Zanjoe Marudo says Mariel Rodriguez is the "bonus" in his lovelife

"Hindi ako nagbibilang, e. At saka, wala naman akongdate. Kapag nilagyan mo kasi ng dateyan, meron din katapusan yan kaya dapat, hindi mo nilalagyan ng date," answers Zanjoe Marudo when asked to disclose how long he and Mariel Rodriguez have been a couple.



Visible ngayon sa telebisyon si Zanjoe Marudo dahil bukod saprimetime series niyang Dyosa, napapanood pa rin siya sa ibang regularshows ng ABS-CBN. May Florinda pa siyang series na hindi pa naipapalabas,at pagkatapos ng Dyosa, posibleng ituloy na rin nila ni Anne Curtis angnasimulan na nilang wedding series.

Ayon kay Zanjoe, kuntento naman siya at masaya saibinibigay sa kanya ng kanyang home network. Kung masaya ang career ni Zanjoe,same goes with his lovelife raw with Mariel Rodriguez. Ayon pa sa aktor, hindiraw siya nagbibilang kung gaano na sila katagal.

"Hindi ako nagbibilang, e. At saka, wala naman akongdate. Kapag nilagyan mo kasi ng dateyan, meron din katapusan yan kaya dapat, hindi mo nilalagyan ng date."

Natawa si Zanjoe when we told him na sabi ni Mariel, hindiraw siya seloso. "Talaga? Sabi niya?" sabi niya na may halong pagkagulat.

Bakit may pinagselosan na ba siya?

"Depende siguro, hindi lang ako ganoon, ang mga lalakinaman, hindi naman showy. Pero sa ngayon, wala pa naman akong pinagselosantalaga. At saka, sa babae at lalaki, mas selosa naman ang babae. Although sa ngayon, wala pa naman. Wala pa rinnaman siyang pinagseselosan."

Pareho silang busy ni Mariel, may time pa ba sila para saisa't isa?

"Palagi kaming ano...pagkatapos ng trabaho. Siya rin naman,sobrang busy niya. So, kung may familygathering sila, minsan a-attend ako. O kaya, siya rin sa amin.

"Pero kami, trabaho muna. Hindi naman pang-habambuhay naganyan. Darating din naman ang time na maraming bakanteng araw. Darating dinnaman ang mga bakasyon, Holy Week, so, mas masaya yung ganoon. At least, hindi kayo mauumay sa isa't isa.Mas namimiss namin ang isa't isa."

Maituturing na ba niyang seryosohanang relationship nila ni Mariel ngayon?

"Ako, para sa akin, ano naman ako, seryoso naman ako. Relax lang at kumbaga, cool lang naman.Masarap kasi yung unti-unti mong nakikita ang mga gusto mo, tapos meron ka pangganoong bonus sa lovelife."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Dyosa ay isa na siya sa mga leading men ni AnneCurtis. Supposedly, mas mauuna sanang umere ang wedding series nila ni Anne bagoang Dyosa pero na-postpone nga ang teleserye na ito.

Ngayong hindi na exclusively dating sina Anne at Sam Milby,mas malaki ba ang chance na ma-push through ang wedding series at masmapaglalaruan na rin ang tandem nila ni Anne?

"Ako kasi, hindi rin naman ako naniniwala sa love team dahillang meron kayong relasyon or what, nandoon sa trabaho n'yo yan, e. Doon n'yo maipapakita. Minsan may mganangyayari pa na kahit hindi naman magkakilala, kahit hindi magka-relasyon,pero kapag nakita mo sa TV, grabe ang chemisty. Nasa tamang timing atsuwertihan lang din siguro."

Would he say na parang mas equal treatment na ngayon sakanilang tatlong leading men since wala na nga raw ang dalawa?

"Hindi naman nagkaroon ng lamangan, e. Right from the start, inaalagaan naman ng mga writers at mga directors ang bawatcharacters namin. Ako naman, bilangkasali sa Dyosa, hindi naman ako nag-e-expect na kailangan mas lamangako or mas bigyan ng importansiya ang character ko."

"Ako naman, kung ano lang ang ibigay sa akin, yun lang anggagampanan ko. At saka, ako naman, ang love team talaga rito ay sina Anne atSam. Masaya na ko na kahit paano,nakakasingit-singit ako roon."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoenoong October 14 sa Gusi restaurant para sa presscon ng Cinema One Originals. Ang Altar angfirst indie film na ginawa at pinagbidahan ni Zanjoe for Cinema One Originalsnoong 2007. Mapapanood na ito mula October 29 hanggang November 4 sa Indie Sine ngRobinsons Galleria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN