MTRCB chairperson pleased with reconciliation of Joey de Leon and Willie Revillame


MTRCB chairperson Consoliza Laguardia (main) expressed gladness over the news that Joey de Leon and Willie Revillame have settled their differences, at last. She says with a laugh, "Hindi lang tinik kasi ang dalawang 'yan, para silang mgaespada sa dibdib ko!"


Tuwang-tuwa si Movie and Television Review andClassification Board (MTRCB) chairperson Consoliza Laguardia sa pagbabati ninaJoey de Leon at Willie Revillame. (Click here to read related article.)

Ayon kay Ms. Laguardia, hindi siya makapaniwala namangyayari 'yon. Inakala pa raw niyang naglolokohan lang ang dalawa, peronalaman niyang totoo pala ang pagbabati ng dalawa.

Sina Joey at Willie ang madalas mabigyan ng memo or warningng MTRCB dahil sa mga maaanghang na sagutan nila sa TV. Pareho na nga raw nana-suspend sa kanilang mga shows ang dalawa dahil sa pagiging masyadong pasawaynila sa TV.

Pero sa pagbabati nga nila Joey at Willie, malaking ginhawa ang naramdaman ni Ms. Laguardia.

"Hindi lang tinik kasi ang dalawang 'yan, para silang mgaespada sa dibdib ko!" tawa niya nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Noong mapanood ko nga, natuwa talaga ako kasi magiging daanna sila sa maraming changes sa telebisyon. Hindi ko naman masisi ang dalawakung magpatutsadahan sila sa TV dahil pareho silang mga sikat at nagre-rate angmga shows nila. Pero minsan nadadala sila ng mga damdamin nila. Doon na silanagkakaroon ng problema.

"Sinasabi ko naman sa kanila na kapag galit sila, huwagsilang haharap sa kamera dahil hindi nila talaga mapigilan ang sarili namagsalita. Kapag nagsalita na silang galit sila, hindi na nila alam ang mgalalabas sa bibig nila. Hindi nila alam na nakakasakit na sila ng kapwa at maramingnakakapanood sa kanila."

Payo parati ni Ms. Laguardia na huwag nilang gamitin ang TVpara sa anumang away na personal. Hindi raw interesado ang mga televiewers saanumang personal na alitan. TV is a medium for entertainment.

"Nakakalimutan na kasi natin na kailangan sila magingentertaining for the people out there to really appreciate them and like them.Sila Joey at Willie naman, they are very likeable people. Marami silang fans atenjoy ang mga tao sa mga ginagawa nilang pagpapatawa. Pero sometimes, they gooverboard sa mga emotions nila. Yun ang dapat nilang i-control.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon at bati na sila, we are all hoping for morepleasing shows from the two of them. Magkaibigan naman kasi ang dalawang ‘yanpero mas namayani ang mga emotions nila. Tumagal din ng almost a year angalitan nila. But it's really good news na okey na silang dalawa."

Isang araw raw ay iimbitahan niya sina Joey at Willie sakanyang office sa MTRCB para makausap at malaman kung totohanan ba angpagbabati ng dalawa.

"Gusto ko lang silang makaharap na dalawa one day atmagkausap kami. I want to congratulate them personally sa ginawa nilang effortna 'yon na magkasundo na sila. Yun nga lang huwag lang nilang gawin yung mag-kisssila sa harapan ko! Gawin na lang nila 'yon in private!" natatawang pagtataposng MTRCB chairperson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN