"Pinoy Fear Factor" contestants include two showbiz personalities — source

Actress LJ Moreno (left) and The Buzz segment host Phoemela Barranda (right) are reportedly two of the 12 contestants of ABS-CBN's Pinoy Fear Factor hosted by Ryan Agoncillo.



Sa November na nakatakdang ipalabas angpinakaaabangang reality show ng ABS-CBN, ang Pinoy Fear Factor. Ito ay ayon mismo sa isangPR assistant ng Corporate Communications Dept. ng ABS-CBN na nakausap ngPEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang Pinoy Fear Factor, hosted by Ryan Agoncillo, ay hango sa Fear FactorExtreme ng South America.

Tatlumpung araw na nanatili sa Argentina para hamunin ang tapang at tibay ngloob ng 12 contestants sa kanilang pagsabak sa iba't ibang physical and mentalstunts.

Hamon sa mga kalahok para higitan ang sariling kakayahan at harapin angkanilang kinatatakutan. Ang sino mang mananalo ay mag-uuwi ng P2 million cash prizeat house and lot worth P2.5 million.

Bagamat tapos na ang taping ng Pinoy Fear Factor saArgentina ay nananatiling lihim ang katauhan ng labindalawang contestants nasumabak sa iba't ibang hamon. Ayon sa teaser na ipinapakita sa ABS-CBN, angdalawa sa contestants ay binansagang "Glam Goddess" at ang isa naman ay"Daredevil Chick." Pareho raw artista ang dalawang ito.

Ang "Glam Goddess" ay isa raw popular host and model, na angmga kinakatakutan ay ipis at daga. Ang "Daredevil Chick" naman ay isinakripisyoang career niya sa showbiz upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral; she has fearof the unknown.

Sa presscon ng Pieta kahapon, October 21, ay nakatsikahan ngPEP ang isang taga-ABS-CBN. Nagkataon naman na si Ryan Agoncillo ang bida saPieta at siya rin ang host ng Pinoy Fear Factor.

Nagulat kami nang sabihin ng taga-ABS-CBN sa amin kung sinoang dalawang artista na kasama sa Pinoy Fear Factor. Tinanong namin siya kungpaano niya nalaman. Sagot niya, isa raw kasi siya sa mga kasama sa grupo. Atpara nga patunayan ay ipinakita pa niya sa amin ang ilan sa listahan ng mgacontestant.

Bagama't ang ilan ay walang apelyido ay siniguro naman niya sa amin na dalawalang dun ang showbiz personalities—sina Phoemela Barranda at LJ Moreno.

Si Phoemela ang tinutukoy na "Glam Goddess" at si LJ namanang "Daredevil Chick."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa aming source, maaga raw umuwi si Phoemela. Perohindi nito alam kung ang The Buzz segment host ang unang natanggal o umuwi langsiya nang maaga sa kung anong dahilan.

Sa nakita naming listahan ay mayroon ding nagngangalang "James" at "Von," perohindi kami sigurado kung tama ang spelling ng mga pangalan na aming nakita,dahil na rin sa nakasulat ito sa maliit na papel.

Ang iba pang mga pangalan ay hindi na namin matandaan dahil hindi rin naman naminkilala ang mga ito. Sinadya rin naming hindi kopyahin ang listahan para hindikami mabuko na interesado kaming isulat ang kuwento ng aming source.

Kuwento pa ng aming source, mahigpit daw ang security ng mga contestant dahilhindi puwedeng lumabas. Inaalala raw kasi nila ang kapakanan ng bawat isa.

Sa airport na lang daw nalaman ng mga contestants kungsinu-sino ang mga makakalaban nila dahil may piring ang kanilang mga mata noonguna. Nagkagulatan pa nga raw ang mga contestant nang isa-isa na silang tangalanng takip sa mga mata.

Sayang at naputol na ang aming kuwentuhan nangmaglabasan na ang entertainment press sa Dolphy Theater dahil natapos na angpresscon ng Pieta. Kung hindi sana ay mas marami pa kaming makukuhang info aboutPinoy Fear Factor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN