Ryan Agoncillo unleashes his bad side in "Pieta"

Ryan Agoncillo describes his character in Pieta: "Si Rigor kasi, medyo matindi ang baltiksa utak. Siyempre, sanay tayo na in life, very controlled in our actions. Perosi Rigor, ginagawa lang niya ang gusto niyang gawin at the moment. Kung anumanang gusto niyang gawin, basta wala nang isip-isip, gagawin na lang niya. Atyun ang pinakamahirap gawin. Like ako, kailangan kong iklaro yung utak ko atpakawalan ang sarili ko doon sa script."



Simula sa Lunes, October 27, muling magbabalik si RyanAgoncillo sa isang serye sa telebisyon pagkatapos ng Ysabella nila ngkasintahang si Judy Ann Santos. Si Ryan ang bida sa bagong afternoon soap ngABS-CBN na Pieta, kung saan gagampanan niya ang dating role ng yumaong si AceVergel sa pelikula. Si Cherie Gil naman ang gaganap bilang ina ni Ryan, naunang ginampanan ng yumao na ring aktres na si Ms. Charito Solis.

Ang Pieta ang papalit sa timeslot na iiwan ng Ligaw naBulaklak ni Roxanne Guinoo.

"I'm very happy sa pagbibigay sa akin ng opportunity to bein Pieta, I really owe everything to ABS-CBN," umpisa ni Ryan. "Iba yung sugalna that they are thinking for giving me the show. And I wouldn't be able todo it without the 100 percent support of ABS and their creative team.

"And, of course, buti na lang, may blessing tayo ni DirekCarlo J. Caparas. Ano ‘to, e...this is a classic of him. At napakasaya ko na akoang napili at mapalad na gaganap ng role ni Rigor na napakabigat. Actually,mahirap...mahirap siyang gampanan and I'm just happy that I'm able to be giventhe opportunity to give it a shot," saad ng actor-TV host sa presscon ng Pietakahapon ng tanghali, October 21, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Malaking tulong din daw kay Ryan na kahit noon pa man ay maybackground na siya sa taekwondo and other sports. Although marami pa rin dawsiyang preparation na ginawa para rito sa Pieta.

"Sa preparation, noong una pa lang, I insisted atpinagbigyan naman ako na makapag-workshop with Direk Laurice Guillen. Therewere a lot of scenes actually na kinailangan kong makalimutan. At angitinuro ni Direk Laurice sa akin is to let go and, of course, I have to loosenup in order for me to play Rigor.

"Si Rigor kasi," kuwento ni Ryan, "medyo matindi ang baltiksa utak. Siyempre, sanay tayo na in life, very controlled in our actions. Perosi Rigor, ginagawa lang niya ang gusto niyang gawin at the moment. Kung anumanang gusto niyang gawin, basta wala nang isip-isip, gagawin na lang niya. Atyun ang pinakamahirap gawin. Like ako, kailangan kong iklaro yung utak ko atpakawalan ang sarili ko doon sa script."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ART IMITATES LIFE. Wala bang pagkakahawig ang role niya sa at sa relasyon nilang kanyang ina ang papel nila ni Cherie bilang mag-ina sa Pieta?

Ayon kay Ryan, "Well, I guess with all actors, lahat namantayo, humuhugot tayo sa pang-personal na buhay. Pero iba-iba yung level. Hindinaman ‘yan eksakto na... Ang Rigor sa totoong buhay, it's just a role. Walaman akong paghugutan sa totoong buhay na kaparehang-kapareha, obligasyon ko yunbilang aktor na maghanap na paghuhugutan.

"But again, this is a role. Malinaw sa akin at buti na langna ginawa ko ‘to noong magdesisyon ako na... Ang gusto ko kasi ngayon sa buhay,maging mabuting tao sa totoong buhay. At least, ibang-iba ang ginagampanan.Yung Rigor, talagang salbahe."

Aminado si Ryan na he's always been a mama's boy in reallife.

"Pero kasi, now that I'm an adult, mas naa-appreciate koyung presence ng mom ko. Iba yung presence ng mom ko, iba, e. Kaya ko na akoang gumagawa ng mga gawain, pero iba pa rin kapag may haplos ng isang ina.

"Kaya rito sa Pieta, medyo nahirapan akong maging pabalang,noong una, kay Cherie bilang Amanda. Nahihiya ako, e. Kasi naiisip ko, kung akoginawa ko ‘to sa nanay ko, baka nabigwasan na ako, di ba? Pero kinailangan konggawin," sabi ni Ryan.

SIZZLING LOVE SCENES. Ayon kay Ryan, very supportive naman ang girlfriendniyang si Judy Ann Santos sa bago niyang role. Aware din daw ang aktres nanapakaraming sizzling love scenes si Ryan with his leading lady, KristaRanillo.

"She's been very supportive at kanino pa ba naman akomanghihingi ng advice, di ba, kundi sa kanya? Yung kissing scenes, noong makitako yun sa script, ganoon talaga, e. Ganoon talaga ang hinihingi ng materyal. Atsi Judy Ann naman, she's been an actress for the longest time, and she's theleast that will react sa mga ganoong eksena dahil napagdaanan na rin namanyun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ryan, dumadalaw pa raw sa set nila si Juday.

"Matatanda na kami, e," sambit ni Ryan. "Hindi na yunghiya-hiya. Siyempre, nagbibiruan na lang kami. Like, nagbibiro ako na, ‘O,tapusin na natin ang eksenang ito bago dumating si kumander!' Pero, biruan langnaman yun. Pareho na kaming nasa edad para, ‘ika nga, e, pangkabuhayanshowcase!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN