Jennylyn Mercado returns to "SOP" and sits in "Showbiz Central" on October 19

After giving birth toAlex "Jazz" Mercado, Jennylyn Mercado will make her first TV appearance on SOP and ShowbizCentral this Sunday, October 19.


Matutuwa ang fans ni Jennylyn Mercado sa nabalitaan ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) na mag-a-active na uli ito sa showbiz simula sa Linggo, October 19.Kung hindi mababago ang plano ng GMA-7, iwe-welcome si Jennylyn sa SOP. Bukod sa kanyang spot number, tiyak na mayproduction numbers siya with the other mainstays of the show.

Mapapanood din si Jennylynsa Showbiz Centralkinahapunan atsiguradong aabangan ang guesting niya rito't pagsagot sa maraming isyu nakanyang kinasangkutan lately.

Maraming beses nangna-interview si Jennylyn mula nang ipanganak niya si Alex "Jazz" Mercado, perokadalasan phone-patch interview. Sa Sunday, live siyang makikita at mulingmaririnig kumanta.

Napapanahon angpaglabas sa TV ni Jennylyn dahil marami siyang naka-line up na projects nakailangan niyang i-promote. Isa rito'y ang nalalapit na labas ng kanyang coffee-table book, kung saan makikita ang mga litrato niya mula noong magbuntis atipanganak si Baby Jazz.

FILM AND TV PROJECT. Kasama rinsi Jennylyn sa pelikulang One Night Only ng OctoArts Films at pagsasamahan nilani Alessandra de Rossi. Comebackmovie ito ni Jennylyn pagkatapos ng Half-Blood Samurai nila ni Jacky Woo, nahindi niya sinipot ang presscon.

Sa January 4, 2009,sila ni Mark Herras ang featured loveteam sa New Year's presentation ng Dear Friend. Susunod dito angpagtatambalan nilang TV remake ng isang big VivaFilms movie.

Tamang-tama rin angpagpapa-interview ni Jennylyn sa Showbiz Central para siya mismoang sumagot sa isyung ninakawan diumano siya ng dati niyang staff ng naiponniyang pera.

Paano ito nangyari?Magkano ba ang perang nawala sa kanya at totoo bang magdedemanda sila ngmanager niyang si Becky Aguila laban sa concerned staff?

Makukuwento rin niJennylyn kung binisita na ba siya at ang baby niya ng ama nitong si Patrick Garcia, at kung hindi pa, payag ba siyang dumalawsa kanilang mag-ina ang ex-boyfriend? Papayagan din ba niya ang ina at kapatidng aktor na makita ang baby niya?

Ang daming puwedengitanong kay Jennylyn, kaya abangan ang pagpapa-interview niya sa ShowbizCentral at pagkanta niya sa SOP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN