Iza Calzado buys Rufa Mae Quinto's house and lot


Iza Calzado (left) reveals that she will buy the QuezonCity house and lot of Desperadas 2 co-star Rufa Mae Quinto (right).




Masayang humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa entertainment press siIza Calzado para sa solo presscon na ginawa sa executive lounge ng GMA NetworkCenter, kahapon, October 16.

Mapapanood ang GMA Films contract star sa dalawangpelikula, ang Sundo at One True Love. Bago ang formal presscon,inintriga agad si Iza sa tanong na bakit cameo role lamang ang gagampanan niyasa Sundo nina Robin Padilla, Sunshine Dizon at Rhian Ramos? Bakit namansiya pumayag na maging mag-support lamang kina Dingdong Dantes at Marian Riverasa One True Love?

"Hindi problema sa akin na mag-cameo role sa Sundo,ewan ko po kung totoong special request daw ako ni Robin na makasama samovie," nakangiting sagot ni Iza. "Saka nang mabasa ko po ang script,I will be the premise ng Sundo, kami ni Simon [Atkins], gaganap kamingmag-asawa, maganda po ang role at ewan ko lamang kung ako ba ang 'susundo' saibang characters ng movie.

"Saka excited po akong makatrabaho muli si Direk Topel[Lee], love ko na po siya simula pa noong gawin namin ang Ouija. Nang sinabi nga sa akin ni Robin noongnagti-taping pa kami ng Joaquin Bordado, sabi ko sa kanya ang suwerteniya na makatrabaho si Direk Topel dahil bukod sa mabait ito, napakagaling paniya, ang ganda ng approach niya sa mga eksenang ginawa namin noon.

"Saka okay lamang kung hindi kami magkatambal ni Robinsa movie dahil mayroon po kaming gagawing movie, romance-drama, walang actionscenes, siguro po next year iyon kasi may sisimulang soap si Robin at mayroondin kaming gagawing soap ni Sunshine [Dizon], ang All About Eve.

CRUCIAL ROLE. "Hindi po ako supporting sa OneTrue Love," paliwanag ni Iza. "Nang bumalik po ako noon from Canada, sinabi na nila sa akin angtungkol sa movie na love triangle kami nina Dingdong at Marian. Nabasa ko po ang script at thankful ako kayMarian, nang first shooting day namin kay direk Mac Alejandre at may ilangpress na dumalaw sa set, siya ang nagsabing hindi mabubuo ang story kung walaako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Symphatetic ang role ko rito,she's a real woman, pero may mga times na nagiging weak siya pero darating dinang times, as Bela, na magiging strong siya. Hindi ko po lamang puwedeng sabihin kung sino ba ang nauna o nahuli saamin ni Marian as Joy, kay Dingdong as Migz, sa story. Challenge po ito sa akin dahil kailangankong ipakita na makaka-relate sa role ko ang mga manonood."

May nagtanong din kung ano ang comment niya sa sabi'ymahusay nga siyang aktres pero mas sikat naman sa kanya si Marian?

"Aminado po ako na talagang sikat na sikat ang loveteam nina Dingdong at Marian at kitang-kita mo ang chemistry nila sa screen,alam ko ring sikat talaga si Marian. Kung mas mahusay ako kay Marian, hindi pa naman kami nagkakasama saeksena kaya hindi ko pa alam kung paano umarte si Marian. Saka hindi po ako nakikipag-compete kahitkaninong artista. Basta ako,pinagbubuti ko po ang pag-arte ko at ang kakumpetensiya ko ang sarili ko. I believe na dapat ay pagbutihan ko pa angacting ko kaysa huling performance na ginawa ko."

Dahil kasama nga niya sina Dingdong at Marian, tinanong siIza kung totoong may magandang relasyon ang dalawa at kung totoo bang hiwalayna sina Dingdong at Karylle?

"Sorry po, pero wala akong karapatang pag-usapan angbuhay ng ibang tao, lalo pa at pinsan ko po si Karylle. Basta nang una kaming magkasama sa shooting,nakita ko na kahit pagod na pagod sila dahil galing pa sila sa taping ng Dyesebel,masaya pa rin silang nagtatrabaho, wala silang reklamo dahil naka-schedule siDingdong na pupunta sa States at kailangan na naming mag-shooting. Basta alam ko, hiwalay talaga sina Dingdongat Karylle dahil nasa States si Dong at ganoon din sila ni Marian, dahil walanga si Dong."

HOUSE OWNER. Na-blind item na isang actress angbibili ng bahay ng isa pang actress, at sila pala iyon ni Rufa Mae Quinto. Noong una ay ayaw pang magsalita ni Iza,pero wala na siyang nagawa dahil tinukoy nang siya iyon. Siya ang bibili ng house and lot ni Rufa Maesa exclusive subdivision sa Quezon City, ang Acropolis. Pero hindi siya napilit na sabihin kungmagkano ba ang ibabayad niya kay Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na po ako talagang naghahanap ng bahay namabibili at nasabi ko iyon kay Peachy [palayaw ni Rufa Mae]. Dream house ko ngaiyong bahay niya nang makita ko, kaya ang tuwa ko nang sabihin niya sa akinkung gusto ko raw bilhin ang bahay niya dahil mayroon din siyang bagong bahayna gustong bilhin. Gusto ko po kasingmag-invest sa bahay talaga kaysa sa town house or condominium unit dahil maychance ito na tumaas pa ang presyo.

"Ang bait-bait naman ni Peachy at ng lola niya,tinutulungan pa nila akong mag-loan dahil beyond my budget ang halaga ng houseand lot, pero pikit-mata na po ako na bilhin iyon, and hopefully, makalipat nakami roon before Christmas. Binawasanpo naman ni Peachy ang price ng bahay pero kukunin po niya ang mga gamit niyaroon at ang pray ko nga, mabili rin niya iyong bahay na gusto niyangbilhin. Kaya kayod po ako sa trabahotalaga ngayon.

"Maraming salamat po na bukod dito sa dalawa kong movies,may ginagawa rin akong Scaregiver ng APT Entertainment, nagsimula na rinakong mag-shooting ng Desperadas 2 sa Regal Films at ako po angipi-feature ng Obra for the month of November. Katatapos din lamang naming mag-guest ni Ogie [Alcasid] ng isangepisode ng Dear Friend nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Totoo pong ‘when it rains, it [pours],'"natatawang pahayag ni Iza.

FOURTH BOYFRIEND? Pero ano itong nali-link siya saUAAP La Salle Green Archer center na si Simon Atkins? Si Simon daw ang kanyang boyfriend number 4?

"Nagkakilala kami una ni Simon sa birthday party nganak ni Cheska Iñigo at sumunod kaming nagkita sa debut ni Rhian (Ramos) at maynagsabi nga sa akin na crush daw ako ni Simon. Sabi ko, since may boyfriend na ako at mayroon ding boyfriend number 2 & number3 (na ayaw naman niyang sabihin kung sino), siya na lamang ang boyfriend number 4ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May shooting nga kami ni Simon ngayong Biyernes,[October 17] para sa Sundo."

Bago umalis ang PEP, dumating si Simon dahil maypictorial pala sila ni Iza para sa Sundo. Aminado si Simon na crush niyasi Iza at okey daw sa kanya kung may boyfriend na ito. In fact, tinanggap niya ang offer ng GMAFilms na pasukin na ang showbiz and to do a cameo role sa Sundo nangmalaman niyang si Iza ang makakatambal niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN