Marian Rivera affected by controversies hounding Dingdong Dantes



Masaya na may halonglungkot si Marian Rivera dahil sa pagtatapos ng pangalawang primetime seriesnila ni Dingdong Dantes sa GMA-7 na Dyesebel, noong Biyernes, October 17.

Nakapanayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Marian pagkatapos ng dance number nila niDingdong sa naganap na special show sa inauguration ng bagong GMA NetworkStudios kagabi rin.

Happy si Mariandahil sa pagtatapos ng Dyesebel ay sila pa rin ang No. 1 sa ratings at hinditalaga bumitaw ang kanilang fans hanggang sa kahuli-hulihang laban sa pag-ibignina Dyesebel at Fredo. Angmalungkot naman daw ay dahil mami-miss niya ang lahat ng mga nakasama niya sashow, mula sa buong cast hanggang sa staff and crew.

"Halu-halo ang mganararamdaman ko sa pagtatapos ng Dyesebel," sabi ni Marian. "Siyempre, masayakaming lahat kasi talagang inabangan ang mga huling mga eksena namin sa show.Kaya naman ginandahan ni Direk Joyce Bernal ang last week ng show namin. Gustokasi namin na matuwa ang lahat ng manonood ng Dyesebel. Ilang araw din kaminghindi natulog nang maayos para lang mabigay namin ang gusto nila.

"Pero siyempre,nakakalungkot kasi matagal na naman kaming hindi magkakasama ng mga nakatrabahoko. Sa cast, talagang nag-bonding kami almost every day kapag may taping kami.Lalo na nitong last week ng Dyesebel, talagang sabay-sabay kaming kumakain,umuuwi, ‘tapos magkikita ulit kinabukasan.

"Sa staff and crewng Dyesebel, the best sila! Wala silang hindi ginawa para lumabas na magandaang show. Mami-miss ko sila kasi mas pagod sila kesa aming mga artista. Walarin silang tulog at pahinga. Kaya bilib ako sa kanila at sana nga aymakatrabaho ko ulit sila sa next GMA show namin ni Dingdong," mahabang pahayagni Marian.

Ang susunod naprimetime series nina Marian at Dingdong ay ang TV adapatation ng 1980 VivianVelez film na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pero bago ito simulan,tatapusin muna ng dalawa ang unang pelikula nila together, ang One True Love saGMA Films kung saan kasama rin nila si Iza Calzado. May tatapusin ding pelikulasi Marian for Regal Entertainment, ang Desperadas 2 na entry naman sa 2008Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pahinga muna kamisa TV ni Dong at sa movie muna nila kami mapapanood," ngiti ni Marian. "Magpapahinga lang kami ng ilang araw atmagre-resume kami ng shooting ng One True Love. Magugustuhan din nila ang movienaming ito ni Dong kasi kikiligin at maiiyak din sila sa mga eksena namin. Thistime kasi, sa big screen na nila kami mapapanood para naman maiba. Kaya abanganna lang nila ang One True Love."

Kaya naman ang planoni Marian na bisitahin ang kanyang ama sa Madrid, Spain ay hindi na matutuloy.

"Hindi na kasi kayang schedules ko," sabi niya. "Matagal ko nang hiniling ‘yon, pero talagangkailangan sundin ang naka-schedule sa akin. Ayoko namang may mabitin na trabahodahil umalis ako. Kaya angmagandang nangyari ay ang daddy ko ang bibisita sa akin dito sa Pilipinas. Bakasa April next na niya ako bisitahin dito.

"Nag-usap na kami atsinabi niya na siya na lang ang pupunta dito. By April daw siya magigingokey na mag-travel. Kaya happy ako kasi ilang buwan na lang, e, magkikita naulit kami ng daddy ko!" masayang kuwento ni Marian.

Tinanong na rin ngPEP si Marian tungkol sa suporta na ibinibigay niya kay Dingdong sa mgakontrobersiya na kinasasangkutan nito ngayon. ‘Tulad nga ng balitang hiwalay naraw ang young actor sa girlfriend nitong si Karylle.

"Alam naman ni Dongna kahit ano pa ang pagdaanan niya, I am always here for him. Aware naman akosa mga bali-balita at siyempre, hindi puwedeng hindi rin ako maapektuhan. Kasiunang-una, kasama ko sa trabaho si Dong. At kung apektado ang work niya, gano'ndin ako.

"Kami naman ni Dong,may bonding kami na pang sa amin lamang. Nagkakaintidihan kami at nagkakasundokami sa ilang bagay. Kaya kung sino man sa amin ang maapektuhan ng intriga,apketado rin yung isa. Kaya nga nandito kami para sa isa't isa bilangmagkaibigan," sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN