Joey de Leon bags Supremo Award at Supreme to the Extreme Awards

TV host-comedian Joey de Leon won the highest honor—the Supremo Award—in the first-ever Supreme to the Extreme Awards of the Philippine STAR last night, October 17, at The Fort, Taguig City.



Punong-puno ang Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City,kagabi, October 17, para sa kauna-unahang Supreme to the Extreme Awards ngPhilippine STAR, na binuo ng young writers ng naturang broadsheet sa pangungunani Tim Yap. Layunin ng mga awards na ito ang pagbibigay- parangal sa nararapat na achievers sa iba't ibang larangan, tulad ng fashion atshowbiz.

Si Tim ang nanguna sa pagbibigay ng awards, kung saan angbumoto ng winners ay ang mismong readers ng Philippine STAR.

Ang unang award na ibinigay ay ang Comeback of the YearAward. Nominado sa kategoryang ito sina Gabby Concepcion, Annabelle Rama, MatRanillo III, at ang TV5. Si Gabby ang nanalo, pero hindi siya nakasipotsa awards night.

Ayon kay KC Concepcion, anak ni Gabby kay Sharon Cuneta, posibleng nasa taping ang papa niya kung kaya hindi ito nakarating. Inbehalf of Gabby, ang bunsong kapatid nito at sinasabing look-alike ni KC na siSandy Concepcion ang tumanggap ng award para sa comebacking actor.

Second award naman ang Collaboration of the Year Award. Angkategorya na ito ay tumutukoy sa mga artistang nag-effort para mapagsama sila omakagawa ng paraan na pagsamahin ang isang bagay na parang imposiblengmangyari.

Nanalo sa kategoryang ito sina KC at Richard Gutierrez dahil nagawa nilang magkasundo ang Star Cinema at GMA Films para sa pelikulang For The First Time. Si KC ang tumanggap ng award. Ayonsa young actress-singer, absent si Richard dahil nasa inauguration siya ng bagongstudios at building ng GMA-7.

Ang iba pang nominees sa kategoryang ito ay sina KCConcepcion and Mark Nicdao, Roderick Paulate and Rick Astley, and JennylynMercado and Patrick Garcia.

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nanalo sa Best InChemistry Award. Ang mga naging kalaban nila sa kategoryang ito ay sina KimChiu & Gerald Anderson, Richard Gutierrez & KC Concepcion, RichardGutierrez & Heart Evengelista, and Richard Gomez & Lucy Torres-Gomez.

Yun nga lang, parehong hindi nakarating sina Dingdong atMarian. Tulad ni Richard ay nasa inauguration din sila ng bagong building ngKapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Supreme Dynasty Award naman ay iginawad sa pamilya sashowbiz na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagningning at pagigingsupreme. Ang Gutierrez family ang nanalo sa kategoryang ito over the Quizons,Eigenmanns, Sottos, mga Fabregas, and Cruzes.

Si Ruffa Gutierrez ang tumanggap ng award for her familyna sa huling bahagi ng speech niya ay nasambit niyang, "The Gutierrez are hereto stay!"

Meron ding Road Distraction Award, na ang ibig sabihin ayang mga naglalakihang billboards sa Edsa na takaw-pansin sa mga motorista.

Angel Locsin won with her Folded & Hung billboard sa maybandang Guadalupe; beating other celebrity billboards like MET, DingdongDantes's Bench Body, KC Concepcion's Bayo, Levi's 501 Jeans, and BayaniFernando's tarpaulins and billboards.

Yun nga lang, hindi rin nakarating si Angel sa awards night.

Marc Nelson and Rovilson Fernandez of Amazing Race Asia 2 got the award for RealityTV Star of The Year over Teresa Herrera, Hayden Kho, Pinoy Dream Academy winnerLaarni Lozada, Pinoy Idol winner Gretchen Espina, and Pinoy Big Brother TeenEdition Plus winner Ejay Falcon.

Sa Televisionary Award, ang Wowowee host na si WillieRevillame ang nanalo. Sa puntong ito rin naganap ang reconciliation sa pagitanni Willie at ni Joey de Leon nang i-share ng Wowowee host ang award niya sa EatBulaga host, na itinuturing daw niyang "supreme, icon, idol, and the livinglegend."

Bukod sa ilang staff ng Wowowee,kasama ring dumating ni Willie ang batambata at taga-Bulacan na nali-link sakanya at sinasabing bagong girlfriend niya na si Nadine Ignacio. Nakalaban niWillie sa Televisionary Award sina Joyce Bernal, Lauren Dyogi, at FrancisLumen.

For the Villain of the Year Award, Angelica Panganiban won forher performance in Iisa Pa Lamang as the kontrabida to ClaudineBarretto. Angelica arrived unescorted dahil ang boyfriend niyang si DerekRamsay ay nasa Bacolod for the Mascara Festival.

Nanalo ulit si KC Concepcion sa kategoryang She SupremeAward. Kung sa regular award-giving, puwede sigurong ihalintulad ang SheSupreme award sa Best Actress Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na natanggap nang personal ni KC ang kanyang secondaward dahil kinailangan na niyang uamlis agad. Si Ruffa ang tumanggapng award for KC at binasa na lang nito sa kanyang cell phone ang speech naipinadala ni KC, who happens to be the rumored girlfriend ng kapatid ni Ruffana si Richard Gutierrez.

Nakalaban ni KC sa She Supreme Award sina Vicki Belo, JudyAnn Santos, Divine Lee, at Charice Pempengco.

For the He Supreme Award, Francis Lumen of Radiohead/MTV wonthe award over Manny Pacquiao, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Chris Tiu,Raimund Marasigan.

Ang huling award na ipinamahagi ay ang highest award of thenight, The Supremo Award, won by Joey de Leon. Bukod sa trophy,nakatanggap din si Joey ng limited edition Swatch watch at Pussy Cat stuffedtoy.

Pinuri ni Joey ang mga young writers ng Philippine STAR, nakahit daw noong hindi pa siya nagsusulat sa naturang broadsheet ay hinahangaanna niya ang mga ito. Nagulat nga ang mga writer dahil halos kilala silang lahatni Joey by name.

Ayon pa sa speech ni Joey, talagang isinama niya ang mgaanak niyang sina Jaco at Jocas para ipakitang ipinagmamalaki niya ang natanggapna award galing sa Philippine STAR. ‘Tulad ni Willie, binanggit din ni Joey siWillie sa kanyang speech. Nag-"I love you" pa ito sa madalas na kapatutsadahanghost na katapat ng kanilang programang Eat Bulaga.

As a Kapuso loyal artist, right after the awards night ayhahabol pa raw siya sa inauguration naman ng bagong studios ng GMA-7.

Bukod sa mga nabanggit na categories, ilan pa sa ipinamigayna award ay ang Party Paparazzo of the Year na pinagwagian ni Daniel Tan;Party Movement of the Year na nakuha ng Mag:nets Rockeoke. For this category,Embassy Super Club was nominated, but was disqualified dahil si Tim ang isa saowners nito.

Robby Carmona won for the Fashion Force Award and Mark Nicdaofor the Hotshot Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maituturing na isang success and first-ever Supreme to theExtreme Awards at makaaasa raw na simula pa lang itong taong ito sa kanilangpagbibigay ng annual awards.

Ilan din sa mga artista na namataan ng PEPlast night, bukod sa mga nominado at tumanggap personally ng kanilangaward, ay sina Raymond Gutierrez, Rachel Lobangco, at Diether Ocampo.

CLICK HERE FOR GALLERY.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN