John "Sweet" Lapus reconciles with Jobert Sucaldito

"I really appreciate what he did. Niyakap niya ako, hinalikan niya ako at sinabi kong, ‘Walang problema, tinatanggap ko, Jobert. Pinapatawad kita at hindi ako nagtatanim ng galit. Ikaw ang unang lumapit sa akin, tinatanggap ko.' ‘Tapos, umiyak na siya. Sabi ko pa sa kanya, ‘Walang problema.' Naging emosyunal na siya," narrates John "Sweet" Lapus (in red shirt) about his reconciliation with Jobert Sucaldito.


All's well that ends well!

Pagkatapos ng mahabang panahon, finally ay nagkabati na rin sina John "Sweet" Lapus at Jobert Sucaldito. Naganap ang kanilang reconciliation sa Music 21 Karaoke Bar sa Timog Avenue noong October 15 sa birthday party ng EnPress officer and movie columnist na si Pilar Mateo.

Naging saksi ang ilang artista at movie press sa pagbabati ng dalawa. Saksi rin ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mahigpit na yakap, paghingi ng apology ni Jobert, at pagtanggap naman ni John ng apology ng dating kagalit.

Nakausap ng PEP si John pagkatapos ng pagkikita nila ni Jobert at tuwang-tuwa raw siya sa mga pangyayari.

"Na-appreciate ko naman yung ginawa niya, in fairness naman," umpisa ng Showbiz Central co-host at PEP blogger. "Ako naman, mapagpatawad naman akong tao. Heto na, yumakap na, humalik at humingi ng apology, nag-apologize siya, so sino naman ako para hindi tumanggap nun? Kung ang Diyos nga, nakapagpatawad.

"Happy ako na tapos na. Ang sarap! Ang saya! And happy din ako for him...burst of emotions kumbaga. Ang sarap ng feeling na wala kang kaaway. At masarap, higit na masarap ang pakiramdam na humihingi ng tawad at tinatanggap ng tao yung hinihingan mo."

Patuloy ni Sweet, "So, happy din ako sa kanya, dahil parang ang laking tinik din ang nabunot sa kanya. Kaya naman ako, tinanggap ko rin naman nang bonggang-bongga. If you think about it, siya lang ang may issue with me. The rest of the industry has been friends of mine. Lahat ng reporters, kaibigan kong lahat. Ikaw, kaibigan ko. Kahit hindi ko kilalang reporters, itinuturing kong kaibigan. Hindi ko sila kaaway.

"That moment, hindi ko talaga ine-expect na lalapit siya sa akin. So, nung lumapit, walang problema sa akin. Sa isang birthday party pa. Hindi ko inaasahang magpapang-abot kami rito. Galing na ako sa isang raket, sumaglit lang ako rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I'm really very happy and at the end of the day, ang simple-simple ng logic. Reconciliation is the best and forgiveness is another spectrum of death and peace is the best of them all. Masarap kapag wala kang kaaway. Ginawa ko ‘yan, years ago, lahat ng mga taong inokray-okray ko sa ‘Promise Ka, John' sa Cristy Per Minute, when I resigned I apologize," mahabang lintanya ni John.

Sa panig ni Jobert, isang maikling pananalita lang ang binitawan niya patungkol sa paglapit niya kay John.

"It feels good," sabit ni Jobert nang hingan ng PEP ng komento. "I initiated it. Ako ang lumapit sa kanya. Ako ang humingi ng sorry.

"Ang sarap ng feeling. It's all over. Mahal ko naman talaga ‘yang si John. May pinagsamahan kaming dalawa. I don't want to lose that. Alam niyang mahal na mahal ko siya."

ACCEPTING JOBERT'S APOLOGY. Ang paglapit daw ni Jobert sa kinauupuan niyang mesa at paghingi nito ng tawad sa kanya ng The Buzz reporter at segment host ay higit na pinahalagaan ni John kaya buong-puso raw niyang tinanggap ang paghingi ng sorry ng kaibigan.

Kuwento ni Sweet, "Na-shock ako talaga at na-touched din sa kanyang gesture na siya ang unang lumapit sa akin. Naloka talaga ako! Walang kaabug-abog.

"Nung niyakap niya ako, niyakap ko siya. Nung hinalikan niya ako, hinalikan ko siya. Sabi ko sa kanya, ‘Don't cry, tinatanggap ko na yung apology mo. Walang problema sa akin, hindi ako mapagtanim na tao.' Naloka na yung lola mo, naiyak siya! Akala siguro niya, aawayin ko siya.

"Hindi ko ine-expect. Ilang beses na kaming nagkita in some occasions, pero hindi lang kami nagpapansinan. Sabi ko nga, si Jobert, okay na kaaway. Siya lang ang galit sa iyo, huwag mo lang paplastikin," tinuran pa ng host ng "Don't Lie To Me" portion ng Showbiz Central ng GMA-7

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang naging reaksiyon ni John nang makitang papalapit sa kanya si Jobert?

"Well, I saw him earlier. Pero kilala mo naman ako, di ba? I won't start a fight so dedma na lang. So siya ang lumapit, parang na-appreciate ko yun. So kilala rin niya ako, as if wala akong nakita.

"So, lumapit siya. Sabi niya, ‘Sweet, ano yun? Bati na tayo. Pasensiya ka na sa akin,' something like that. Maingay kasi but I definitely heard he was calling my name and saying an apology.

"And I really appreciate what he did. Niyakap niya ako, hinalikan niya ako at sinabi kong, ‘Walang problema, tinatanggap ko, Jobert. Pinapatawad kita at hindi ako nagtatanim ng galit. Ikaw ang unang lumapit sa akin, tinatanggap ko.' ‘Tapos, umiyak na siya. Sabi ko pa sa kanya, ‘Walang problema.' Naging emosyunal na siya," lahad ni Sweet.

Naging emosyunal din ba si Sweet?

"Masaya ako," sagot niya. "Sino bang may gustong may kaaway? Sinong taong may gustong kagalit? Ilang taon kaming magkasama ni Jobert sa The Buzz. Bilangin mo. Hindi pa siya on-cam, staff ko ‘yan, siya ang parang contributor, researcher, segment producer namin siya. I was the creative, segment producer of The Buzz, so nung pumasok siya, literally, he was directly under me.

"Sa mga research, ako ang nagtse-check, siya ang nagre-report sa akin pagdating sa trabaho, so yun, literally, we were very close. Tuwing Pasko, may regalo kami sa isa't isa. Dati ang meeting namin sa show, three times a week at nagkikita pa rin kami kapag Sunday, so literally nagkikita kami niyan four times a week. So, talagang close kami. Five years din yata ako sa The Buzz.

THE BEGINNING OF THEIR RIFT. Ilang taon din ba yung pagpapalitan nila ng maaanghang na salita?

"Sa akin, isang beses lang; pero siya, marami sa akin. Ako, isang beses lang. One-time-big-time lang yung nagsalita ako sa S-Files, di ba? Alam n'yo naman yung issue na ‘yon. One-time-big-time, and you know, simula nun, wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We parted ways, hindi na kami nag-usap ulit. Kapag nagkikita kami, hindi kami nagpapansinan. And, you know, ang feeling ko that time, better na mag-away kami. So, dedmahan na lang," sabi ni Sweet. (Click here to read related article.)

Sa kuwento ni John, nagsimula ang kanilang away ni Jobert minsang mag-guest daw si John sa radio program ni DJ Mo Twister at may naitanong sa kanya ang equally controversial radio host-turned-TV host. (Click here to read related article.)

"Nag-guest ako sa radio show ni Mo ‘tapos I was asked hypothetically kung sinong... Alam mo naman yung show na yun ni Mo, di ba? Tinanong niya ako, hypothetical question lang naman na, ‘Sa palagay mo, sinong host sa The Buzz na kapag tinanggal sa show, you know, the show will still rate? Sinabi ko, siya [Jobert]. Kinda hypothetical and in a way, truthful lang, di ba?

"Walang personal kasi nga hypothetical lang naman yung question. Hindi naman ako tinanong kung sino'ng gusto kong matanggal. Hindi ganun yung tanong. Hypothetical yung question. In short, kinahapunan nun, inokray na niya ako sa kanyang radio show. The next day, sinulat na niya.So, yun, it was really blown out of proportion. ‘Tapos si Tita Cristy [Fermin], nakisali na. Minsan, si Tita Cristy nagkasalubong kami sa isang party, pero wala na, dedmahan na. Wala na. Yun na!" pagbabalik-tanaw ng TV host-comedian.

Sa huli, nagbigay si John ng mensahe para kay Jobert.

"Well, nasabi ko na sa kanya, tinatanggap ko na yung kanyang apology. And I'm happy na sinabi niya ang kanyang mistake. I'm happy and I'm accepting that. I'm so happy na pareho kaming nabunutan ng tinik sa isa't isa.

"At ramdam ko naman yung kanyang sincerity and I really appreciate that. I wish him good luck. Mahirap din yung pinagdaraanan niya ngayon, di ba? Alam naman nating may hate campaign laban sa kanya at kay Tita Cristy," lahad ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CRISTY'S SUSPENSION. Alam ni John na dumaraan din ngayon sa isang matinding pagsubok si Cristy Fermin. Nung gabing yon, ibinaba na ng ABS-CBN ang suspension order para kay Cristy. (Click here to read related article.)

"Nasa blog ko ‘yan [sa PEP], my newest entry," banggit ni Sweet. "Alam nila ‘yan na never akong nagsalita against Tita Cristy. Malaking utang na loob ko sa kanya. Nanay-nanayan ko ‘yan. Ano ba? Pinakain niya ako literally nung araw. Magkasama kami niyan, lahat ng staff ng The Buzz at Showbiz Lingo, lagi ‘yan may dalang ulam. Alam na alam ko ‘yan dahil sa akin niya ibinibigay at ako mismo ang magdi-distribute. (Click here to read Sweet's latest blog entry.)

"I am praying for her. Yun lang masasabi ko sa kanya. Nag-text ako sa kanya. Marami kaming nagte-text sa kanya na we're praying for her. Mahirap yung pinagdaraanan niya ngayon. Mahirap. Naranasan ko ‘yan. Yung mawalan ka ng trabaho. Mahirap ‘yan, napakahirap.

"One thing na sigurado ako kay Tita Cristy, matagal ko siyang nakasama at kilala ko ‘yan, she's a survivor. I know she will bounce back and I know she will do something about this. I know she will redeem herself in the future.

"Ginawa na niya ‘yan nung araw sa Cristy Per Minute and we all know that. Natsugi ang Showbiz Lingo, natsugi ang Cristy Per Minute. After two years, bumalik ulit ang Cristy Per Minute at nagkasama pa kami sa The Buzz. Ganun lang ‘yan," pahayag ni Sweet.

At nagpaabot din ng mensahe si John sa itinuturing niyang "nanay-nanayan" sa showbiz.

"Message ko sa iyo, Tita. We all know na physically nag-part tayo ng ways dahil lumipat ako ng ibang network. Nagkatapat pa yung show namin coincidentally, I wish na hindi yun maging rason para mawala ang respeto at pagmamahal natin sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know, Tita Cristy loves me. Kilala ko ‘yan. Hindi naman nawala yung respeto namin sa isa't isa. Alam na ng buong industriya ‘yan. Yung nangyari sa amin, yung nangyaring issue sa amin ni Jobert, si Tita Cristy, in a way, medyo kumampi siya pero natanggap ko na ‘yon. Tatanggapin ko ‘yon.

"Wala siyang narinig na sinabi ko against her up to this very moment. Kami lang ni Jobert ang nag-away. Si Jobert, inokray ko pero si Tita Cristy, never!" huling pananalita ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN