Ruffa Gutierrez tight-lipped on Cristy Fermin's suspension

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang host. Anythinginternal, ayoko pong mag-comment about that because it's a very sensitivetopic. At saka sa The Buzz, ako po ang in-charge sa mga light, happy, fun interviews.Yung mga controversial, hindi ko yun tina-tackle kasi, alam n'yo naman,controversial na nga ako," says Ruffa Gutierrez when asked to comment about Cristy Fermin's suspension.



Naging standout ang beauty ni Ruffa Gutierrez sa Supreme to theExtreme Awards ng Philippine STAR kagabi, October 7, na ginanap sa Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City.

Ayon kay Ruffa, dumating daw siya sa awards night dahil alamniyang nominado siya. Pero wala raw siyang ideya kung anong category yun atkung anong award ba ang posibleng mapanalunan.

Ang award na natanggap ni Ruffa ay para sa Supreme ShowbizDynasty na iginawad sa pamilyang Gutierrez. Si Ruffa ang tumanggap ng naturang award,gayundin ang She Supreme award ni KC Concepcion. Nag-text si KC sa kanya para siyaang magbasa ng thank-you speech nito dahil umalis ito nang maaga.

Nang tanungin kung ano nga ba talaga ang namamagitan sakapatid niyang si Richard Gutierrez at kay KC, umiwas si Ruffa at sinabing sila nalang ang tanungin ng press. Pero hindi naman tumanggi si Ruffa nang hingan siya ngadvice para sa dalawa, na nababalitang nagkakamabutihan na.

"Ang advice ko kay KC at kay Chard, sa kanilang young love,e, you know, sana enjoy it. Savor the feelings. I think, it's most important toconcentrate on what's important like your work, career. Kasi ang love naman, itwill follow. Just be careful and just enjoy life. They are young pa naman, somaraming mangyayari sa career nila, so sana, career first," pahayag ni Ruffa.

RUFFA MUM ON CRISTY'S SUSPENSION. Siyempre pa, hindi rin nakaligtas si Ruffa sa mga tanong tungkolsa nangyaring suspension ng co-host niya sa The Buzz na si Cristy Fermin, na simulangayong Linggo nga ay hindi na nila makakasama. Pero maingat si Ruffa sapagbibigay ng anumang pahayag pagdating sa bagay na ito.

"Para sa akin po, gusto ko lang sabihin po, sa lahat ngpubliko, na ako po ay isang host lang. Kasi nang matanggal si Tita Cristy sa TheBuzz, ang daming nagte-text sa akin, ang daming nagtatanong sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang host. Anythinginternal, ayoko pong mag-comment about that because it's a very sensitivetopic. At saka sa The Buzz, ako po ang in-charge sa mga light, happy, fun interviews.Yung mga controversial, hindi ko yun tina-tackle kasi alam n'yo naman,controversial na nga ako.

"So para sa akin, ayoko munang mag-comment about that.Siyempre, parang taong-bayan ang magsalita, pati ang management. I'm justa mere host. I'm just a soldier of the company. So, whatever they decide, I'llrespect them," saad ni Ruffa.

Mami-miss niya ba si Cristy?

"Lahat naman ng nakakasama ko sa trabaho, mami-miss ko,"sabi ni Ruffa. "Nagiging malapit ako sa mga nakakatrabaho ko. Si Tita Cristy,based sa one year na pagsasama namin, naging mabait po siya sa akin. Nagingmaganda ang pakikitungo niya. Ngayon, kung may problema siya with ourfamily, that's already in the 'higher court'.

"Yung mga emotion na yun, hindi namin dinadala sa trabaho.So, everyone naman that goes to the bad side of life, nakakalungkot. But,kaibigan ko rin si Nadia [Montenegro] at kaibigan ko rin si Tita Cristy. Kayaayokong mag-comment, mahirap na pong magsalita. Kung meron man akong sarilingdesisyon, sa akin na lang yun."

Matatandaang nanalo ang pamilya Gutierrez sa libel casena isinampa nila 13 years ago laban kay Cristy. Isinulat kasi noon ni Cristy sakanyang artikulo na kaya diumano bumalik sa Pilipinas ang Gutierrez famly aymay tinatakbuhan silang estafa case sa Amerika. Nitong taon lang nabigyanng desisyon ng korte ang naturang kaso na pumabor sa Gutierrez family.

Any message to Cristy?

"Mahirap po na mag-comment! Natatakot po ako!" iwas niRuffa. "Just pray, with every problem that you go through, there's always alesson to be learned. There's always a good that comes out of it. Hopefully, there's a good lesson to be learned."

KRIS TO REPLACE CRISTY? Si Kris Aquino raw ang papalit kay Cristy sa The Buzz kungkaya't magkakasama silang muli ng dating host na pinalitan niya. Ano angmasasabi ni Ruffa rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag si Kris ang kasama ko sa The Buzz, nai-stress ako!"tawa ni Ruffa. "Natataranta ako kasi napakagaling niya. So, I'm always onmy toes. So, kung si Kris nga ang papalit sa The Buzz, e, para sa akin,I'm very very happy.

"If not naman for Kris, wala rin naman ako sa The Buzz, diba? Umiikot lang naman ang mundo. At love ko si Kris. At kung may isaman na taong papalit kay Tita Cristy, si Kris Aquino yun."

Wala kayang talbugan na mangyayari sa pagitan nila ni Kriskung saka-sakali?

"Ay, wala nang talbugan! Tulungan na lang. Si Krisnaman, kapatid ko na ‘yan. And I really look up to her as a host, as aperson. Ang dami nang pinagdaanan ni Kris and yet, look at her now, she's soshining, she's so bright, so confident. So, I look up to Kris and I know, ifshe will be there in the show, she will also help me there as a host and as aperson," saad ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN