Sheryn Regis wins Asia's Best Female Performing Artist award

by Melba R. Llanera
Oct 20, 2008
"'Di ko expected ito, tinanong ko nga kung may award kaya ako this year kasi patapos na yung taon, e. Every year may award akong natatanggap, like sa Pinoy Music Award and ibang awards pa. Yearly talaga yun, ‘tapos ngayong taon na ito wala, yun pala may hahabol before the end of this year," says Sheryn Regis of her Asian Best Female Performing Artist award from the Asian Star Entertainment Awards.

Last year ay kinumpirma ni Sheryn Regis sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balak niyang pansamantalang talikuran ang show business at subukan ang magiging buhay niya in States. Marami ang nanghinayang sa pahayag niyang ito, lalo na't she has already created her own niche in the music and TV business.

Pero sa kabila ng kanyang pahayag, nandun pa rin ang pag-asam ng marami niyang tagahanga na maaari pa ring magbago ang isip ni Sheryn at manatili na lang sa bansa at sa kasalukuyan niyang propesyon.

UNEXPECTED AWARD. Lalo na sa itinatakbo ngayon ng career ni Sheryn, tila nabubuhayan na ang mga tagahanga niya. Everything seems to fall into place now for the singer. Bukod sa regular na siyang napapanood sa I Love Betty La Fea, Sheryn was recently presented with the Asia's Best Female Performing Artist award given by the Asian Star Entertainment Awards held last October 4, at the Gateway Mandarin Suites, Araneta Center, Quezon City.

Continue reading below ↓

"Whole Asia, may mga nominess pero hindi na ipinaalam kung sinu-sino, but ako yung napili sa whole Asia.

"Nung unang nakarating sa akin ito, bakit ako? Then naisip ko, maybe because ang performances ko, we're abroad, Europe, America, Asia, ‘tapos may mga bookings din ako lagi dito sa Pilipinas.

"Of course, sobrang flattered ako kasi sa buong Asia, ako ang napili. Sobrang laking karangalan sa akin nun."

Sheryn never expected the award lalo't patapos na nga naman ang taon nang manalo siya dito.

"'Di ko expected ito, tinanong ko nga kung may award kaya ako this year kasi patapos na yung taon, e. Every year may award akong natatanggap like sa Pinoy Music Award and ibang awards pa. Yearly talaga yun, ‘tapos ngayong taon na ito wala, yun pala may hahabol before the end of this year."

A DIFFERENT SHERYN IN BETTY. Aminado din ang singer na malaking tulong talaga sa kanya na naging parte siya ng Betty La Fea. May recall kasi ang character niya sa maraming tao. Nagkaka-conflict nga lang minsan ang schedule niya dahil madalas ay may taping siya pag may mga booking siya para kumanta.

Continue reading below ↓

"Ang sarap nung feeling na nare-recognize ka ng mga tao, yung naa-acknowledge na ‘Uy kasama yan sa Betty La Fea.' Sa ASAP may recall ako na Sheryn Regis as a singer, sa Betty, ibang Sheryn naman ang nakikita nila.

"Sobra akong nag-e-enjoy sa Betty kaya lang nagko-conflict yung time ko sa pagkanta sa taping. May mga booking na di ko na makuha kasi kasabay ng Betty."

STILL GOING TO AMERICA? Nang tanungin ng PEP kung sa kabila ba ng magandang tinatakbo ng career niya, tuloy pa rin ba ang pagpunta niya sa America?

"Sinabi ko sa lawyer ko sa California na ‘wag muna. He knows that I'm not yet prepared to go to America and dun na kami magse-settle. He knows that I'm still doing okay sa showbiz, so dito na muna ako. If I wanna work there, I can work there anytime, sabi ko bigyan muna ako ng two to three more years."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"'Di ko expected ito, tinanong ko nga kung may award kaya ako this year kasi patapos na yung taon, e. Every year may award akong natatanggap, like sa Pinoy Music Award and ibang awards pa. Yearly talaga yun, ‘tapos ngayong taon na ito wala, yun pala may hahabol before the end of this year," says Sheryn Regis of her Asian Best Female Performing Artist award from the Asian Star Entertainment Awards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results