Lumabas na naman ang pagiging kikay ni Mother Ricky Reyes nang makipagtsikahan siya sa mga miyembro ng entertainment media last Wednesday sa kanyang Scriptovision Studio sa may E. Rodriguez Avenue, Quezon City.
May bagong show kasi ang kilalalang beauty guru ng bansa sa QTV-11—Life & Style with Ricky Reyes. Magsisimula na ito
this Sunday, 10 to 11 am at ito'y tungkol sa kagandahan, fashion, at siyempre,
sa lifestyle ng mga artista at celebrity.
After ng presscon ni Mader Ricky, nakipaghuntahan pa siya sa ilang taga-media.
Dito nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na
usisain si Mader tungkol sa iba't ibang paksa:
Kung siya ba ay exclusive lang sa QTV-11 at GMA-7 o puwede rin siyang lumabas sa ABS-CBN, kung isa ba siya sa major stockholder ng GMA-7, ano nang bahagi ng katawan niya ang binago ng magic ng siyensiya, kung may plano ba siyang magpa-sex transplant at kung ano ang opinyon niya sa mga bading na nagpa-sex change, at iba pang exciting na issues.
Una muna niyang sinabi ang tungkol sa bago niyang TV program.
"It's a no-holds-barred tsikahan with the best dressed and the most
accomplished women in town. It's like having your fashion icon
or your favorite celebrity for a cup of coffee or tea and having a light but
interesting conversation with them," nakangiting wika niya.
"What I like about the show is that the guests are free to talk about
anything. We can talk about what's hot in fashion and entertainment, love
and relationships, inspiring life stories...anything that is fun and
interesting," dagdag pa niya.
Kabilang sa line-up ng guests ay sina ex-First Lady Amelita "Ming" Ramos, Wilma
Galvante of GMA-7, fashion icon Tessa Prieto-Valdez, at ang kilalang beauty expert
na si Ms. Cory Quirino.
Pero hindi kaya ma-alienate ang masa audience kung puro sosyalera ang guests niya?
"Hindi naman, kasi kakikayan ang usapan, e. Ibinababa namin sa level ng
lahat ang topic dito. In QTV, they told me to talk more in English because nga
the market is A and B. But sabi ko, parang hindi ako, I would like to
talk to people in Taglish.
"Isa pa, sa susunod na mga episode ay magiging guest din dito sina Dr.
Margarita Holmes at Mo Twister, yung mga divas
natin noon at ngayon, at iba pang interesting na
personalities."
HIGH-PROFILE FRIEND. Dahil close na close siya kay Ms. Galvante ng
Kapuso network, puwede ba siyang lumabas sa ABS-CBN o exclusive lang siya sa
GMA-7 at QTV-11?
"Hindi naman. Nag-guest ako kay Korina [Sanchez], mayroon akong invitation para
sa Wowowee, at kung saan-saan. Kaya
lang sometimes, you know, yung schedules lang ang hindi magtugma. Like
nang inimbita ako sa Wowowee, I was out of the country then, e.
"So, mali yung impression ng iba na sa GMA lang ako dahil friend ko si Wilma.
Talagang, kumbaga, best friend ko siya, and we've been friends since Channel 9
pa. And my guesting with other shows has nothing to do with our
friendship. Iba yung pagkakaibigan namin and iba yung when I go out.
"Oo naman, puwede akong lumabas sa Channel 2, Paboritung-paborito ako ni
Korina, sa TV Patrol... at sa iba pa," aniya pa.
Hindi ba siya silent investor ng GMA-7?
"No, hindi. Not even a stockholder. Before, they were selling and
Wilma told me na mag-invest ka na dahil mura pa noon, e. And I told her
that I don't get into something that I don't know. Ganon kasi ako, e, when
I do business I make it a point na alam ko ang papasukin ko.
"At saka ako, I'm more in the propagation of the business. We keep on opening
salons and pinapagalitan na nga ako ng head comptroller ko, na why do we have
to open shows, kasi when you open one shop, we spend like three to four
million. Tatanungin niya ako na, kailan daw ulit babalik iyang tatlo o apat
na milyon na ilalagay ko roon?
"Pero sa akin, it's not important with the return of the money, as long as I have a comfortable living. Ang importante sa akin, yung salon, magkakaroon na naman ng mga taong magtatrabaho riyan, you provide livelihood to people," esplika pa ni Mader na mayroong 43 branches ng Ricky Reyes Salon nationwide with more or less 1000 employees.
THANK YOU, DOC. Okey lang ba sa kanya ang
magparetoke ng beauty?
"Kasi when you are above 35, go for it. So, okey lang na magpaganda nang
magpaganda.
"Ako, I've undergone...itong eyes ko, kailan lang iyan. Kasi nakikita ko na may
kulubot ako sa may bandang mata, e, so pinatanggal ko kay Dr.
Valerio. Hindi naman nakakatakot, hindi naman masakit, kasi tulog ka naman
at wala kang mararamdaman na kahit na ano.
"Pero yun lang ang ipinagawa ko, mata lang and yung erase, pero yun naman ay
injection lang, e. At maraming-maraming kalandian sa balat, lahat ng
kalandian sa balat, ha-ha-ha-ha!"
SEX CHANGE. May plano rin ba siyang magpa-sex change?
"Wala pang balak, enjoy pa kasi ako sa ‘kanya', e, ha-ha-ha-ha!" nakatawang
sagot pa ni Mother Ricky.
"Pero sa totoo lang," seryosong saad niya. "Naaawa ako sa mga bading na
nagpapa-sex change, e. Pero what can I do? That's their choice, di
ba? Pero, bawas na o wala na silang libido. Kasi, paano pa sila
magkakaroon ng libido kung tatanggalin na iyong ano nila mismo? Wala na
iyong sa physical na sarap, parang psychological na lang siguro yung happiness
nila. Iniisip na lang siguro nila na masarap, so, okey lang, basta kung
saan naman sila maligaya, e."