Melissa Ricks denies Rayver Cruz is her boyfriend

"Very charming si Rayver, mabait at kaibigan ko talaga siya,pero ganun lang,"says Melissa Ricks about Rayver Cruz (inset).



Ikinagulat ng marami noong lumabas ang pangalan ni Rayver Cruz, na siyang sinasabi daw na crush ni Sarah Geronimo na taga-ASAP. Agad ding lumabas ang pangalan ni Melissa Ricks, na siya naman daw tunay na karelasyon ng youngactor.

Kataka-taka ito dahil ni minsan ay walang nabalitana nakitang nagde-date o may espesyal na napapansin sa dalawang young stars. Kaya nga naging palaisipan kung bakit may mga nagsasabi na may espesyal nanamamagitan sa dalawa na pilit lang daw itinatago ng mga ito.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayMelissa tungkol sa isyu ay nagkuwento ang young actress na may mga negativemessages nga raw siyang natatanggap sa kanyang blog.

"Bago pa man lumabas ang mga balita na ‘yan, may mga fansnang umaaway sa akin. Nagagalit sila and sinasabi nila na layuan ko raw siRayver dahil hindi raw kami bagay, pinapadala nila ito sa blog ko.

"'Tapos nga, I read an article na sinasabing nagkaaway rawkami ni Rayver because of Sarah [Geronimo]. May nabasa pa uli ako namagkaaway raw kami ni Rayver, at tinext ko pa raw si Gerald [Anderson] dahilmay rehearsal kami sa ASAP at magkasama sila ni Rayver.

"Kung babasahin mo, maniniwala ka dahil kumpleto yungmga detalye. Hahanapin ko yung source niyan kasi yung mga detalye niya, totoo.Yung mga kaganapan lang ang hindi. Sabi pa nga ng sumulat, abangan daw sa ASAP kungmag-iisnaban daw uli kami ni Rayver."

Aminado si Melissa na dahil magkakaedad sila nina Rayver,Kim Chiu, Gerald, at Matt Evans ay talagang malapit sila sa isa't isa. Perokung closeness daw with Rayver, hindi naman daw sila yung tipong "close naclose."

"Magkakasama kami sa ASAP kasi kami ang magkakaedad,lagi kaming magkakausap, kami ang magkakasama sa mga [production] numbers. 'Taposmeron din akong number ni Rayver, pero hindi kami textmate. Very charming si Rayver, mabait at kaibigan ko talaga siya,pero ganun lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THIS MUST HAVE STARTED IT. Nang tanungin ng PEP kungmay naiisip ba siyang isang insidente na puwedeng pagbasehan ng paghihinala ngiba na may special something nga sila ni Rayver, may naalala si Melissa

"Never kaming lumabas ni Rayver na kami lang," sabi ni Melissa. "Pero one time,mayroon kaming pinuntahan na party ng producer ng isang show and hindi ko alam nanandun pala si Rayver. Tumawag sa akin yung isang friend namin, ‘Uy,nandito si Rayver, pumunta ka na raw dito dahil wala siyang kasama.'

"Pagdating ko dun, nagkasama-sama kami sa isang table—ako,yung producer, yung RM [road manager] ko sa Star Magic, yung P.A. [productionassistant] ko—‘tapos inaasar nila kami. Pero ganun lang.

"Nung uuwi na ako sinabihan ko si Rayver na sabay na langkaming umalis kasi nga nahihiya akong umalis na mag-isa, inasar na kami. Bakitdaw kami sabay na uuwi? Ito lang ang naisip ko na incident na puwedeng pagsimulanng lahat," lahad ng young actress.

Kahit na ipinareha na kay Matt Evans, consistent pa rin siMelissa na magkaibigan lang talaga sila ng ka-love team.

"Ganun pa rin kami, asaran lang, kulitan, mag-aaway,magbabati. Pero siyempre as time goes on, mas nagiging close. Hindi natinmasasabi ang mangyayari in the future, but as of now, we're friends."

STRICTLY TAKE 1. Medyo matured ang role ni Melissa asSophia sa Iisa Pa Lamang. Kinakitaan nga siya dito ng husay sapagganap. Ayon naman kay Melissa, hanga't maari ay gusto niyang "take 1"lang ang mga eksenang kasama siya dahil sa hiya niya sa husay ng mga kasama sanasabing teleserye.

"I enjoy the taping. Take 1 lang kami dun. Bawal umulit.Siyempre ang gagaling ng mga kaeksena mo. ‘Pag nag-‘take 3' or ‘take 4' ka,nakakahiya.

"Dumarating yung script, umaga na. So, umaga na naminbinabasa, kailangan tutok ka. ‘Pag wala kang ginagawa, kailangan basahin moyung script mo at pag-aralan. Nakakahiya kasi kina Ms. Pie [Cherry PiePicache], kina Ate Claudine [Barretto]... Alam nila ang lines nila, alam nila ang gagawinnila, kaya kailangan handa ka rin sa eksena mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago magtapos ang interview ng PEP sa kanya ay kinumpirma niMelissa na isang proyekto ang hinahanda ng ABS-CBN na pagsasamahan nila ninaGerald, Kim, at Matt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN