Jomari Yllana misses married life but puts wedding plans with Pops on hold

"Iba pa rin ‘yong buo ang pamilya, hindi ba? The best pa rin yung kapag buo ang pamilya mo," says Jomari Yllana about having a solid family.



Aminado ang aktor na si Jomari Yllana na nami-miss niya angbuhay may-asawa. Matagal na panahon na rin naman magmula nang naghiwalay silani Aiko Melendez, pero hindi raw niyamaituturing ang sarili na binata talaga kahit "separated" ang statusniya.

"Actually kapag may anak ka na, iba na talaga, e," simula ni Jomari. "Kahitbinata ka na walang partner, kapag may anak ka na, iba na ‘yon. Masasabi konaman na at a very young age, ang dami ko nang pinagdaanan as binata bago akonagkaroon ng anak. Marami rin akong na-experience na maganda noong panahon ngGuwapings, so masarap ding maging single, masarap din na mayroon kang partner.Pero hindi ko na ma-consider din iyong sarili ko na binata, yung sasabihin mona parang bachelor talaga, kasi may anak na ako e."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jomari kagabi, October 16,sa birthday bash ng entertainment writer na si Pilar Mateo sa Music 21 sa Timog Ave., Quezon City.

Nami-miss niya rin ba ang buhay na may asawa?

"Oo naman, siyempre!" sagot niya. "Iba pa rin ‘yong buo ang pamilya, hindi ba? The best pa rin yung kapag buo ang pamilya mo."

Anong partikular ang na nami-miss niya sa pagkakaroon ng asawa?

"Yung may nag-aalaga sa ‘yo sa bahay. 'Tapos, inaalagaan kang asawa mo, inaalagaaan ka ng anak mo, and vice versa siyempre," sabi ni Jomari.

CLOSE TO PERFECTION. Tungkol naman sa kanila ni Pops, nang usisain ng PEP kungpaano niya ide-describe ang kanilang relasyon, matipid na "close to perfection"ang sagot nito.

Pero ayaw ikumpara ni Jomari si Pops sa ibang mga nakarelasyonniya.

"Siyempre, wala naman talagang perfect na relasyon, di ba?Pero masasabi ko na siya [Pops] lang siguro ‘yong pinaka-kasundo ko sa lahat. Althoughiba-iba naman siyempre lahat, masama namang magkumpara. Pero masayang-masayaako ngayon, ibang klase yung happiness na nakukuha ko sa relasyon namin niPops, sobra!" nakangiting wika ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano na ba kalalim ang relasyon nila?

"Paanong malalim ba?" balik-tanong ni Jom. "Parang ang lalim-lalimnaman ng tanong na ‘yan e! Gaano na bakalalim ‘yan, parang nakabaon na yata sa lupa ‘yan" natatawa niyang biro.

"Pero hindi... Kami namankasi, sobra kaming magkasundo. Hindi kami nag-aaway, e," dagdag niya.

Sabi niya malalim na ang relasyon nila ni Pops, so ano naang next level?

"Hindi ko sinabing malalim ha, kayo ang nagsabi!" pabirongsagot ng aktor.

Patuloy niya, "The next level? Lagi kaming may ginagawa together, ‘tapos ang dami-dami naminggustong gawin. Magta-tatlong taon na kami, so marami naman kaming nagagawa.

"Yung next level, kung mayroon naman kaming gagawin,siyempre ia-announce naman namin. Mayroon kaming pinaplano next year, perosecret muna. Basta mayroon kaming pinaplano."

Kasal na ba ito?

"Hindi, hindi," maagap niyang sagot.

Pero yung kasal, darating din ba sila sa puntong ‘yon?

"Oo," matipid at parang bantulot pa niyang tugon.

Sinabi ni Jomari sa isang interview na kapag malaki na siAndrei, ang anak niya kay Aiko Melendez, ay ‘tsaka siya pakakasal ulit.

"Malaki na ‘yong anak ko, Grade Five na siya," banggit niJomari.

So any moment ay puwede na siyang magpakasal?

"Tingnan natin. Pero actually, hindi naman namin napapag-usapan 'yan ni Pops, e," saad niya.

Pero baka naman naghihintay lang si Pops na mag-propose siya?

"Tingnan natin, pero kami, ang dami naming gustong gawin.Para sa pamilya, yung ganyan; yung anak ko, yung mga anak niya. Siyempre, ‘yonnaman ang mga priority pa rin, e."

Two to three years from now, masasabi niya kayang handa nasiyang mag-asawa ulit?

"Mahirap sagutin, e. Pero at this point, ngayon ha, masasabikong hindi pa. Although, totoo rin na may mga nag-aasawa na hindi namanpinaplano talaga, e. Posible ‘yon, pero this time, I'll make it a point na siguradoat planado talaga lahat," pagtatapos ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN