay Lolit, "Alam mo, tatlo 'yan—may isang mayor saBicol, 'yong isa medyo mataas, nakakatakot, e. Takot ako, o kasi baka mamaya ipadampot ako. Masyadong mataas kaysa doon sa isang pulitikong pangit."

MOVING ON. Para kay Pauleen, naka-move on na siya mula sa breakup nila ni MayorGatchalian. Bagamat tapos na angkanyang relasyon, inamin naman ni Pauleen na paminsan-minsan ay nakapag-uusappa rin sila ng dating boyfriend.

"We still talk. Oncein a while, nagkukumustahan," pahayag ni Pauleen. "I haven't seen him since the time we broke up four or fivemonths ago. Through ano lang, he'scalling me sometimes or nagte-text, nangangamusta lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Pauleen, mainam na rin ang nangyaring breakup dahil madalasna rin ang hindi nila pagkakasundo.

Paliwanag niya, "It so happened lang po siguro na, numberone, we don't have time for each other. That is one of the big reasons. Number two, nagkakaroon po kasi kami ng differences. Hindi kami nagkakasundo sa mga... I mean, little things, big things, medyohindi kami nagkakasundo. So, wedecided, well, I decided to end it na lang kasi it's not working anymore. Youknow, there's a reason why people break up kasi it doesn't work anymore."

Palagay ni Pauleen ay naka-recover na rin siya sapaghihiwalay nila ni Mayor Gatchalian sa tulong na rin ng mga taong malapit sakanya.

Aniya, "Well, my family made it easier for me to move on. SaEat Bulaga po, araw-araw pumupunta ako doon, ang saya-saya ngcompany. So, I'm very thankful to myfamily, to my friends, sa Eat Bulaga po, for making it a lot easier forme to move on."

ON GERALD ANDERSON. Isa sa mga bali-balita ngayon ay ang diumano'y pagkakamabutihan nila ngKapamilya young actor na si Gerald Anderson. Upang kumpirmahin ito, sinabi ni Butch kay Pauleen, "Maynakakitang sinusundo ka raw ni Gerald Anderson, sakay ng kanyang Chrysler."

"Hindi po," agad na depensa ni Pauleen. "Kasi po, ito po, magkaibigan kami niGerald, but that's it."

Hindi rin dapat magkaroon ng isyu sa pagitan nila dahil,ayon kay Pauleen, "We're both put into a situation na hindinaman po totoo. There was a time nadumaan po yata si Gerald sa Eat Bulaga, nagdala po ng pagkain. But that's it. They're just making a big fuss out of it because nga siguro, nagdalasiya ng food or kasi si Gerald, 'tapos ako. But then, that's it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Hindi rin daw totoo na nililigawan siya ng dating PinoyBig Brother teen housemate. "Ithink it's just a friendly gesture," ani Pauleen. "But alam n'yo po, ang tagal na naming hindi nag-uusap, sigurothree weeks. Kasi wala naman potalaga. There's nothing really goingon, we're just friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN