Kim Chiu on Gerald-Pauleen rumor: "Okey lang yun."

"Okey lang yun, hindi naman kami mag-asawa. Lalaki siya,teenager na maraming gustong gawin, maraming gustong ma-experience, kaya okeylang yun," says Kim Chiu on the recent rumor linking her reelpartner Gerald Anderson to young actress Pauleen Luna.



Nang lumabas ang tsismis na nanliligaw raw si Gerald Anderson kay Pauleen Luna, agad na natanong ngkaramihan kung paano na ang ka-love team ni Gerald na si Kim Chiu.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siKim, in-assure nito na hindi naging issue sa kanila ni Gerald angpagkakatsismis ng binatang Fil-Am kay Pauleen.

"Okey lang yun, hindi naman kami mag-asawa. Lalaki siya,teenager na maraming gustong gawin, maraming gustong ma-experience, kaya okeylang yun. Nung nag-usap nga kami ni Gerald, sabi ko lang, ‘Hala,hayan na naman!' E, lapitin pa naman siya ng mga isyu sa babae," pahayag ni Kim sa PEP.

Napag-usapan daw nila ni Gerald yung tsismis na pagsundo rawni Gerald kay Pauleen sa Embassy.

"Sa pagkakaalam ko, hindi totoo. ‘Tsaka ang sabi sa akin niGerald, hindi totoo kasi everyday kami may sked. ‘Tsaka ayaw niyang pumunta samga ganung lugar, kasi hindi siya umiinom, hindi rin siya naninigarilyo."

May balita pang lumabas na selos na selos daw si Kim sanaglabasang mga tsismis kaya lagi rawnitong tsine-check through her cell phone's 3g ang binata. Pinasinungalingannaman ito ni Kim.

"Walang 3g ang cellphone ko at walaring 3g ang cellphone niya. Alam ko naman na wala talaga [katotohanan], kayalang kung saan-saan na napupunta yung mga issues."

Aminado si Kim na kinikilig siya sa kapareha ‘pag specialfeelings na para rito ang pinag-uusapan. Pero para kay Kim, mas maganda rawkung wala silang commitment sa isa't isa. Maaari raw kasing maapektuhan angkanilang trabaho kung saka-sakaling magkarelasyon sila.

"Ako, mahal na mahal ko ang trabaho ko, ako ang breadwinnerng family namin, baka mawalan ako ng trabaho," pagtatapat pa niya.

FREE TO DATE ANYONE, BUT... Dahil wala ngangcommitment sa isa't isa, free naman daw na makipag-date sila sa iba.Pero si Kim, "Wala naman kasing nakikipag-date sa akin. ‘Tsaka ayoko nungsasabihin sa iyo, ‘Uy, date tayo.' Kahit dati pa, ayoko talagangmakipag-date, gusto ko marami kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung gusto niyang makipag-date okey lang, gaya ng sinabiko, teenager siya, so, kung gusto niyang gumimik, gumimik siya," nasabi namannito tungkol kay Gerald.

Sinabi rin ni Kim na ‘pag napatunayan niyang may girlfriendna talaga si Gerald, siya na mismo ang lalayo sa binata.

"Oo naman, didistansiya ako. Pero wala naman kasi siyanggirlfriend dahil hindi naman totoo yung mga isyu na lumabas."

Bukod sa regular na napapanood sa ASAP '08 aykumpirmadong mataas ang ratings ng Your Song episode nina Kim and Geraldna My Only You. Kasama rin ang magka-love team sa "Class Picture" episode ng Shake,Rattle & Roll X.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN